The Follower

The Follower

Share

15/07/2026

Kumpleto na or ayaw nyo na maulit yong nangyare sa cross kay Atty. Lotoc🤣😅🤣

“KUMPLETO NA ANG EBIDENSYA!” — LEAD PROSECUTOR GERVILLE LUISTRO, IGINIIT NA MALAKAS NA ANG KASO KONTRA KAY VP SARA DUTERTE

Idineklara ngayon ni Lead House Prosecutor at Batangas Rep. Gerville "Jini" Luistro na lubos nang malakas at kumpleto ang mga ebidensiyang iniharap ng panig ng prosekusyon kaugnay ng Article IV ng impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Dahil sa kumpiyansang ito, ipinaliwanag ni Luistro na hindi na kinakailangan pang mag-aksaya ng panahon sa pagpapatayo ng iba pang testigo para sa isyu ng grave threats o seryosong pagbabanta. Ito rin aniya ang naging mitsa upang bawiin ng prosekusyon ang pagharap ng ilang susing testigo gaya nina OVP Chief of Staff Zuleika Lopez at House Security Director Belinda Bello.

“The reason for the withdrawal ay dahil malakas na ang kaso, kumpleto na ang ebedensiya.” ani Luistro

Bunsod ng pagtatapos ng kanilang presentasyon sa Article IV, inanunsyo ni Luistro na handa nang lumipat ang impeachment court sa susunod na bahagi ng reklamo—ang Article I—na nakatutok naman sa kontrobersyal na paggasta at pamamahagi ng confidential funds sa ilalim ng tanggapan ng Pangalawang Pangulo.

Want your business to be the top-listed Media Company in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Quezon City