Barangay San Rafael - Montalban, Rizal
02/06/2026
Bilang tugon sa pangangailangan at kahilingan ng ating mga kabarangay, matagumpay na naisagawa ang pagkakabit ng isang Jetmatic na poso sa Sitio Sapa 2 upang makatulong sa mas maayos na pagkuha ng tubig ng mga residente sa lugar.
Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at Sangguniang Barangay na makapaghatid ng mga serbisyong direktang nakatutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng ating mamamayan.
Inaasahan na ang bagong poso ay makapagbibigay ng dagdag na ginhawa at mas madaling akses sa tubig para sa mga pamilyang naninirahan sa Sitio Sapa 2.
Patuloy po nating isusulong ang mga programang nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat San Rafaeleรฑo.
01/06/2026
๐๐๐ค๐จ ๐ฅ๐ช๐จ๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ฉ๐, ๐ฝ๐๐ง๐๐๐ ๐
๐๐ฃ๐ ๐
๐๐ง๐ค๐ข๐๐ฎ!
Ang iyong panalo ay isang patunay na resulta nang tapang, dedikasyon at disiplina sa larangan ng track and field.
Patunay na lamang na ang batang San Rafael ay magagaling at malalakas sa larangan ng sports.
Patuloy ka sanaโmaging inspirasyon sa kapwa mo kabataan.
Buong pusong nakasuporta sayo ang Sangguniang Kabataan sa iyong bawat laban; muli isang matikas na pag bati Barbie!๐ซก
31/05/2026
Muling nagpakitang-gilas ang ating San Rafael Saints Mid Senior Basketball Team matapos nilang talunin ang San Jose Tigers noong Mayo 29, 2026 sa ginanap na laban sa Municipal Sports Plaza bilang bahagi ng Cong. Tom, Gov. Nina, Mayor General, Vice Umpek, at Konsi Manok Basketball League.
Sa pamamagitan ng kanilang husay, determinasyon, at mahusay na pagtutulungan bilang isang koponan, muli nilang naipamalas ang tatak ng isang tunay na San Rafaeleรฑo na handang lumaban at magbigay ng karangalan sa ating barangay.
Ang Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at Sangguniang Barangay ay taos-pusong bumabati sa ating mga manlalaro, coaches, at buong koponan sa isa na namang matagumpay na kampanya sa liga.
Patuloy nating suportahan ang ating San Rafael Saints sa kanilang mga susunod na laban habang patuloy nilang ipinagmamalaki at itinataas ang bandera ng Barangay San Rafael sa larangan ng palakasan.
Congratulations, San Rafael Saints Mid Seniors! โ๏ธโค๏ธโ๐ฅ๐ชฝ
31/05/2026
Isa muling pagbati sa ating San Rafael Saints Super Senior Basketball Team sa kanilang matagumpay na pagkapanalo laban sa Burgos Aces noong Mayo 27, 2026 sa ginanap na laban sa Municipal Sports Plaza bilang bahagi ng Cong. Tom, Gov. Nina, Mayor General, Vice Umpek, at Konsi Manok Basketball League.
Muling ipinakita ng ating koponan ang kanilang husay, disiplina, at determinasyon sa loob ng hardcourt upang maiuwi ang panibagong tagumpay para sa Barangay San Rafael. Ang tagumpay na ito ay bunga ng kanilang masusing paghahanda, pagtutulungan, at walang sawang pagsisikap sa bawat laban.
Ang Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at Sangguniang Barangay ay taos-pusong bumabati sa buong koponan, coaching staff, at mga tagasuporta na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at lakas sa ating mga manlalaro.
Patuloy nating suportahan ang ating San Rafael Saints sa kanilang mga susunod na laban habang patuloy nilang dinadala ang karangalan at pagmamalaki ng ating barangay.
Congratulations, San Rafael Saints Super Seniors! โ๏ธโค๏ธโ๐ฅ๐ชฝ
30/05/2026
Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng pagpapatrolya ng ating mga Barangay Tanod kasama ang kapulisan sa ibaโt ibang bahagi ng Barangay San Rafael upang masawata ang ibaโt ibang uri ng kriminalidad, agad na makatugon sa mga insidente, at mapanatili ang kaligtasan ng ating mga kabarangay.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at Sangguniang Barangay upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad.
Kasabay ng pagpapatrolya ay ang pagpapaalala sa publiko hinggil sa mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na ordinansa ng barangay, kabilang ang:
โ
Curfew para sa mga menor de edad
โ
Pagbabawal sa pagtatapon ng basura sa mga hindi tamang lugar
โ
Pagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar at kalsada
โ
Pagbabawal sa paglabas o pananatili sa pampublikong lugar nang walang damit pang-itaas
โ
Pagsunod sa itinakdang oras ng paggamit ng videoke at iba pang malalakas na sound system, lalo na lampas alas-10 ng gabi
โ
Iba pang mga umiiral na ordinansa na naglalayong mapanatili ang kaayusan, disiplina, at respeto sa kapwa residente
Hinihikayat namin ang lahat ng ating mga kabarangay na makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at ordinansa at agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad sa ating mga awtoridad.
Sama-sama nating pangalagaan ang kapayapaan, kalinisan, at seguridad ng Barangay San Rafael.
30/05/2026
Isang pagbati sa ating San Rafael Saints Senior Basketball Team sa kanilang matagumpay na pagkapanalo laban sa Burgos Aces noong Mayo 10, 2026 sa ginanap na laban sa Municipal Sports Plaza bilang bahagi ng Cong. Tom, Gov. Nina, Mayor General, Vice Umpek, at Konsi Manok Basketball League.
Muling ipinakita ng ating koponan ang kanilang husay, disiplina, at determinasyon sa loob ng hardcourt upang maiuwi ang panibagong tagumpay para sa Barangay San Rafael. Ang tagumpay na ito ay bunga ng kanilang masusing paghahanda, pagtutulungan, at walang sawang pagsisikap sa bawat laban.
Ang Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at Sangguniang Barangay ay taos-pusong bumabati sa buong koponan, coaching staff, at mga tagasuporta na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon at lakas sa ating mga manlalaro.
Patuloy nating suportahan ang ating San Rafael Saints sa kanilang mga susunod na laban habang patuloy nilang dinadala ang karangalan at pagmamalaki ng ating barangay.
Congratulations, San Rafael Saints Seniors! โ๏ธโค๏ธโ๐ฅ๐ชฝ
30/05/2026
Humingi ng tulong sa Pamahalaang Barangay ng San Rafael ang isang ginang na kasama ang kanyang anak matapos umanong mahuli nito ang kanyang kinakasama na gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa kanilang tahanan.
Agad na inilapit ang insidente sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at Sangguniang Barangay. Bilang tugon, kaagad na ipinagbigay-alam sa kapulisan ang pangyayari upang mabigyan ng agarang aksyon at maisagawa ang kaukulang imbestigasyon.
Ayon sa ulat, mabilis na umalis sa kanilang bahay ang naturang indibidwal bago pa man dumating ang mga awtoridad. Sa kasalukuyan, patuloy ang koordinasyon sa pagitan ng barangay at kapulisan upang matukoy ang kanyang kinaroroonan at maisagawa ang mga kinakailangang hakbang alinsunod sa batas.
Muling pinaaalalahanan ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael ang ating mga kabarangay na huwag mag-atubiling magsumbong sa mga awtoridad kung may nalalaman o nasasaksihang mga gawaing may kaugnayan sa ilegal na droga. Ang maagap na pag-uulat at pakikipagtulungan ng mamamayan ay mahalaga sa pagpapanatili ng isang ligtas at maayos na komunidad.
30/05/2026
PAALALA LABAN SA MOTORNAPPING ๐จ๐๏ธ
Dahil sa mga naitatalang insidente ng pagnanakaw at carnapping sa ibaโt ibang lugar, pinaaalalahanan ng Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at Sangguniang Barangay ang lahat ng mga may-ari ng motorsiklo na maging mas maingat at mapagmatyag upang maiwasan ang pagiging biktima ng krimen.
Narito ang ilan sa mga bagay na maaaring gawin upang maiwasan ang ganitong insidente:
โ
Maglagay ng alarm o karagdagang security device sa inyong motorsiklo.
โ
Huwag iwanang nakasaksak ang susi sa motor kahit sandali lamang.
โ
Siguraduhing naka-lock ang manibela at gumamit ng karagdagang lock kung maaari.
โ
Huwag magparada sa madidilim, liblib, o hindi nakikitang lugar.
โ
Piliin ang mga parking area na may sapat na ilaw at CCTV coverage.
Ang seguridad ay responsibilidad nating lahat. Hinihikayat din namin ang ating mga kabarangay na agad na iulat sa ating tanggapan o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang tao o aktibidad sa inyong lugar.
๐ Para sa mga emergency at agarang pangangailangan, makipag-ugnayan sa Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa ating hotline number: (0969) 404 2456 ๐จ
Maging alerto, maging mapagmatyag, at sama-sama nating pangalagaan ang kapayapaan at kaligtasan ng ating komunidad.
30/05/2026
Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa ating mga atletang San Rafaeleรฑo, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng mga towel, warmer, at sapatos para sa mga manlalaro ng San Rafael Saints Mid Seniors, at Super Seniors Basketball Team.
Ang mga kagamitang ito ay magsisilbing karagdagang suporta sa kanilang paghahanda at paglahok sa mga darating na laban habang patuloy nilang dinadala ang karangalan at pagmamalaki ng Barangay San Rafael sa bawat kompetisyon.
Ang programang ito ay mula sa Pamahalaang Barangay ng San Rafael sa pamumuno ni Kapitan Judith Cruz at Sangguniang Barangay, bilang pagpapakita ng buong suporta at pagkilala sa dedikasyon, sipag, at talento ng ating mga manlalaro.
Nawaโy magsilbi itong dagdag na inspirasyon upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang paglalaro at patuloy na maging huwaran ng disiplina, sportsmanship, at pagmamahal sa ating barangay.
Sama-sama nating suportahan ang ating mga koponan sa kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay!
Letโs Go, San Rafael Saints! โ๏ธโค๏ธโ๐ฅ๐ชฝ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Sitio Libis Barangay San Rafael
Rodriguez
1860
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5am |
| Saturday | 8am - 5pm |
| Sunday | 8am - 12pm |