Architect Ed

Architect Ed

Share

17/06/2026

π—”π—‘π—š π—’π—š π—£π—œπ—‘π—’π—¬ π—™π—’π—Ÿπ——π—”π—•π—Ÿπ—˜ π—§π—”π—•π—Ÿπ—˜: 𝗒π—₯π—œπ—š π—£π—œπ—‘π—’π—¬ π——π—˜π—¦π—œπ—šπ—‘ π—‘π—šπ—” 𝗕𝗔 π—œπ—§π—’?
Ilang dekada na nating nakikita ang foldable table na ito sa mga bahay, tindahan, handaan, at kung saan-saan. Simple lang ang design, pero sobrang practical, matibay, at madaling itupi at itabi.
Pero napaisip ako...

Orig Pinoy design nga ba talaga ito?
Kung may makakapagpatunay na kopya lang ito mula sa ibang bansa, paki-post naman ang ebidensya. Baka may lumang patent, old photos, catalogs, o anumang credible reference na magpapakita kung saan talaga ito nagmula.

Sa pagkakaalam ko kasi, wala pa akong nakikitang eksaktong kaparehong design nito sa ibang bansa. Hindi ibig sabihin na wala talaga, pero hanggang ngayon, wala pa akong nakikita. Kaya kung meron kayong alam, share n'yo dito para matuto rin tayong lahat.

Pero kung sakaling mapatunayan na ito nga ay isang original Pinoy design, saludo ako sa designer nito, kung sino man siya. Imagine, isang simpleng imbensyon na naging bahagi na ng halos bawat tahanang Pilipino. Tahimik lang ang ambag niya, pero napakalaki ng naitulong sa araw-araw nating buhay.

Hindi lahat ng magagandang disenyo kailangan maging world-famous para matawag na brilliant. Minsan, ang pinakamagagandang imbensyon ay iyong sobrang simple pero tumatagal ng henerasyon at talagang napapakinabangan ng mga tao.

Kayo, ano sa tingin ninyo?

Orig Pinoy design ba ito, o may nauna nang gumawa nito sa ibang bansa? Lapag n'yo ang alam ninyo sa comments. Facts lang tayo. Baka may matuklasan tayong interesting piece of Pinoy design history.

16/06/2026

Sa inyo kapag shopping ay nasa mall. Sa amin na nasa construction industry, ang shopping ay ganito…

Want your business to be the top-listed Home Improvement Business in San Jose del Monte?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


San Jose Del Monte
3023