UP Community Development Circle

UP Community Development Circle

Share

Photos from UP Community Development Circle's post 03/12/2025

Happy 17th Anniversary, CDC! 🎉

Kaya naman, bigyan natin ng masigabong palakpakan ang ating paboritong mars, si Pipo Manok! 🐥

Iniimbitahan namin ang lahat ng CDC members at alumni na makiisa sa ating Org Christmas Party at 17th Org Anniversary Celebration ngayong December 12! ✨🎄

Sama-sama tayong magdiwang, magkumustahan, at magsaya bilang isang pamilyang CDC.💚

Mag-register sa link na ito para makasama:
👉https://forms.gle/fzRj4hqHYXwjQkHY8

Nais din po naming hilingan ang inyong suporta para sa ating income-generating project upang mas maging matagumpay ang ating selebrasyon. 🙌🏽
👉https://forms.gle/uvmeY4ej9a9r3fkn9

Maraming salamat, at magkita-kita tayo!

22/09/2025

Organisador ng Bayan: Laban sa Korapsyon, Tutol sa Batas Militar!

Nakiisa ang mga mag-aaral mula sa UP Community Development Circle sa pag-alaala ng Batas Militar ni Ferdinand Marcos Sr. at sa pakikibaka laban sa pandarambong ng mga nasa kapangyarihan na patuloy na nagpapahirap sa mga pamayanan ng taumbayan n'ong ika-21 ng Setyembre sa Luneta, Maynila.

Mula noon hanggang ngayon, ramdam pa rin ang pasakit na dulot ng mga korap at ng kanilang pwersang makasarili at gahaman sa kapangyarihan. Hindi matatabunan o malilinisan ng anumang kasinungalingan ipinapakalat ang kasaysayan ng pandarahas at pang-aabuso ng mga nasa pwesto at ng kanilang mga kasabwat na patuloy na nakikinabang sa dugo’t pawis ng bawat manggagawa, magsasaka, mangingisda, kabataan, kababaihan, at lahat ng sektor ng lipunan na araw-araw na nagsusumikap para sa disenteng kabuhayan at makatarungang kinabukasan.

Kaya bilang mga organisador at mag-aaral ng Community Development, bitbit namin ang paninindigan na ang tunay na kaunlaran ay nakabatay sa partisipasyon ng mamamayan at sa hustisyang panlipunan. Walang saysay ang kaunlaran kung iilan lamang ang nakikinabang habang nananatiling naapi ang nakararami. Ang Batas Militar ay hinding-hindi para sa interes ng taumbayan kundi isang panloloko ng mga makapangyarihan upang ipataw ang takot, manupil ng karapatan, at kupitan ang yaman ng sambayanan.

Kaya’t naninindigan kami na huwag kalimutan at huwag pahintulutan. Labanan ang korapsyon! Isulong ang interes ng mamamayan tungo sa isang lipunang tunay na malaya, makatarungan, at demokratiko.

Want your university to be the top-listed University in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Quezon City