Waxi Solution

Waxi Solution

Share

18/02/2020

Yung batang buntis na nakita mo sa kalsada na sinabihan mong ang agang lumandi, narape pala siya.

Yung lalaking tinawag mong baduy, working student pala at wala syang pambili ng bagong damit.

Yung nakatabi mo sa jeep na sinabi mong mabaho, construction worker siya at dali daling umuwi dahil may sakit ang asawa niya. Sinusuportahan niya ang pamilya niya at di pa siya naghahapunan.

Yung kaklase mong maraming beses umabsent at sinabihan mo ng tamad, araw araw niyang hinahanap ang magiging pamasahe niya.

Yung crew ng fastfood chain na tinarayan mo dahil hindi ka masyado narinig sa ingay sa loob ng lugar, ay working student at pangalawang duty na niya ngayong araw para matustusan ang pangmatrikula niya.

Yung ale na binarat-barat mo sa palengke para sa isang kilong gulay at sinabihan mong madamot, dose kilometro pala ang nilalakad papuntang palengke para makapagtrabaho lang ng marangal.

Akala kasi natin alam na natin lahat. Madali sa atin ang manghusga. Pero wala tayong karapatang manghusga.

Want your business to be the top-listed Autos & Automotive Service in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Quezon City Philipines
Quezon City
3015