Ang Divine Lens
06/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐! ๐
Kilalanin ang mga taong mangunguna sa ating opisyal na pahayagan!
Sa kanilang pamumuno, pagkamalikhain, at dedikasyon, magsisimula ang panibagong kabanata ng ating pamamahayag.
Narito ang ating Editorial Boardโhanda sa paglilingkod, handa sa hamon, at handang magsulat ng panibagong kasaysayan. โค๏ธโ๐ฅ
30/06/2026
๐๐พ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐พ ๐ซ๐พ๐๐ ๐
May hilig ka ba sa pagsusulat, pagkuha ng larawan, pag-uulat, o pagbabahagi ng katotohanan? Ito na ang pagkakataon mong maging bahagi ng Ang Divine Lens.
Inaanyayahan ang lahat ng interesadong mag-aaral na dumalo sa Screening ngayong Hunyo 30, 2026, sa St. Roch (Room AB-B4).
Ipakita ang iyong talento, pagkamalikhain, at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag.
Maging boses ng katotohanan.
Maging mata ng komunidad. Maging bahagi ng Ang Divine Lens.
Kita-kits sa screening! ๐
22/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐ฉ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐.๐. ๐๐๐๐-๐๐๐๐
Opisyal nang nagsimula ang taong panuruang 2026-2027 ng Divine Word College of San Jose (DWCSJ) Basic Education Department nang salubungin ang taunang Welcome Walk para sa mga estudyante na pinamagatang โCLASSALUBONG 2026,โ na ginanap sa Fr. McSherry Gymnasium nitong Hunyo 17, 2026.
Nagsimulang magtipon-tipon ang mga mag-aaral sa tapat ng Arnoldus Chapel suot ang kulay na itinalaga batay sa kanilang antas ng baitang: dilaw para sa elementarya; rosas para sa ika-pitong baitang; berde sa ika-walong baitang; p**a sa ika-siyam na baitang; at asul para sa ika-sampung baitang; habang kahel at puti naman para sa departamento ng Senior High.
Pinangunahan ng DWCSJ Drum and Lyre Corps ang parada patungo sa tapat ng gymnasium at sinalubong mula roon ang mga papasok na estudyante mula sa ibaโt ibang departamento ng Basic Education. Ang mga kinatawan ng mga organisasyon ay nagbigay rin ng mga flyer tungkol sa kanilang kapisanan upang makakuha ng mga bagong miyembro para sa bagong taong panuruang ito.
Pinangunahan nina Bb. Mary Christian Jane Nolia at G. Clark John Torga bilang Masters of Ceremonies sa salubong kasama ng iba pang mga opisyales ng ibaโt ibang samahan kasunod ng panimulang panalangin mula kay G. Clyde Jaiden Gumasing.
Malugod na bumati ang BED Principal na si Dr. Jason S. Valera at ipinaabot ang kanyang kagalakan sa mga bago at mga nagbabalik na estudyante dahil sa patuloy na suportang ibinibigay sa institusyon.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang Drum and Lyre Corps upang ipamalas ang kanilang galing sa pamamagitan ng isang Band Exhibition at pag-anyaya mula sa Mother Baton na si Bb. Atasha D. Cruz sa mga mag-aaral na sumali sa samahan.
Naipamalas din ang pananabik ng mga estudyante at mga g**o noong nagkaroon ng mga pagtatanghal ng pagkanta mula sa Refrain Band at kay Bb. Treikcybel Talania na nagpa-indak sa lahat. Samantala, nagtanghal naman ng kakaiba at masiglang sayaw ang mga piling estudyante mula sa tatlong departamento ng paaralan.
Hindi rin nagpahuli ang ibaโt ibang organisasyon ng Senior High dahil sa kanilang mga inihandang palaro at community dance upang masiglahan at mabuhayan ang madla.
Nagtapos ang programa sa pagpapatugtog at pagkanta ng Alumni Hymn at pangwakas na bilin ni Gng. Ephegenia N. Pagayonan, ang Junior High School Academic Coordinator. Binigyang-diin niya ang pagkakaroon ng isang masaya at produktibong taon ng pag-aaral.
--------------------------------------
Isinulat ni: Fiona Marie D. Perez
Larawan ni: Samantha M. Cantere
Pag-aanyo ni: Zeira Jane G. Tolentino
16/03/2026
โWhat makes you different is what makes you special.โ
Sa isang komunidad ng ibaโt ibang kakayahan at pananaw, ang bawat mag-aaral ay may mahalagang papel sa paglikha ng kapaligirang puno ng paggalang, pag-unawa, at pagkatuto.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Gen. Lukban Street , Brgy. 8
San Jose
5100