San Isidro Labrador - Bayotbot
16/05/2026
𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐏𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐤𝐚𝐲 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫, 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐭𝐫𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚.
Ang pistang parangal na ito ay hindi lamang isang simpleng selebrasyon, kundi isang taimtim na pag-alala at pagkilala sa kanyang mga mabubuting gawa, lalo na ang kanyang matibay na pananampalataya, kasipagan sa pagsasaka, at pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng hirap ng buhay. Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, binibigyang-halaga natin ang kanyang halimbawa bilang inspirasyon sa bawat isa, lalo na sa ating mga magsasaka na patuloy na nagsusumikap para sa kanilang pamilya.
Nawa’y maging paalala ang pistang parangal na ito na sa bawat sakripisyo ay may kaakibat na biyaya, at patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Diyos at ng ating patron na si San Isidro
Labrador sa ating araw-araw na pamumuhay.
𝐕𝐢𝐯𝐚! 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐕𝐢𝐯𝐚!
16/05/2026
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐢𝐩𝐚𝐠𝐝𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐌𝐢𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫.
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating Banal na Misa para sa kapistahan ng ating mahal na patron. Gayundin ang taos-pusong pasasalamat sa ating Chaplain Priest Rev. Fr. Ronnie Talaver, MMMP sa pangunguna sa ating Banal na Eukaristiya.
Nawa'y patuloy tayong gabayan, pagpalain at bigyan ng masaganang ani ng ating patron na si San Isidro Labrador.
𝐕𝐢𝐯𝐚! 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫 𝐕𝐢𝐯𝐚!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
San Jose
5100