San Jose Rural Health Unit - Romblon

San Jose Rural Health Unit - Romblon

Share

Photos from San Jose Rural Health Unit - Romblon's post 27/04/2026

Nakalista ka ba sa isang PRIVATE YAKAP Clinic? Basahin 👇🏼

📣 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗬𝗔𝗞𝗔𝗣 𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗿𝗶𝘃𝗮𝘁𝗲 𝗬𝗔𝗞𝗔𝗣 𝗖𝗹𝗶𝗻𝗶𝗰𝘀

Kung nakalista ka sa isang Accredited Private YAKAP Clinic, hanggang ₱900 kada taon lamang ang maaaring singilin sa’yo. Kapag naabot mo na ang ₱900 na limit, lahat ng susunod na YAKAP services ay DAPAT LIBRE NA!

Kung nakalista ka naman sa Accredited Public YAKAP Clinic tulad ng HEALTH CENTER, libre na agad ang lahat ng YAKAP services para sa iyo.

Alamin ang iyong karapatan – huwag papayag sa labis na singil!

24/04/2026

Sayang ang 20,000 kung hindi ako magpapa-rehistro sa kanila? MALI KA DIYAN!

Hindi kailangang magpa-rehistro sa PAREHONG YAKAP Clinic kung nasaan ang GAMOT Facility na magbibigay sa iyo ng 20,000 pesos worth of medicines mula sa PhilHealth.

Kahit dito ka sa isla naka-register na YAKAP Clinic, maaari mo pa ring makuha ang 20,000 pesos worth of medicines sa pinakamalapit na GAMOT Pharmacy sa Tablas o Aklan.

TANDAAN: Karagdagang benepisyo lamang ang 20,000 worth of medicines. Mayroon nang 21 na klase ng gamot na LIBRE mong makukuha kaagad sa mga YAKAP Clinic dito sa isla.

Like and Share mga kababayan, para mas dumami pa ang makaalam ng tama at totoo. Dahil

Photos from San Jose Rural Health Unit - Romblon's post 16/04/2026

Maraming salamat sa 70 bayani na nag-alay ng kanilang dugo! Ang inyong kabutihang-loob ay magliligtas ng maraming buhay. Salamat sa Philippine Red Cross - Romblon Chapter sa patuloy na ugnayan at sa Lokal na Pamahalaan ng San Jose sa walang-humpay na suporta sa mga proyektong nakakatulong sa ating mga kababayan.

06/03/2026

Kami ay PhilHealth-Accredited YAKAP Provider na! Mag-register gamit ang iyong cellphone, i-download ang eGovPH Super App: e.gov.ph

Panoorin ang video para sa step-by-step guide:

23/02/2026

Ipinakita ng mga mag-aaral mula sa Pinamihagan National High School ang kanilang husay at galing sa Jingle Competition. Itinanghal silang kampeon sa nasabing patimpalak, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Oral Health Month 2026 sa bayan ng San Jose, Romblon!

Want your business to be the top-listed Health & Beauty Business in San Jose?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Carabao Island Provincial Road
San Jose
5510

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm