Paseo HOA Admin
10/02/2026
Magandang araw po sa ating mga taga-Paseo!
Isa lamang pong paalala para sa lahat ng nakatira malapit sa ating mga fire hydrant.
PAALALA SA ATING MGA MIYEMBRO
Nais lamang po naming manawagan sa ilang miyembro na pumapayag na magpatapon ng basura sa kanilang bahay ang kanilang mga kapitbahay o malalapit na kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabayad ng kanilang HOA dues.
Hinihiling po namin na huwag ninyo silang kunsintihin sapagkat ito po ay malinaw na panlalamang sa mga responsable nating miyembro na tapat na tumutupad sa kanilang obligasyon. Sa halip, hikayatin po ninyo sila na makipag-ugnayan sa ating opisina upang mabigyan sila ng tamang gabay at wastong solusyon para sa kanilang sitwasyon.
Tandaan po natin na ang ating buwanang gastusin ay mabigat at napapanatili lamang natin ang mga serbisyong ating tinatamasa kung tayo ay nagtutulungan at patas sa pagtalima sa ating mga tungkulin bilang miyembro ng HOA.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Paseo De San Roque Village Ph 2 Clubhouse
San Rafael
3008
Opening Hours
| Monday | 8am - 12pm |
| Tuesday | 8am - 12pm |
| Wednesday | 8am - 12pm |
| Thursday | 8am - 12pm |
| Friday | 8am - 12pm |
| Saturday | 2pm - 6pm |