JESUS 100%

JESUS 100%

Share

31/10/2022

Scripture

Deuteronomy 15:7-8
7 “Pagdating ninyo sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, huwag ninyong pagkakaitan ng tulong ang mga kababayan ninyong nangangailangan. 8 Sa halip, ibukas ninyo sa kanila ang inyong mga palad at pahiramin sila ng anumang kailangan.

Observation

Ang pagiging mapagbigay ay isa sa alituntunin ng Panginoon na nais niyang isabuhay ng kanyang mga nasasakupan. Maging mapagbigay ang mga ito sa panahon ng pamamahinga. Ngunit ang alituntunin na ito ay siyang panghabang buhay na alituntunin ng ating Panginoon sa lahat ng sambahayan.Sapagkat ika-nga ‘it's better to give than to receive.’

Application

- May pagpapala sa pagiging mapagbigay.At ang Panginoon mismo ang magbibigay ng pagpapala sa buhay mo at sa iyong sambahayan.

Prayer

Ama naming nasa Langit,
Sa oras po ng kagipitan makagawa nawa kami ng paraan na makatulong sa aming kapwa. Hindi man sa barya ngunit sa mga gawa na makakatulong sa bawat isa sa inyo pong gabay. Tulungan mo po kami na maisabuhay po ang pagiging matuwid.Amen🌼

24/10/2022

Scripture

Deuteronomy 12:4-5
4“At sa pagsamba ninyo sa Diyos ninyong si Yahweh, huwag kayong tutulad sa kanila na sumasamba sa kanilang mga diyus-diyosan kahit saan maibigan. 5Sa halip, hanapin ninyo ang lugar na pipiliin ni Yahweh sa lupain ng isa sa inyong mga lipi; doon lamang niya ipahahayag ang kanyang pangalan at iyon ang ituturing niyang tahanan.

Observation

Laging pinapaalala sa mga alituntunin ni Yahweh noong panahon na dapat ay pinagninilayan hanggang ngayon; na dapat ay walang ibang diyos ang iyong sasambahin kundi sa Panginoon lamang. Ganoon din sa lugar ng pagsamba kung saan ka inilagay ng Diyos,lumakad ka at manatili doon hanggang sa lumago ka.At magpalago pa ng mga susunod na kaluluwa.Dyaan ka nilagay ng Panginoon,dyaan ka lalago

Application

- Lagi mong hihingiin ang kung ano,bakit at saan ka inilalagay ng Panginoon.At laging mong pagnilayan na ito'y pagkatiwalaan.

Prayer

Ama naming nasa Langit,
Panginoon madami kaming naisin na masagot ni-makita ng aming dalawang mata ang nais namin sa aming mga tanong ngunit mas mangingibabaw pa din po nawa sa aming mga puso ang kung ano ang nasa harapan habang naghihintay sa inyo pong pagpaoala.Amen🌼

18/10/2022

Scripture

Deuteronomio 9:18

18Pagkatapos, nagpatirapa ako sa harapan ni Yahweh, at sa loob ng apatnapung araw at gabi hindi ako kumain ni uminom dahil sa mga kasalanan ninyo na labis na ikinagalit ni Yahweh. 19Natakot ako na baka sa tindi ng galit niya'y puksain kayo. Mabuti na lamang at pinakinggan niya ako.

Observation

Hanggang saan ang kaya mong gawin upang ikaw na nakakilala sa Diyos ay kailangang itama ang daan ng iyong kapwa;kaibigan o pamilya? Kagaya ba ni Moises na sa kabipa ng kasalanang ginawa ng mga Israelita ay siya mismo ang lumapit kay Yahweh upang sila'y huwag puksain sa kasalanang iyon. Si Moises na nagkasala ay ninais at nagmakaawa para sa bayan ng Israel.

Application

- Sa mundong ito ikaw na nagkasala ng malala kapag lumapit ka kay Yahweh ikaw na kaluluwang makasalanan ay siyang makakatuwid ng daan ng iyong kapwa makasalanan dahil kay Yahweh.Subukan mo,kapatid.Ngunit subukan mo muna sa iyong sarili.

Prayer

Ama naming nasa langit,
Marami nawang kaluluwa ang maging imahe po ninyo ng pagtitiyaga at pagpupursigi sa bawat kaluluwa na patuloy na naliligaw na sila ay maitawid. Bigyan mo po nawa' kami ng kakayahan Panginoon,sa inyong ngalan.
Amen🌼

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Quiapo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Quiapo