CSFP City Nutrition Committee

CSFP City Nutrition Committee

Share

Photos from CSFP City Nutrition Committee's post 30/03/2026

BNS Monthly Meeting | Marso 2026

Naganap ang buwanang pagpupulong ng mga Barangay Nutrition Scholar (BNS) para sa buwan ng Marso kung saan tinalakay ang mahahalagang programa para sa kalusugan at nutrisyon ng ating komunidad.

Kabilang dito ang Operation Timbang Plus (OPT Plus) na tumutulong sa pag-monitor ng timbang at nutrisyon ng mga bata, ang Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI Pro) para masigurong maayos ang pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon, at ang pagbibigay ng Vitamin A at deworming upang mapanatiling malusog at malakas ang mga kabataang Fernandino.

Tuloy-tuloy ang pagkilos para sa mas malusog na komunidad, sa pangunguna ng ating mga BNS na patuloy na naglilingkod sa bawat tahanan. 💪✨

Photos from CSFP City Nutrition Committee's post 23/03/2026

✨ Isang masayang araw para sa mga soon-to-be moms! ✨

Noong March 19, 2026, matagumpay na naisagawa ang sabayang Buntis Party sa anim (6) na birthing stations sa San Fernando, Pampanga. Ang aktibidad na ito ay isinagawa bilang bahagi ng First 1000 Days initiative, na naglalayong matiyak ang kalusugan at tamang nutrisyon ng ina at sanggol mula pagbubuntis hanggang sa unang dalawang taon ng buhay.

Bahagi ng programa ang mga talakayan ukol sa prenatal at postnatal care, family planning, wastong nutrisyon, breastfeeding, oral health, at birth registration. Nagkaroon din ng mga interactive activities na naging mas engaging at kapaki-pakinabang para sa mga kalahok.

May kabuuang 336 na buntis na kababaihan mula sa iba’t ibang barangay ang lumahok at aktibong nakibahagi sa mga talakayan at mga gawain sa buong programa.🤰👶

19/03/2026

PAALALA: Siguraduhing ligtas ang pagkain, para pamilya ay laging malakas! 💪
Sundin ang limang paraan para laging safe ang pagkain ng pamilya:
✅Ugaliing maghugas ng kamay, maglinis ng kagamitan at ng kapaligiran
✅Huwag pagsamahin ang hilaw at lutong pagkain
✅Siguraduhing naluto nang husto ang karne, isda, at gulay
✅Ilagay sa refrigerator ang pagkain kapag hindi na kakainin
✅Gumamit ng malinis na tubig at sangkap pangluto

Want your organization to be the top-listed Government Service in San Fernando?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


A. Consunji Street Barangay Sto. Rosario
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm