CDCC Rizal Chapter, Kalinga Archdiocese

CDCC Rizal Chapter, Kalinga Archdiocese

Share

Photos from CDCC Rizal Chapter, Kalinga Archdiocese's post 25/07/2024

CYM | Youth Minister Mr. John Mark Manding (July 25).

Ang Crusaders Youth Ministry ay mithiin at programang itinatag ng ating Punong Administrador upang mapatibay ang pananampalataya ng mga kabataan at mahikayat sila na makiisa sa pag-aalay ng panalangin. Hangad din ng CYM na linangin ang mga kabataan upang mas matulungan ang ating mga kaparian sa anomang serbisyo sa loob at labas ng simbahan.

At bilang pagpapakita ng suporta sa programang ito, nakikiisa ngayon ang mga kabataan ng CDCC Rizal Chapter, Kalinga Archdiocese sa pamamagitan ng pangunguna ng Salve Prayer sa ilalim ng pamamatnubay ni Msgr. Rogelio H. Guerrero, clergy assigned at Arsobispo ng Kalinga.

--

07/08/2023

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧!

Bilang parte ng paggunita sa TUNAY na ARAW ng PASKO, ang Crusaders' Music Ministry at Crusaders' Kabataan Federation ng Rizal Chapter, Kalinga Archdiocese ay nag-organisa ng isang 'Christmas Slot Raffle' upang maisakatuparan ang matagal nang mithiin ng mga kabataan — ang magkaroon ng bagong 'keyboard' na siyang instrumento upang mas lalo pang mag-umapaw sa alapaap ang mga himig ng mga mang-aawit na siguradong magdudulot ng malaking kagalakan sa ating Ama. Bukod diyan, ganoon ding inaasam ng mga kabataan ang magkaroon ng 'sound system' at iba pang mga kagamitan para sa simbahan.

Ngunit upang ito'y tuluyang masabing isang katuparan, kami ay taos-puso po muling kumakatok sa inyong mga puso at tahanan, umaasa na sana ay kami'y inyong matulungan sa pagsasakatuparan ng mga mumunting pangarap para sa mahal nating simbahan at higit sa lahat, para sa ating Ama, Mons. Dr. Rufino S. Magliba.

Kaya naman ngayon palang, walang hanggang biyaya, pagpapala at pagmamahal mula sa Panginoon nawa ang sumaatin.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Rizal?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


San Pascual, Kalinga
Rizal
3808