DepEd Tayo Catmon ES - Rizal
15/12/2025
Warmest birthday greetings to our dear teacher 🥳🎉
May this special day bring you renewed strength, inspiration, and fulfillment in your noble profession. 🤗💛
Happy Birthday! 🎂🎈
05/12/2025
✨ Isang Gabi ng Pananampalataya at Pagpupugay kay Inang Maria ✨
“Immaculada Concepcion: Dalisay na Ina, Tanglaw ng Pananampalataya”
Ipinapaabot ng Catmon Elementary School ang taos-pusong kagalakan sa matagumpay na pagdiriwang ng Parangal kay Maria noong December 5, 2025—isang gabi ng malalim na pagninilay, pagdarasal, at pasasalamat para sa pagkalinga at patnubay ni Mahal na Inang Maria.
Bilang sponsor ng 1st Triduum Mass at ng Faith Day ng mga batang BSP at GSP, ipinakita ng Catmon ES ang hindi matitinag na suporta sa paghubog ng pananampalataya at mabuting asal ng mga kabataan. Sa kanilang sama-samang pakikibahagi sa prusisyon, pag-awit, pagsasayaw, at mga panalangin, malinaw na nasilayan ang kanilang paggalang at taos-pusong pagnanais na mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ni Inang Maria.
Natampok din sa pagdiriwang ang kahanga-hangang pag-aalay ng talento ng mga piling mag-aaral mula sa Ika-limang Baitang:
🌟 Princess Mary Jodi Adaron
🌟 Guicae Eguia
🌟 Clarenz Nathaniel R. Seludo
Ipinamalas nila ang kanilang husay at dedikasyon bilang handog ng pagmamahal at paggalang kay Mahal na Ina. Ang kanilang pagtatanghal ay nagbigay-inspirasyon at nag-iwan ng marka ng pag-asa sa buong komunidad.
Lubos na ipinagmamalaki ng Catmon ES ang pagkakaisa ng mga mag-aaral, g**o, magulang, at buong pamayanan—isang patunay na ang pananampalataya ay patuloy na nabubuhay at isinasabuhay. Nawa’y manatili sa puso ng bawat batang Catmononian ang diwa ng kabanalan, kababaang-loob, at pagmamahal na ipinamalas ni Inang Maria.
💙🙏 Isang maluwalhating pagpupugay kay Mahal na Inang Maria!
01/12/2025
Happy birthday, Teacher Annaly Tapao 🎉
Your patience, creativity, and warm heart make Kinder learning truly meaningful for our young learners. 🥰🤗 Every day, you inspire curiosity, confidence, and joy inside the classroom. Thank you for your dedication and the gentle care you give to every child. 🥳
May your special day be filled with love, blessings, and the happiness you share with others. 💛✨
01/12/2025
Joint BSP and GSP Investiture and Rededication Ceremony 🏕️💚💙
Isang makabuluhang araw para sa ating mga Kabataang Scout! 🫡 Pinangunahan nina BSP Coordinator Ivy G. Castañeda at GSP Coordinator Shirly D. Flores ang matagumpay na programa, kasama ang ating mga Investing Officers na sina Scouter Marcelina L. Nadunza at Tita Madonna C. Evangelio.
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maisakatuparan ang makulay at makasaysayang seremonyang ito 🥳🤗 Sa ating mga masisipag na g**o, NTP, SPTA Officers, Scouter Paul Ian B. Guillermo at Barangay Committee. ♥️♥️♥️
Ang inyong dedikasyon at suporta ang tunay na nagbigay saysay sa ating adhikain na hubugin ang mga batang may tapang, disiplina, at malasakit sa kapwa. 🎉🥰
Mabuhay ang ating mga Scouts!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Https://goo. Gl/maps/F12rQ6cLmBtoUV8bA
Rodriguez
1860