Project Namnama

Project Namnama

Share

09/04/2025

Salamat po Bahaghari - UP Baguio Chapter!

𝗛𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗢𝗙𝗙 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗦𝗧𝗦! 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗢𝗙𝗙 𝗟𝗚𝗕𝗧𝗤𝗜𝗔+. 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗦𝗧𝗦! ✊🏳️‍🌈

Noong ika-3 ng Marso, 2025, binisita ng mga indibidwal mula sa 5th Infantry Division ng Philippine Army ang nakababatang kapatid at pamilya ng dating Bahaghari UP Baguio Chairperson na si Pearl Baybayan. Prinesyur ng mga indibidwal si Baybayan na ibunyag umano ang mga pangalan at tirahan ng mga miyembro at opisyal ng Project Namnama - isang La Union based youth organization kung saan sila kabilang.

Binigyan sila ng utos na magsulat ng affidavit na nag-uudyok sa kanilang pagtuligsa mula sa organisasyon para isumite sa Philippine Army. Si Pearl, kasama ang ibang kasamahan nito ay nagsumite ng reklamo sa Regional Office ng Komisyon ng Karapatang Pantao sa San Fernando, La Union noong ika-21 ng Marso.

Ang Bahaghari UPB ay nananawagan sa administrasyon ng UP Baguio at sa Crisis Management Committee na panindigan ang kanilang deklarasyon na ang red-tagging ay isang porma ng krisis. Dapat itong agad tugunan sa pamamagitan ng mga konkretong hakbang upang maprotektahan ang mga lider-estudyante at kinikilalang pangmasang organisasyon sa loob ng unibersidad laban sa patuloy na binabantaan ng paniniktik, intimidasyon, at red-tagging ng estado. Kabilang sa panawagan sa administrasyon ang aktibong pakikipag-ugnayan nila sa mga institusyong nagbibigay ng legal na suporta upang matulungan ang mga estudyanteng apektado.

Mariing kinukundena ng Bahaghari UPB ang mga atakeng ito ng AFP sa demokratikong karapatan ng mga mamamayan sa porma ng profiling, intimidation, at harassment. Hindi lamang ito banta laban sa mga progresibong indibidwal at organisasyon bagkus ito rin ay banta sa seguridad at kalayaan sa pagpapahayag, pagoorganisa, at aktibismo. Hindi dapat maging normal ang takot sa loob at labas ng pamantasan, at higit sa lahat, hindi dapat pinapayagan manaig ang pananakot ng estado.

Ang Project Namanma, kasama ang magkapatid na Baybayan, ay nais lamang na tumulong at makiisa sa kampanya para sa batayang serbisyo. Kaya, lalo nang masahol ang ganitong mga pandarahas dahil nilalagay din nito sa mapanganib at bulnerableng posisyon ang mga kabataang tinutulungan ng Project Namnama sa usapin ng pagtataguyod ng karapatan sa edukasyon at pagkatuto.

Kailanman ay hindi mali at dapat ituring na terorismo ang aktibismo at bolunterismo. Kaya naman inuudyok ng Bahaghari UPB ang mga kabataang LGBTQIA++ na huwag magpasupil sa ginagawang intimidasyon at supresyon ng estado, sa halip ay mas suportahan pa ang bolunterismo at mga kampanya para sa batayang serbisyo. Hands off Project Namnama!

La Union-based organization harassed for helping children - Bulatlat 25/03/2025

“We are alarmed by this invasion of our privacy and safety. This constitutes illegal surveillance and harassment, violating our rights. We are not engaged in any illegal activities; we are simply volunteering to address educational gaps in our communities,” the members said in a collective statement.

La Union-based organization harassed for helping children - Bulatlat “We are alarmed by this invasion of our privacy and safety. This constitutes illegal surveillance and harassment, violating our rights. We are not engaged in any illegal activities; we are simply volunteering to address educational gaps in our communities."

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in San Fernando?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


San Fernando
2500