Chelsky Custom Print

Chelsky Custom Print

Share

20/07/2023

"Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako".

Madami tayong gusto sa buhay dahil ang kasiyahan ng tao ay likas na hindi natatapos.
Tulad ng mga...
Gusto ko ng malambot na higaan
Gusto ko ng sariling bahay
Gusto ko sa buhay ay mag-travel
Gusto ko ng mga magandang damit
Gusto ko ng bagong gamit

At meron din namang mas simple tulad ng...
Gusto ko lamang mayakap ulit ang tatay ko
Gusto ko lamang ay makatapos sa pag-aaral
Gusto ko lamang magbahagi ng salita ng Diyos
Gusto ko lamang mabiyayaan ng anak
Gusto ko lamang ay buong pamilya
Gusto ko lamang sa buhay ay makakain ng tama

Minsan yung mga simpleng bagay pa ang kumplikadong makuha. Pero hindi mo kailangan tapusin ang iyong paghahangad ng mga bagay na gusto mong makuha o mangyare. Lagi lang tatandaan na ayos lang mapagod, hindi kailangan tumigil, ikaw ay maging tunay na masaya, taos pusong pagsikapan ang mga bagay na abutin at pahalagahan kapag ito na ay dumating.

Kaya mga Kamote Peeps,
kung wala pa sa inyo ang mga bagay na hinahangad
Isang mahigpit na yakap na ay sapat,
mula sa mga nagmamahal na tunay at tapat.

----------
Ikaw, ano ba ang gusto mo sa buhay?

Want your business to be the top-listed Computer & Electronics Service in Rodriguez?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Rodriguez
1860