Pinoy Weekly

Pinoy Weekly

Share

Photos from Pinoy Weekly's post 29/05/2026

TINGNAN | Habang nagaganap ang negosasyon ng mga manggagawa ng PLDT para sa dagdag sahod at benepisyo, nagsagawa ng ‘Jericho March’ ang mga superbisor mula sa Gabay ng Unyon sa Telekomunikasyon ng mga Superbisor (GUTS) kahaypon, Mayo 29.

Apat pa lamang sa 11 na hiling ang natutupad. Ayon kay Charlie Arevalo, tagapangulo ng GUTS, hindi pa rin pumapayag ang kumpanya sa panawagan bilang 25% dagdag sahod.

“Kung sa tingin namin ay mag hahard line sila sa mababang halaga na hindi namin matatangap, wala namang ibang patutunguhan kundi mag welga,” sabi ni Arevalo. 📷 Julia Hernandez/Pinoy Weekly

28/05/2026

Kinondena ng Glowhrain-KMU-Kowloon House West Chapter ang panggigipit ng management ng Kowloon House sa mga manggagawa matapos ipatupad ang biglaang tigil-produksiyon at pagtatakda ng mas mababang separation pay.

BASAHIN: https://tinyurl.com/2ebtzjzk

Photos from Pinoy Weekly's post 28/05/2026

TINGNAN l “Dorobō (Magnanakaw)! Mamamatay-tao!”

Sinalubong ng protesta sa Japan ang state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kabilang ang mga progresibong grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan Japan at ng Japan Campaign for Human Rights in the Philippines na bumatikos sa mga paglabag sa karapatang pantao buhat ng National Action Plan for Unity, Peace and Development.

Security cooperation ang nakatakdang pag-usapan ni Marcos Jr. sa mga lider ng Japan. Pangamba ng mga grupo na madamay ang mga migranteng Pilipino at ang Pilipinas sa nilulutong giyera kasama ang Amerika. 📷Migrante Japan

Want your business to be the top-listed Media Company in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Quezon City