PIO Ramon, Isabela

PIO Ramon, Isabela

Share

08/07/2026
Photos from PIO Ramon, Isabela's post 07/07/2026

𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐆𝐈𝐓𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐑𝐈𝐒𝐈𝐒: 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆𝐈𝐒𝐃𝐀 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐀𝐓, 𝐈𝐋𝐈𝐍𝐀𝐓𝐀𝐆

Ang pagbisita nina House Speaker Faustino “Bogie” Dy III at Vice Governor Francis Faustino “Kiko” Dy sa Magat Dam ay naghatid ng panibagong pag-asa sa mga mangingisda at magsasakang apektado ng patuloy na krisis sa Magat Watershed.

Kasama ang mga pinuno ng lokal na pamahalaan, inilatag ang mga makabago at magkakaugnay na programa na nakatuon hindi lamang sa agarang pagtugon sa kasalukuyang suliranin, kundi maging sa pangmatagalang pagpapatatag ng kabuhayan ng mga komunidad na umaasa sa Magat Dam.

Mainit na tinanggap ng mga opisyal ng bayan ng Ramon Isabela, mga kinatawan ng National Irrigation Administration (NIA), SN Aboitiz Power, at mga samahan at kooperatiba ng mga mangingisda sa Magat Dam ang mga panukalang hakbang. Ipinahayag ng mga ito ang kanilang suporta sa pinag-isang inisyatiba na naglalayong mapabilis ang pagbangon ng sektor ng pangisdaan at agrikultura habang pinalalakas ang katatagan ng kabuhayan ng mga mamamayan sa buong Magat Watershed.

PANOORIN ang detalye sa Balitang Ramon, Ngayon
https://www.facebook.com/share/v/1DJvE8J5Vi/?mibextid=wwXIfr

06/07/2026

JULY 6, 2026 | MULING NAG-BABALIK!

Photos from PIO Ramon, Isabela's post 03/07/2026

July 3, 2026 | Project “BANONG” naghatid ng libreng seeds at seedlings sa mga barangay at paaralan

Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Ramon ng libreng vegetable seeds at seedlings sa mga barangay at paaralan sa ikalawang taon ng pagpapatupad ng Project “BANONG” upang palakasin ang backyard gardening, food security, at pagkakaroon ng masustansyang pagkain sa komunidad.

Ang BANONG ay nangangahulugang Bayanihan sa Agrikultura para sa Nutrisyon, Oportunidad at Negosyo sa Gulayan, sa kanyang ikalawang taon ng tagumpay.

Photos from PIO Ramon, Isabela's post 02/07/2026

KRISIS SA MAGAT: Sinimulan, Binantayan, Tinututukan Hanggang sa Bumalik sa Normal ang Lahat.

Photos from PIO Ramon, Isabela's post 29/06/2026

June 29, 2026 | NAGKAISA PARA SA MAGAT DAM: IFARMC, LGU-Ramon, PLGU, NIA at BFAR NAGLATAG NG AGARANG HAKBANG LABAN SA MALAWAKANG FISH KILL

Nagsama-sama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga opisyal ng IFARMC sa pagbisita sa Magat Dam upang personal na masuri ang kasalukuyang sitwasyon at talakayin ang mga agarang hakbang para sa mga naapektuhang mangingisda. Sa naturang pagpupulong, nanawagan si IFARMC Chairman Mrs. Susana S. Rivera ng agarang tulong at suporta mula sa lahat ng kinauukulang ahensya upang matugunan ang krisis na kinakaharap ng sektor ng pangisdaan.

Photos from PIO Ramon, Isabela's post 27/06/2026

June 26, 2026 | A disposal pit for dead fish has been set up between Isla Verde and Purok 7, Barangay Dallao, Cordon, Isabela, one of the identified areas where the massive fish kill reportedly began, to ensure the proper disposal of affected fish and help prevent further environmental and public health risks.

Photos from PIO Ramon, Isabela's post 27/06/2026

June 26, 2026 | EMERGENCY MEETING NG LDRRMC, NAGSULONG NG AGARANG HAKBANG LABAN SA FISH KILL SA MAGAT DAM, RAMON, ISABELA

Want your organization to be the top-listed Government Service in Ramon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Bugallon Proper
Ramon
3319