Kuya Fredo
15/06/2026
Bagong dating ako sa UK noong 2008, syempre bago fresh na fresh hindi pa alam ang kalakaran dito sa ibang bansa. Sobrang hataw sa trabaho yong akala mo na super hero ka na hindi napapagod.
Kada utos nang boss ko sige gagawin ko agad maski mga ibang kasama ko ginagawa ko. Lagi nag ooffer nang tulong sa kapwa laging present sa mga trabaho at utos. Pero napansin ko parang ako na lang ang gumagawa.
Nagkakape na sila ako busy pa din, hanggang sa naka pansin ako naging unfair na din pala yong pagiging matulungin na aabuso na din pala. Pero sige lang tuloy tuloy lang kasi naisip ko naka work permit ako at kailangan ko pa ang kompanya.
After 5 years ko mag trabaho sa kanila natanggap ko ang ILR ko tapos ayon nag resign ako agad at lumipat nang ibang trabaho. Bago ako umalis kinausap ako nang manager ko at yong may ari nang kompanya nag offer sila nang dagdag sweldo at promotion para daw mag stay ako. Sabi ko sa sarili ko sana noon pa ninyo ginawa yon kaya naman pala nila gawin bakit aantayin pa nila na umalis ako tsaka mag offer.
Minsan nakikita nila yong worth nang isang tao kapag aalis na o nawala na. Hindi ako nag sisi na umalis ako dahil lalo ako nag grow at nag explore nang mga opportunity na pwede ko makuha sa bansang ito.
Kaya payo ko sa mga kababayan ko tiiis tiis lang tayo dito pero alalay lang tayo sa health natin kahit na gaano man hindi ka ganda ang trato sa atin ip**ita pa din natin ang best natin dahil maraming opportunity na nag aantay sa atin matuto lang tayo iexplore at hanapin ito.
15/06/2026
Sana po matulungan po natin ang ating kababayan malaki man o maliit ay napaka laking bagay po ito sa kanilang mga anak. Lets help po please ❤️❤️❤️
Donate to Help Kristell and her kids navigate their life in UK , organized by Karen Celetaria Hi, this is my first ever gofundme and I would implore you to he… Karen Celetaria needs your support for Help Kristell and her kids navigate their life in UK
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Rizal