Mayor Ralph Lim
06/05/2026
TINGNAN: Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagsagawa ng Panahon ng Pagkilos: Philippine Community Resilience Project (PCRP) Orientation sa Bayan ng San Andres bilang bahagi ng pagsisimula ng KALAHI-CIDSS ngayong araw ng Miyerkules, Mayo 6.
Layunin ng naturang oryentasyon na ihanda at mapalalim ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa PCRP, gayundin sa pagtukoy ng mga tungkulin at magiging responsibilidad ng mga ito sa pagpapatupad ng programa. Pinagtibay din dito ang patuloy na layunin ng DSWD sa pagtulong sa komunidad sa paghahanda, pagtugon, at pagbangon mula sa mga sakuna, gayundin sa pagbuo ng mga proyektong pang-resilience.
Dumalo naman at nagbigay ng kanilang mensahe ng suporta sina Mayor Ralph Lim at Vice-Mayor Nelson Ausa, kasama ang mga taga DSWD Region IV-A, DENR CENRO, LGU heads of offices, at mga barangay officials. Sinundan naman ito ng pormal na pagpapakilala sa lima (5) Municipal Coordinating Team bilang bahagi ng LGU at lima (5) Area Coordinating Team bilang bahagi ng KALAHI CIDSS RPMO na may malaking papel sa implementasyon ng programa sa bayan.
Matapos nito, isinagawa naman ang iba't ibang presentasyon gaya ng PCRP Overview, MRest Composition and Major Responsibilities, at Municipal Profile Data, na bahagi ng naturang programa na magsisilbing gabay sa mga MCT sa episyente at inklusibong pagpapatupad ng KALAHI-CIDSS sa ating bayan.
I 💙 SAN ANDRES
06/05/2026
TINGNAN: Groundbreaking Ceremony para sa concreting ng Barangay Road sa bahagi ng Sitio Santiago sa Brgy. Pansoy, San Andres, Quezon, pinasinayaan ngayong araw ng Miyerkules, Mayo 6
Naging matagumpay ang nasabing pagpapasinaya sa proyekto na pinangunahan nina Mayor Ralph Lim, Vice-Mayor Nelson Ausa, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan kasama ang ilang opisyal ng barangay Pansoy na labis ang pasasalamat sa proyekto.
Ito ay pinondohan ng nasa dalawang (2) milyong piso sa ilalim ng 20% municipal development fund (MDF) na naglalayong mapabuti ang kalidad ng transportasyon sa pag-access sa sitio.
I 💙 SAN ANDRES
03/05/2026
Sa mga nagnanais po na magkaroon ng puwesto sa stall ng ating Public Terminal, bukas po ang aming tanggapan sa mga interesadong magpasa ng letter of intent hanggang bukas, Mayo 4.
The Municipal Government of San Andres hereby informs the general public that three (3) vacant stalls in San Andres Public Terminal are now open for application
Interested applicants may submit their Letter of Intent (LOI) to the Office of the Municipal Mayor until May 4, 2026
The awarding of vacant stalls shall be determined through transparent and fair drawing of lots, to be conducted on May 5, 2026, at the Sangguniang Bayan (SB) Session Hall, 2nd Flr., New Municipal Bldg. Brgy. Poblacion, San Andres, Quezon
I 💙 SAN ANDRES
Alibijaban, ano tara?
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
2nd Flr. De Leon Street New Municipal Bldg. Brgy. Poblacion San Andres
Quezon
4314
Opening Hours
| Monday | 8am - 7pm |
| Tuesday | 8am - 7pm |
| Wednesday | 8am - 7pm |
| Thursday | 8am - 7pm |