Mayor Pedy B. Sabando
23/03/2026
๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐ผ๐๐ผ ๐ผ๐๐๐๐๐ฝ๐๐ ๐ฟ๐ผ๐: ๐๐ผ๐๐๐ ๐๐๐ฟ๐ ๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ฟ๐ ๐๐ฝ๐๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐๐ ๐ผ๐๐ ๐๐๐๐ฝ๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐!
Buong pusong dumalo si Mayor Pedy B. Sabando sa ginanap na Barangay Assembly Day ng Barangay Minara bilang tugon sa imbitasyon ng pamunuan ng barangay.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ng Alkalde ang mga pangunahing programang isinusulong ng lokal na pamahalaan na layong mapabuti ang kalagayan ng mamamayan. Kabilang dito ang patuloy na paglalaan ng pondo para sa mga paaralang elementarya at sekondarya, pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan, libreng gamot at dugo, at pagdaragdag ng mga ambulansya sa bayan.
Inilahad din ni Mayor Pedy ang pagbibigay ng tig-iisang milyong piso sa bawat barangay para sa kanilang mga prayoridad na proyekto, pati na rin ang suporta sa mga barangay festival. Bukod dito, binigyang-diin ang pagkakaloob ng allowance para sa mga Persons with Disability (PWD), solo parents, at mga senior citizen na hindi saklaw ng social pension.
Ayon sa Alkalde, ang mga programang ito ay mula sa pondo ng bayan at nararapat lamang na maibalik sa mamamayan sa pamamagitan ng maayos at tapat na serbisyo.
โAng perang ito ay para sa taong bayan, kaya ibinabalik natin ito sa inyo sa pamamagitan ng mga serbisyong tunay na makatutulong sa bawat isa".
Nagpapakita lamang ito na ang layon ni Mayor Pedy Sabando ay kaunlaran para sa bayan ng Roxas.Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga opisyal at residente ng Barangay Minara sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa kanilang komunidad.
23/03/2026
๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Isang makabayang seremonya ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas ang naidaos ngayong umaga sa Municipal ground ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Roxas sa pamumuno ni Punong Bayan Mayor Pedy B. Sabando, bilang pagsunod sa itinakda ng Republic Act No. 8491 ( Flag and Heraldic Code of the Philippines).
Pinangunahan ang nasabing seremonya ng mga kawani ng Municipal Community Affairs Public Assistance Office (MCAPAO), bilang pagganap ng kanilang tungkulin sa lingguhang flag-raising lead office.
Dinaluhan ito ng mga Sangguniang Bayan Members, Department Heads at lahat ng kawani mula sa ibaโt ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga kinatawan ng mga nasyunal na ahensya na naglilingkod sa bayan.
Layunin ng seremonya ng pagtataas ng watawat na patuloy na mapalakas ang diwa ng nasyonalismo, pagmamahal sa bayan, at paggalang sa watawat bilang simbolo ng kalayaan at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
Patuloy namang hinihikayat ng pamahalaang bayan ang lahat ng kawani na aktibong makilahok sa lingguhang flag raising ceremony.
22/03/2026
๐ข PAALALA SA PUBLIKO | HOTLINE NG OFFICE OF THE MUNICIPAL MAYOR
Ipinapaalam po sa lahat ng mamamayan na maaari na kayong direktang makipag-ugnayan sa Office of the Municipal Mayor sa pamamagitan ng hotline number:
๐ฑ 0935-051-7854
Ang numerong ito ay bukas para sa inyong mga katanungan, suhestiyon, kahilingan, at iba pang mahahalagang concern na nais ipaabot sa tanggapan ng ating Punong Bayan.
Patuloy po ang ating Lokal na Pamahalaan sa pagbibigay ng mabilis, maaasahan, at serbisyong may malasakit para sa bawat mamamayan.
18/12/2025
๐๐๐จ ๐ฅ๐ข๐ซ๐๐ฆ, ๐ก๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ๐ฏ๐ฟ๐ฑ ๐ค๐จ๐๐ฅ๐ง๐๐ฅ ๐ฃ๐ฃ๐ ๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐
Isinagawa ngayong araw ang 2025 3rd Quarter Provincial Project Monitoring Committee (PPMC) Meeting na pinangunahan ng Provincial Government of Palawan sa pamamagitan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), na ginanap sa Capitol Complex, Puerto Princesa City.
Layunin ng pulong na masusing talakayin ang 3rd Quarter Status of Implementation ng mga Programa, Proyekto at Aktibidad (PPAs) para sa CY 2025, kabilang ang mga PGP-implemented GPPAs, 20% Development Fund GPPAs, at mga carried-over projects mula CY 2014โ2024. Ibinahagi rin ang field monitoring reports ng mga programang pinondohan ng pamahalaan, kabilang ang resulta ng 3rd quarter field monitoring at listahan ng mga PGP loan-funded projects na isinailalim sa masusing pagsusuri.
Tinalakay din sa pagpupulong ang Local Project Monitoring Committee (LPMC) Functionality Report, gayundin ang iba pang mahahalagang usapin na may kinalaman sa pagpapalakas ng mekanismo sa pagsubaybay at pagpapatupad ng mga proyekto sa buong lalawigan.
Dumalo sa nasabing pagpupulong si Hon. Mayor Pedy B. Sabando bilang kinatawan ng LGU Roxas, kasama ang iba pang lokal na punong ehekutibo at mga kinatawan mula sa ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan at sektor, bilang pagpapakita ng patuloy na pakikiisa sa adhikain ng maayos, transparent, at epektibong paghahatid ng mga programa at serbisyong panlalawigan para sa kapakanan ng mamamayan.
Please follow and share ๐ฉต ๐ค
Thank you and Godbless ๐
18/12/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ก๐๐๐๐ง ๐ฆ๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐๐ง ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐๐จ๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฅ๐ข๐ซ๐๐ฆ 2025
Matagumpay na naisagawa ang Academe Night bilang bahagi ng pagdiriwang ng Paskuhan sa Roxas 2025โisang espesyal na programa na tampok ang makukulay at malikhaing pagtatanghal mula sa ibaโt ibang paaralan at akademikong grupo sa bayan.
Mas lalong nagningning ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng mga awit, sayaw, at ibaโt ibang performances na inihandog ng mga estudyante at kinatawan ng akademya, na nagbigay-buhay at sigla sa selebrasyon.
Layunin ni Punong Bayan Pedy Bautista Sabando na aktibong makilahok ang mga kabataan at mag-aaral sa mga gawaing pampamayanan upang sama-samang maipadama ang diwa ng pagkakaisa at kasiyahan ngayong Kapaskuhan.
17/12/2025
๐ฃ๐๐ง๐๐ฆ ๐๐ง ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฆ ๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ฆ๐ข, ๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐ฅ๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ๐ข๐ฅ ๐ฃ๐๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐จ๐ฆ๐๐ฃ๐๐ก ๐ก๐ ๐๐๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ง๐๐ง๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐ก๐ ๐๐๐๐ข ๐ ๐๐-๐ฃ๐๐ฆ๐๐ข
Upang tuluyan nang maresolba ang usapin hinggil sa Health Emergency Allowance (HEA) ng mga healthworkers at frontliners na nagsilbi noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic, muling nakipagpulong ang mga health workers ng Rural Health Unit (RHU) kay Punong Bayan Pedy B. Sabando.
Sa pulong, malinaw na inihayag ni Mayor Pedy na kanyang ipag-uutos ang agarang paglalabas ng tseke na kanya nang napirmahan upang matiyak na matatanggap na ng mga karapat-dapat na kawani ang kanilang HEA. Ito ay matapos ang masusing beripikasyon at pagsunod sa tamang proseso upang masiguro ang patas at makatarungang pamamahagi ng benepisyo.
Matatandaang naging masalimuot ang usapin ng HEA dahil sa mga reklamong natanggap ng alkalde mula sa ibaโt ibang grupo at indibidwal, kaugnay ng umanoโy pagkakaiba-iba sa listahan ng mga benepisyaryoโmay mga natanggal at may mga idinagdag na hindi naman nagsilbi noong kasagsagan ng pandemya. Sa kabila ng mga batikos at malisyosong komento sa social media, pinili ni Mayor Pedy ang isang maingat at makatarungang hakbang sa pamamagitan ng pansamantalang pagpapaliban sa pag-release ng tseke.
Binigyang-diin ng alkalde na kinailangan munang hingin ang opisyal na listahan mula sa Department of Health (DOH) at ipag-utos sa Municipal Health Office (MHO) na makipagtulungan sa bawat barangay upang ayusin at beripikahin ang kani-kanilang listahan. Layunin nitong matiyak na tanging ang mga tunay na naglingkod noong pandemya ang makatatanggap ng HEA.
Bilang patunay ng kanyang malasakit at pagpapahalaga sa kapakanan ng mga health workers, nangako si Mayor Pedy B. Sabando na bago sumapit ang Pasko ay matatanggap na ng mga karapat-dapat na benepisyaryo ang kanilang Health Emergency Allowanceโisang patunay ng maayos, organisado, at patas na pamumuno sa lokal na pamahalaan.
17/12/2025
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐ l Pinag-isa sa kasalang sibil sa tanggapan ni Mayor Pedy B. Sabando ngayong araw, sina Jericho at Rodelyn ay opisyal nang mag-asawa, na sinaksihan ng kanilang pamilya at mga malalapit na kaibigan. Ang seremonyang ito ay isa sa mga programang pinapahalagahan ng ating lokal na pamahalaan upang suportahan ang masayang pagsisimula ng bagong yugto sa buhay ng ating mga kababayan.
Congratulations!!
17/12/2025
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐ I Ngayong araw, personal na pinangunahan ni Punong Bayan Pedy Bautista Sabando ang isinagawang kasalang sibil nina Adrian at Jenny sa Tanggapan ng Alkalde, bilang patunay ng patuloy na malasakit ng Lokal na Pamahalaan sa pagtataguyod ng pamilya bilang pundasyon ng isang matatag na komunidad.
Taos-pusong pagbati at pinakamainam na hangarin sa bagong yugto ng inyong buhay mag-asawa. ๐โจ
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก ๐น ๐๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐น๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฆ๐ ๐ก๐ถ๐ด๐ต๐: โ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ปโ. ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐ฏ๐ถ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป, ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐๐๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป. ๐ฃ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐น๐ธ๐ฎ๐น๐ฑ๐ฒ, ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ฃ๐ฒ๐ฑ๐ ๐. ๐ฆ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ, ๐ป๐ฎ ๐น๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐๐ฏ๐ผ๐ด ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐-๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป. ๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ธ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐๐ป๐ผ ๐ป๐ด ๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐๐ฏ๐๐ป๐ด๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ, ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐๐ถ ๐๐ฎ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ผ๐ป.
16/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
Isinagawa ngayong gabi ang SK Night bilang bahagi ng Paskuhan sa Roxas 2025, kung saan tampok ang ibaโt ibang talento ng mga kabataang nagmula sa ibaโt ibang barangay ng Bayan ng Roxas.
Layunin ni Mayor Pedy Bautista Sabando na aktibong makilahok ang mga kabataan sa mga programang inihahandog ng Lokal na Pamahalaan upang mapaunlad ang kanilang kakayahan at maipamalas ang kanilang husay sa ibaโt ibang larangan.
Bilang kinatawan ng Alkalde, naghatid ng mensahe si Sangguniang Bayan Member Alonzo Gabinete, kasama sina SB Nardo Apgao at SB Bernie Valdez, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng talento, disiplina, at positibong pakikilahok ng kabataan sa komunidad.
Ang naturang aktibidad ay nagsilbing inspirasyon sa mga kabataan na patuloy na paunlarin hindi lamang ang kanilang sarili sa akademiko at moral na aspeto, kundi pati na rin sa kanilang mga likas na talento na maaaring maging daan sa mas maliwanag na kinabukasan.
Please follow and share ๐ฉต๐ค
Thank you and Godbless ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Brgy 2 Roxas Palawan
Roxas
5308