Tagumpay National High School - Senior Scouting Unit

Tagumpay National High School - Senior Scouting Unit

Share

Photos from Tagumpay National High School - Senior Scouting Unit's post 07/09/2025

KABATAAN PARA SA KALIKASAN! 🌍🌱

September 6, 2025 – Hindi hadlang ang ulan para sa mga batang may pusong handang maglingkod!
Ang 36 Senior Scouts ng Tagumpay National High School, kasama ang kanilang masigasig na Outfit Advisor na si Sctr. Jom Dela Cruz, ay nakilahok sa Massive Youth Tree Planting and Clean Up Drive na inorganisa ng Montalban LYDO - Local Youth Development Office.

Ginanap ito sa Pamitinan Protected Landscape (Wawa Grounds), San Rafael, Montalban, Rizal – isang lugar na kilala sa ganda ng kalikasan at yaman ng likas na kapaligiran.

Sa kabila ng malakas na ulan, hindi natinag ang ating mga Senior Scouts. Mas lalo pa itong naging inspirasyon upang patunayan na ang kabataan ay tunay na kaagapay sa pangangalaga ng kalikasan. Nagkaisa ang lahat sa pagtatanim ng mga puno at paglilinis ng paligid upang masig**o ang isang mas luntian at mas malinis na kinabukasan.

Isa itong karanasang puno ng saya, pagkakaisa, at malasakit na nagpapaalala sa lahat na sa simpleng pagtatanim at paglilinis ay may malaking pagbabago tayong naidudulot para sa Inang Kalikasan.

Mabuhay ang Tagumpay National High School - Senior Scouting Unit—patunay na ang kabataan ang tunay na pag-asa ng bayan at kalikasan!

Scout salute 🫡








# #

Photos from Tagumpay National High School - Senior Scouting Unit's post 10/08/2025

Last August 9, 2025, the Senior Scouts of Tagumpay National High School participated in a learning session headed by Sctr. Jomarei G. Dela Cruz. 🏕️ The activity focused on the explanation of the Scout Passport and the basic characteristics that every Scout should possess—discipline, teamwork, service, and preparedness. 💪🌟

It was another step forward in shaping young leaders who serve with heart and purpose. 💚

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Rodriguez?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Rodriguez
1860