Camillian Vocation PH
02/03/2023
The Camillian Father's Official Website: http://www.camillian.ph/vocation-and-discernment/
VOCATION AND DISCERNMENT
Vocation is a call from God to follow Christ in any form of life. It involves God’s call and our human response in discipleship. It is a divine gift since God initiates the activity, “Come and See” (John 1:39). The human response in discipleship must be seen as an ongoing relationship between God and the individual in a process of discernment, leading to a “tale of friendship with the Lord” (VC, 64).
Visit our website to read the full post: http://www.camillian.ph/vocation-and-discernment/
26/02/2023
MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Laban sa Masama”
Pebrero 26, 2023. Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda.
(Ngayon po ay araw ng Linggo, magsimba po tayo. Ito po ay ating banal na obligasyon. Ang pagninilay po ay mababasa matapos ang ebanghelyo.)
MABUTING BALITA
Mateo 4, 1-11
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon: si Hesus ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Doon, apatnapung araw at apatnapung gabi nag-ayuno si Hesus, at siya’y nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kaniya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, gawin mong tinapay ang mga batong ito.” Ngunit sumagot si Hesus, “Nasusulat,
‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao,
kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.”
Pagkatapos nito’y dinala siya ng diyablo sa taluktok ng templo sa Banal na Lungsod. “Kung ikaw ang Anak ng Diyos,” sabi sa kanya, “magpatihulog ka, sapagkat nasusulat,
‘Ipagbibilin niya sa kanyang mga anghel na ingatan ka,’
‘Aalalayan ka nila,
upang hindi ka matisod sa bato.’”
Sumagot si Hesus, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.’”
Pagkatapos, dinala din siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Mula roo’y ipinatanaw sa kanya ang lahat ng kaharian ng sanlibutan at ang kayamanan ng mga ito. At sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito, kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.”
Sumagot si Hesus, “Lumayas ka, Satanas! Sapagkat nasusulat,
‘Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo;
Siya lamang ang iyong paglilingkuran.’”
At iniwan siya ng diyablo. Dumating ang mga anghel at naglingkod sa kanya.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Full Readings: https://www.awitatpapuri.com/2023/02/26/linggo-pebrero-26-2023/
Pagninilay:
Isang mapagpalang unang Linggo ng Kuwaresma! Pagtuunan natin ng pansin ang tatlong tugon ni Hesus sa mga tukso. Una, “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.” Ikalawa, "Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.” Panghuli, sinabi ni Jesus, “Lumayas ka, Satanas!” at “Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo; Siya lamang ang iyong paglilingkuran.” Kapag tayo ay nasa harap ng tukso, gagamitin din natin ang mga ito at tandaan ang tatlong mahahalagang bagay na ito.
Mayroon tayong tatlong kaaway: ang mundo, ang diyablo, at ang laman. Binigyan din tayo ng Diyos ng tatlong haligi ng Kuwaresma upang kontrahin ang mga ito: ang pagbibigay o kawanggawa, panalangin, at pag-aayuno – una sa pagkain at kung hindi man ay sa kasalanan at sa mga bagay na nagdadala sa atin sa kasalanan.
Ang unang tugon ni Jesus sa mga tukso ay nagpapahiwatig na hindi tayo dapat masyadong abala sa kung ano ang kakainin, kung ano ang isusuot, o alinman sa mga materyal na bagay sa mundo. Hindi tayo nabubuhay sa tinapay lamang - ang tinapay ay kumakatawan sa ating mga pangangailangan sa katawan.
Nabubuhay din tayo sa pamamagitan ng Salita ng Diyos.
Kung mayroon tayo ng lahat ng kailangan natin o anumang gusto natin sa mundo, ngunit kulang sa kabanalan, maaring mawawalan tayo ng buhay na walang hanggan. Ano ang kahulugan ng pagkakaroon ng lahat ng gusto natin sa mundo kapag makakaranas tayo ng walang hanggang kamatayan pagkatapos? Ngunit, sa pamamagitan ng pagbabawas ng ating mga alalahanin para sa pagkain at iba pang mga pangangailangan ng katawan, maaari nating linisin ang ating mga kaluluwa at magbigay ng mas maraming oras para sa panalangin at pag-ibig sa kapwa. Kapag tayo ay nagsisi at ginawa ang tama, tayo ay maliligtas.
Pangalawa, kapag tayo ay nananalangin, ilalagay natin ang ating buong pagtitiwala sa Kanya. Ang paghamon sa Diyos ay nangangahulugan na kulang tayo sa pananampalataya sa Kanya at kailangan natin ng patunay mula sa Kanya. Gayunpaman, mayroon na Siyang isang patunay ng lahat ng ito na sumasaklaw sa lahat - ang Krus. Ito ay nagpapahiwatig ng pinakadakilang pag-ibig na maibibigay sa atin higit sa sinuman at ito ay mula sa Diyos.
Napatunayan pa Niya lalo ito noong isinakripisyo Niya ang Kanyang sarili para sa atin hanggang sa kamatayan. Sa huli, alam natin na maraming mga tukso sa ating paligid, ngunit mapagtatagumpayan natin ito sa pamamagitan ni Hesus. Ang mga tao ay madaling mabulag ng maraming kapangyarihan, pera, katanyagan, o prestihiyo.
Gayunpaman, ang pamumuhay ng mundo ay sumasalungat sa buhay ng isang tunay at tapat na Kristiyano na nababahala lamang sa paggawa ng mabuti sa iba. Mayroon tayong dalawang pagpipilian. Una, hindi nating gugustuhin bumili tungo sa pagpapayaman sa ating sarili sa labis na paraan o ang ikalagawa, hindi nating gugustuhin magbigay.
Isa lamang ang dapat nating piliin, at sa pagpapasya, nawa'y piliin natin ang Diyos at ang Kanyang mga paraan - Siya na nagmamahal sa atin sa kabila ng ating pagiging makasalanan mula pa sa simula. Ang pinakamatibay na ating sanggalang ay ang Banal na Katawan at Dugo ni Hesus sa Banal na Misa. Amen. +
Pagnilayan po natin ito. Amen. +
Saint Camillus de Lellis, pray for us!
Pagsasalin ni: C.J.T.
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +
Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications
-------------------
BE ONE OF US!
Be a Camillian Brother or Priest.
If You Are:
-a senior high school graduate;
-a college undergraduate;
-a college graduate or a professional
Contact now:
The Vocation Team
St. Camillus Seminary
105 B. Gonzales St., Varsity Hills, Loyola Heights,
1108 Quezon City, Philippines
Mobile N0.: 09453901003
Landline: 398 1300
Email: [email protected]
[email protected]
12/02/2023
MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: "Ating Pagkamakasalanan”
Pebrero 12, 2023. Ika-6 Linggo sa Karaniwang Panahon.
(Ngayon po ay Linggo, magsimba po tayo.)
MABUTING BALITA
Mateo 5, 17-37
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat.
Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.
Sinasabi ko sa inyo: kung ang pagsunod ninyo sa kalooban ng Diyos ay tulad lamang ng pagsunod ng mga eskriba at mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Diyos.
“Narinig ninyo na noong una’y inutos sa mga tao, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang makamatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang map**t sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman; ang humamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid ‘ulol ka!’ ay mapapasaapoy ng impiyerno.
Kaya’t kung naghahandog ka sa Diyos, at maalaala mo na may sama ng loob sa iyo ang kapatid mo, iwan mo muna ang iyong handog sa harap ng dambana at makipagkasundo ka sa kanya. Saka ka magbalik at maghandog sa Diyos.
“Kung may magsakdal laban sa iyo sa hukuman, makipag-ayos ka sa kanya habang may panahon, bago ka niya iharap sa hukom. At kung hindi’y ibibigay ka niya sa hukom, na magbibigay naman sa iyo sa tanod, at ikaw ay mabibilanggo. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hangga’t hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang kusing.”
“Narinig ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao, ‘Huwag kang makikiapid.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: ang sinumang tumingin nang may mahalay na pagnanasa sa isang babae, sa isip niya’y nakiapid na siya sa babaing iyon. Kung ang mata mo ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukutin mo at itapon!
Sapagkat mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng katawan kaysa buo ang iyong katawang itapon sa impiyerno. Kung ang iyong kamay ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo at itapon! Mabuti pang mawalan ka ng isang bahagi ng katawan kaysa buo ang iyong katawang itapon sa impiyerno.
“Sinabi rin naman, ‘Kapag pinahiwalay ng lalaki ang kanyang asawa, ito’y dapat niyang bigyan ng kasulatan ng paghihiwalay.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: kapag pinahiwalay ng lalaki ang kanyang asawa nang hindi naman ito nangangalunya, at ito’y nag-asawang muli, ang lalaking iyo’y nagkasala – itinulak niya ang kanyang asawa sa pangangalunya.
At sinumang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nangangalunya.”
“Narinig pa ninyo na noong una’y iniutos sa mga tao, ‘Huwag kang sisita sa iyong pinanumpaang pangako bagkus ay tupdin mo ang iyong sinumpaan sa Panginoon.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong sumumpa kung nangangako kayo.
Huwag ninyong sabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ sapagkat ito’y trono ng Diyos; o kaya’y ‘Saksi ko ang lupa,’ sapagkat ito’y tuntungan ng kanyang mga paa. Huwag din ninyong sabihing, ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ sapagkat ito’y lungsod ng dakilang Hari. Ni huwag mong sabihing, ‘Mamatay man ako,’ sapagkat ni isang buhok sa iyong ulo’y hindi mo mapapuputi o mapaiitim.
Sabihin mo na lang na ‘Oo’ kung oo at ‘Hindi’ kung hindi; sapagkat buhat na sa masama ang anumang sumpang idaragdag dito.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Full Readings: https://www.awitatpapuri.com/2023/02/12/linggo-pebrero-12-2023/
Pagninilay:
Isang mapagpalang Linggo po sa ating lahat! Minsan, iniisip natin na hindi tayo masasamang tao tulad ng iba kung hindi tayo mga kriminal na pumapatay o nanggagahasa sa iba, at kung hindi tayo katulad ng mga napapanood natin sa mga teleserye sa telebisyon na nangangalunya.
Gayunpaman, hinahamon tayo ng Panginoon ngayon na lampasan ang karaniwang pag-iisip at suriing mabuti ang ating sarili. Sinabi Niya na kapag ang isang tao ay tumingin nang may pagnanasa, ang taong iyon ay nagkasala na ng pangangalunya. Sinabi niya na ang pagpatay sa isang kapatid ay hindi nangangahulugan lamang ng pagpatay sa kanilang katawan. Maaari rin itong p**t na tumutukoy sa makasalanang galit, sapagkat mayroon namang hindi.
Ang mga ito ay dahil ang kasalanan ay nagmumula sa loob sa ating mga puso. Bago magkasala ang tao sa kanyang gawa, siya ay nagkasala na sa pamamagitan ng pag-iisip. Samakatuwid, kailangan muna nating bantayan ang ating pag-iisip upang maiwasan ang kasalanan. Imposibleng gawin ito nang walang tulong ng panalangin.
Sa biyaya at liwanag ng Diyos, malalaman natin kung ano ang tama o mali at magkakaroon tayo ng lakas piliin na sundin ang tama. Sa kapangyarihan ng Diyos, tayo na Kanyang mga anak, ay maaaring labanan ang mga tukso simula sa ating mga iniisip, nadarama, at mga 'di magandang hangarin.
Panahon na ngayon upang suriin ang ating sarili matapos tayong mapaalalahanan ng katotohanang ito sa Ebanghelyo ngayon. Tanungin natin ang ating sarili, "Paano ako nagkasala sa aking mga iniisip at aking mga salita?" Pagkatapos, suriin din ang ating mga aksyon at makikita natin kung paano nagmula ang makasalanang gawaing iyon mula sa kasalanan natin sa ating salita.
Kung gagawin natin ito araw-araw, o gabi-gabi bago tayo matulog sa panalangin at humingi ng tawad sa Diyos, makakalapit tayo sa Diyos at sa kabanalan. Ang mga sakramento ng Banal na Eukaristiya at ang pagkumpisal sa pari ay ang dalawang haliging magpapatayo sa atin sa tuwing tayo ay bumagsak. Binibigyan tayo ng Diyos ng mga biyayang kailangan natin palagi hangga't ninanais natin ang mga ito. Amen. +
San Camilo ng Lellis, ipanalangin mo po kami.
Pagnilayan po natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +
Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Communications
-------------------
BE ONE OF US!
Be a Camillian Brother or Priest.
If You Are:
-a senior high school graduate;
-a college undergraduate;
-a college graduate or a professional
Contact now:
The Vocation Team
St. Camillus Seminary
105 B. Gonzales St., Varsity Hills, Loyola Heights,
1108 Quezon City, Philippines
Mobile N0.: 09453901003
Landline: 398 1300
Email: [email protected]
[email protected]
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the place of worship
Telephone
Website
Address
18 Nicanor Reyes Street , Varsity Hills, Loyola Heights
Quezon City
1108
Opening Hours
| Monday | 7:45am - 4:30pm |
| Tuesday | 7:45am - 4:30pm |
| Wednesday | 7:45am - 4:30pm |
| Thursday | 7:45am - 4:30pm |
| Friday | 7:45am - 4:30pm |