Word Of Truth Christian Church

Word Of Truth Christian Church

Share

Juan 11:38-57 (MBBTAG12) - Muling nabagbag ang kalooban ni Jes | YouVersion 17/05/2026

John 11:38-57
[38] Muling nabagbag ang kalooban ni Jesus pagdating sa libingan. Ang pinaglibingan kay Lazaro ay isang yungib na natatakpan ng malaking bato.
[39] “Alisin ninyo ang bato,” utos ni Jesus. Ngunit si Martha na kapatid ng namatay ay sumagot, “Panginoon, nangangamoy na po siya ngayon; apat na araw na siyang patay.”
[40] Sinabi ni Jesus, “Hindi ba't sinabi ko sa iyo na kung sasampalataya ka ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”
[41] Kaya't inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus sa langit at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat dininig mo ako,
[42] at alam kong lagi mo akong dinirinig. Ngunit sinasabi ko ito dahil sa mga taong naririto, upang maniwala silang ikaw ang nagsugo sa akin.”
[43] Pagkasabi nito ay sumigaw siya, “Lazaro, lumabas ka!”
[44] Lumabas nga si Lazaro na nababalot ng telang panlibing ang mga kamay at paa; may nakabalot ding tela sa mukha niya. Inutos ni Jesus sa kanila, “Kalagan ninyo siya at nang makalakad siya.”
[45] Marami sa mga Judiong dumalaw kina Maria ang nakakita sa ginawa ni Jesus, at sumampalataya sila sa kanya.
[46] Ngunit may ilan sa kanila na pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa ni Jesus. [47] Kaya't tinipon ng mga punong pari at mga Pariseo ang mga kagawad ng Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio. Kanilang sinabi, “Ano ang gagawin natin? Gumagawa ng maraming himala ang taong ito.
[48] Kung siya'y pababayaan nating magpatuloy sa kanyang mga ginagawa, maniniwala sa kanya ang lahat. Paparito ang mga Romano at wawasakin ang ating Templo at ang ating bansa.”
[49] Ngunit ang isa sa kanila, si Caifas na siyang Pinakapunong Pari nang taóng iyon, ay nagsabing, “Wala kayong alam!
[50] Hindi ba ninyo naiisip na mas mabuti sa inyo na isang tao lamang ang mamatay alang-alang sa bayan, kaysa mapahamak ang buong bansa?”
[51] Hindi mula sa kanyang sarili ang sinabi niyang ito. Bilang Pinakapunong Pari nang taóng iyon, nagpahayag siya ng propesiya na dapat mamatay si Jesus alang-alang sa bansa [52] at hindi lamang para sa bansa kundi upang tipunin ang mga anak ng Diyos na nasa iba't ibang dako.
[53] Mula noon, pinagplanuhan na nila kung paano maipapapatay si Jesus.
[54] Dahil dito, si Jesus ay hindi na hayagang naglakad sa Judea. Sa halip, siya'y nagpunta sa Efraim, isang bayang malapit sa ilang, at doon muna tumigil kasama ng kanyang mga alagad.
[55] Nalalapit na ang Pista ng Paskwa. Maraming taga-lalawigan ang pumunta sa Jerusalem bago sumapit ang kapistahan upang isagawa ang seremonya ng paglilinis. [56] Hinanap nila si Jesus, at habang sila'y nag-uusap-usap sa Templo, sila'y nagtanungan, “Ano sa palagay ninyo? Paparito kaya siya sa pista?”
[57] Ipinag-utos ng mga punong pari at ng mga Pariseo na ipagbigay-alam sa kanila ng mga tao kapag nalaman nila kung nasaan si Jesus upang ito'y maipadakip nila.

Juan 11:38-57 (MBBTAG12) - Muling nabagbag ang kalooban ni Jes | YouVersion Muling nabagbag ang kalooban ni Jesus pagdating sa libingan. Ang pinaglibingan kay Lazaro ay isang yungib na natatakpan ng malaking bato. “Alisin ninyo ang bato,” utos ni Jesus. Ngunit si Martha na ka

17/05/2026

Sunday Worship Service @ Sampaloc
San Rafael Bulacan
May 17, 2026
Series in the book of John
John 11: 38-57
The Final Sign Before the Cross
Pastor Raymund Bautista

16/05/2026

What are you waiting for? Tara, let’s go to church!

See you this Sunday at 10:00 AM

Come and gather with God’s people, hear His Word, worship Him, and be reminded again of His grace and faithfulness

Sunday is not just another day, it is a gift from God for His people to rest in Christ and grow together in faith.

See you!

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in San Rafael?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Word Of Truth Christian Church
San Rafael

Opening Hours

Monday 6pm - 7pm
Sunday 9am - 12pm