WINs Guardian - SINHS
26/05/2026
๐ข ๐ฝ๐๐๐๐ผ๐ฟ๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐ผ, ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ผ? ๐งนโจ
Ang โจ๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ง๐๐ก๐๐๐โจ ay masayang makikilahok sa brigada eskwela ngayong darating June 01 - 05, 2026 !!
Ready na kaming magwalis, magbunot ng damo, magpahid ng bintana, at magpanggap na okay pa kahit parang gusto na naming maging isang hotdog sa freezer sa sobrang init โ๐ปโบ๏ธ Pero syempre, iba pa rin kapag sama-sama ๐๐
Mas masaya maglinis kapag may teamwork, tawanan, at โyung isang friend na kunwari pagod agad kahit kakarating lang ๐ซต๐ป๐ซต๐ป
This Brigada Eskwela 2026, kayo ay aming hinihikayat makiisa para mas malinis, mas safe, at mas fresh na school environment para sa lahat! ๐งโจ
Hindi lang ito simpleng paglilinis โ bayanihan ito ng ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ๐ฌ, ๐ญ๐๐๐๐ก๐๐ซ๐ฌ, ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง๐ญ๐ฌ, at ๐ฏ๐จ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐๐๐ซ๐ฌ na gawing mas welcoming ang ating paaralan bago magsimula ang klase ๐๐ซถ
At bilang ๐๐๐๐, syempre dapat malinis ang paligid kasi โ๐ฏ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. โ ๐ฏ
KAYA, ANO TARA? โจ
๐๐๐ ๐๐๐๐ sa Brigada mga ka-WINS! (โ โงโ โฝโ โฆโ )
01/05/2026
โโจ ๐ฏ๐จ๐ท๐ท๐ ๐ฉ๐ฐ๐น๐ป๐ฏ๐ซ๐จ๐ โจ
โโจ ๐ฏ๐จ๐ท๐ท๐ ๐ฉ๐ฐ๐น๐ป๐ฏ๐ซ๐จ๐ โจ
โโโจ ๐ฏ๐จ๐ท๐ท๐ ๐ฉ๐ฐ๐น๐ป๐ฏ๐ซ๐จ๐ โจ
Happy birthday both of you๐ Salamat sa walang sawang serbisyo sa ating organisasyon gayun nadin sa ating mahal na institusyon, naway hindi kayo mag sawang mag lingkod sa ating paaralan at mas maging magandang Modelo para sa ating mga kapwa estudyante๐๐ป
Enjoy your day guyss, more birthday to come, may God give you all the best on this special day โจ๐
โ
โ
18/04/2026
โโจ ๐ฏ๐จ๐ท๐ท๐ ๐ฉ๐ฐ๐น๐ป๐ฏ๐ซ๐จ๐ ๐บ๐ฐ๐น ๐ฒ๐ฏ๐ฌ๐ต๐ต! โจ
โ
โHappy Birthday, Sir! ๐ Maraming salamat po sa walang sawang guidance, support, at pagiging pangalawang ama namin sa WINS Organization. Thank you po sa walang sawang pag-intindi, pagtuturo, at sa pagiging inspirasyon namin to do better. We truly appreciate everything you do for us and we are so blessed to have you as our advisor. More birthdays to come, good health, and God bless you more po! ๐โค๏ธ๐
09/03/2026
Ngiti na malinis, kamay na malinis! ๐ชฅ๐งผโจ
Pinangunahan ng WINS (Wash in Schools) ang pamamahagi ng toothbrush, toothpaste, at hand soap sa ibaโt ibang seksyon upang hikayatin ang bawat mag-aaral na mas pangalagaan ang kanilang kalinisan.
Dahil sa WINS, mas pinapakita na ang kalinisan ay hindi lang responsibilidadโito ay isang magandang gawain na dapat sabay-sabay isinusulong.
Para sa mas malinis, mas malusog, at mas handang mga mag-aaral! ๐
06/03/2026
Hindi lang Wash in Schoolsโฆ Women in Strength din! ๐
โจ
Ngayong Womenโs Month, buong pusong nakikiisa ang WINS Organization sa pagdiriwang ng lakas, talino, at kahalagahan ng bawat kababaihan. Dahil ang babae ay parang malinis na tubigโmalinaw ang layunin, malakas ang agos, at may kapangyarihang magbigay buhay at inspirasyon sa iba. ๐
Mula sa pagiging lider, kaibigan, kapatid, hanggang sa pagiging inspirasyon sa komunidad, patuloy na pinapakita ng mga kababaihan na kaya nilang manguna, magmalasakit, at magbigay pagbabago.
At syempre, bilang WINS membersโฆ hindi lang kami nagpo-promote ng kalinisan sa paaralanโpinapakita rin namin ang lakas at galing ng kababaihan sa bawat gawa at adhikain. ๐
Kaya sa lahat ng kababaihan:
Magpatuloy sa pagningning, pangunguna, at pagbibigay inspirasyon.
Dahil ang babae ay hindi lang basta-bastaโฆ babaeng WINSโbabaeng nagwawagi! ๐โจ
DepEd Tayo Blue Rizal San Isidro National High School
๐โจ
14/02/2026
โจโจโจ
04/02/2026
KAMUSTA ISIDRONIANS! ๐๐คฉ
Bilang patuloy na pagtupad sa layunin na isulong ang kalinisan, kalusugan, at kaayusan sa loob ng paaralan, masigasig na isinagawa ng WINS (Wash in Schools Organization) ang serye ng mga makabuluhang aktibidad nitong unang mga araw ng Pebrero. Sa pangunguna ni sir KHENRIC T. DULAY ating wins adviser. At chairwoman, co-chairwoman na sina Maycha Niepes, Princess Angkong, aktibong nakiisa ang mga WINS members sa ibaโt ibang gawain na naglalayong mapanatili ang isang malinis, ligtas, at malusog na kapaligiran para sa bawat mag-aaral.
Noong Pebrero 2, isinagawa ng organisasyon ang masusing pag-check at pag-iinspeksyon ng mga toilet bowl at comfort rooms sa Annex Campus. Layunin ng aktibidad na ito na masiguro ang kalinisan, kaayusan, at tamang kondisyon ng mga pasilidad ng paaralan na araw-araw na ginagamit ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng gawaing ito, nais ng WINS na ipaalala ang kahalagahan ng responsableng paggamit at pangangalaga sa mga pasilidad bilang bahagi ng disiplina, malasakit sa kapwa, at pagprotekta sa kalusugan ng lahatโจ
Samantala, noong Pebrero 3, matagumpay namang isinagawa ang Group Toothbrushing and Handwashing Activity kung saan aktibong lumahok ang bawat mag-aaral ng SINHS. Sa aktibidad na ito, itinuro at isinagawa ang tamang paraan ng pagsisipilyo ng ngipin at paghuhugas ng kamay bilang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na kalinisan at pag-iwas sa sakit. Kasabay nito, ipinagpatuloy rin ng WINS ang filming at ang paggawa ng iba pa nilang mga proyekto na layong palakasin pa ang kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa kalinisan at kalusugan.โจ
Sa kabuuan, ang mga aktibidad na ito ay patunay ng walang sawang pagsisikap ng WINS Wash in Schools Organization na maging katuwang ng paaralan sa paghubog ng mga disiplinado, responsable, at health-conscious na mag-aaral. Sama-sama nating itaguyod ang isang malinis, ligtas, at mas malusog na paaralan, dahil ang pagbabago ay nagsisimula sa tamang kaalaman at wastong gawain. ๐โป๏ธโจ
12/01/2026
WINS, Sinimulan ang Malawakang Pagsasaayos at Pagpapabuti ng mga Palikuran sa Paaralan
Opisyal nang inilunsad ng WINS โ Wash in Schools Organization ang kanilang malawakang programa para sa pagsasaayos at pagpapabuti ng mga palikuran sa paaralan bilang bahagi ng patuloy nitong adbokasiya para sa kalinisan, kalusugan, at disiplina ng mga mag-aaral.
Bilang unang yugto ng proyekto, naglagay ang organisasyon ng mga makabuluhang signage sa loob at paligid ng mga palikuran. Nilalaman ng mga ito ang malinaw na paalala sa tamang paggamit ng CR, wastong pagtatapon ng basura, at mga gabay sa tamang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig. Layunin ng mga paalalang ito na magsilbing araw-araw na gabay ng mga mag-aaral upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng pasilidad.
Ayon sa WINS, mahalagang palalimin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa wastong gawi sa kalinisan upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit at mapanatili ang isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran sa loob ng paaralan. Ang inisyatiba ay inaasahang maghuhubog ng disiplina at responsableng pag-uugali, hindi lamang sa loob ng CR kundi maging sa iba pang bahagi ng paaralan.
Pinangunahan ang proyekto ng Chairwoman ng WINS na si Maycha, katuwang ang Co-Chairwoman na si Princess Angkong, na kapwa aktibong gumagabay at nakikiisa sa mga miyembro ng organisasyon sa bawat hakbang ng implementasyon. Ipinakita ng kanilang pamumuno ang matibay na paninindigan ng WINS na maging huwaran sa pangangalaga ng kalinisan at kalusugan ng komunidad ng paaralan.
Binigyang-diin din ng organisasyon na ang nasabing gawain ay simula pa lamang ng mas marami pang programang ilulunsad para sa ikabubuti ng buong komunidad ng paaralan. Sa mga susunod na buwan, inaasahang magkakaroon pa ng ibaโt ibang aktibidad na magpapalakas sa adbokasiya ng WINS para sa kalinisan at kaligtasan.
Sa pagtatapos, hinikayat ng WINS ang buong komunidad ng paaralan na makiisa at suportahan ang kanilang mga programa. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, inaasahang maisusulong ang isang mas malinis, mas ligtas, at mas responsableng paaralan para sa lahat. โจโจ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Montalabn Rizal, San Isidro National Highschool (Annex Campus)
Rodriguez
1860