Ang Sinagtala

Ang Sinagtala

Share

Photos from Ang Sinagtala's post 11/03/2026

โ€Ž๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Nagbigay-kulay ang ginawang mural painting sa pangunguna ng Reader's Club, mga boluntaryo at piling mga estudyante sa Silid-Aklatan ng paaralan, Marso 11.

Ipinakita ito ng mga miyembro sa malikhaing paraan. Upang maibahagi at mapalago nila ang kanilang kakayahan sa pagguhit, pagpinta at mahiyakat ang mga estudyante na magbasa ng libro.

Ayon kay Ella Mae Castro (Event Organizer ng Reader's Club), isinagawa nila ito upang mag-iwan ng legasiya na tanda ng kanilang maayos at matagumpay na pamamalakad.

โ€Ž๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฎ: Bb. Abigael Ogabang
๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ: Bb. Abigael Ogabang at Bb. Ryza Claire Lappay
โ€Ž

Photos from Ang Sinagtala's post 10/03/2026

Nangningning sa kanilang mga kasuotan ang mga mag-aaral sa ika-10 baitang sa ginanap na โ€œGraduation Ballโ€ alinsunod sa temang โ€œ๐‘พ๐’‰๐’Š๐’”๐’‘๐’†๐’“ ๐’๐’‡ ๐‘ฌ๐’๐’„๐’‰๐’‚๐’๐’•๐’†๐’… ๐‘น๐’†๐’‚๐’๐’Ž: ๐‘พ๐’‰๐’†๐’“๐’† ๐‘ด๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’„ ๐’‚๐’๐’… ๐‘ด๐’†๐’Ž๐’๐’“๐’Š๐’†๐’” ๐‘ฉ๐’๐’๐’๐’Žโ€ bilang paggunita sa paglilipat ng antas ng mga Ikasampung Baitang na ginanap sa covered court ng paaralan, Marso 6.

โ€ŽMasiglang nagpakikila ang mga tagapagdaloy ng programa na sina G. Arjay Cortez (G**o sa ESP 10) at Gng. Krizzel Aragon (G**o sa Araling Panlipunan 8) upang opisyal na simulan ang programa. Kasunod nito, pinangunahan ng ating ginagalang na punongg**o ang Pambungad na Pananalita at pagpapahayag ng layunin ng programa.
โ€Ž
โ€ŽMatapos nito, naghayag nang mainit na pagtanggap ang presidente ng SPTA na si G. Jun Mantala sa nasabing programa.

โ€ŽSinundan naman ito ng nakakaantig damdaming pagsayaw ng Cotillion De Honor ng mga piling istudyante sa ika-10 baitang upang higit na maramdaman ng mga mag-aaral ang masidhing sandali ng programa.

Sumunod naman ang Panunumpa ng mga alumni ng Southville na pinangunahan ni Bb. Jhesxra Mhae Tamayo (SSLG President) upang pangakuan sa kanilang mga sarili ang kanilang paglago sa paglabas ng paaralang ito.

Masaya namang ikinuwento nina Bb. Gwyneth Mintalar, Bb. Kylie Bermudo at Bb. Zyahna Salas ang ginawa nilang propesiya para sa Batch 2025-2026 sa susunod na sampung taon.
โ€Ž
โ€ŽMatapos ang mga kasiyahan at sayawan ay dumako naman sa pagkain ng hapunan upang mabusog at pagkaroon muli ng enerhiya ang bawat isa.

Kinilala naman ang mga istudyanteng nagningning sa gabing iyun.

Narito ang listahan ng mga kinilala:

๐ŸŒธ๐‘ซ๐’‚๐’“๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’๐’‡ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ฌ๐’๐’„๐’‰๐’‚๐’๐’•๐’†๐’… ๐‘น๐’†๐’‚๐’๐’Žโœจ: Prince Pamatian (Apollo) and April Manalo (Eros)

๐Ÿงšโ€โ™€๏ธ๐‘ฌ๐’๐’„๐’‰๐’‚๐’๐’•๐’†๐’… ๐‘จ๐’–๐’“๐’‚๐Ÿ’ซ: Marc Zhian Bartolome (Gaea) and Marallyn Cheska Romano (Poseidon)

๐ŸŽถ๐‘ด๐’š๐’”๐’•๐’Š๐’„ ๐‘น๐’‰๐’š๐’•๐’‰๐’Ž ๐‘ซ๐’–๐’๐Ÿฆ‹: Dennis Obeรฑa (Hera) and Katrene Rodriguez (Zeus)

๐Ÿงš๐‘ญ๐’‚๐’Š๐’“๐’š ๐‘ฒ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‚๐’๐’… ๐‘ธ๐’–๐’†๐’†๐’ ๐’๐’‡ ๐‘ฌ๐’๐’†๐’ˆ๐’‚๐’๐’„๐’†๐Ÿงšโ€โ™€๏ธ: Christian Jude Flores (Zeus) and Zyahna Salas (Hera)

๐Ÿ‘‘๐‘ฒ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‚๐’๐’… ๐‘ธ๐’–๐’†๐’†๐’ ๐’๐’‡ ๐‘ฌ๐’๐’„๐’‰๐’‚๐’๐’•๐’†๐’… ๐‘น๐’†๐’‚๐’๐’Ž๐ŸŒธ: Carl Jasfer Fabile (Zeus) and Kylie Bermudo (Athena)

Matapos ang pagkilala, sinundan naman nito ng pakikihalubilo ng lahat sa pamamagitan nang pagsayaw at pagsaya.

Sa gabing iyon, hindi lang kasiyahan ang naganapโ€”nakagawa rin ng mga alaala na habang-buhay dadalhin ng lahat.

โ€Ž
๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ฎ: Bb. Ryza Claire Lappay at G. Vince Gabriel Tan
๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ถ๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ: Bb. Carmella Joy Abella at Bb. Abigael Ogabang

09/03/2026

Maligayang Kaarawan, Bb. Ryza!

Maligayang bati ng kaarawan para sa sobrang OA, napakasipag at talaga namang nagniningning sa ganda na Ikalawang Patnugot ng Pahayagang Ang Sinagtala, Bb. Ryza Claire E. Lappay!

Hinihiling namin na mabalot ang araw at panibagong taon mo na ito nang punong-puno ng pamamahal, paglago at oportunidad. Nawa'y ang bawat aral, pagsubok at kasiyahang iyong nadama sa daang tinahak mo kaakbay ang pamilyang Sinagtala ay mabitbit mo hanggang sa ika'y tuluyan nang maging alumna.

Muli, maligayang bati ng kaarawan, Bb. Ryza!

Want your business to be the top-listed Media Company in Rodriguez?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Southville 8B National High School
Rodriguez
1860