Youth with Risa Network
04/07/2026
Mas pinalalakas ang pagkilos, mas pinalalawak ang pag-asa! ๐ธ
Matagumpay na inilunsad ang Risa Na 2028 Movement sa Valenzuela City, kasama ang iba't ibang kabataan, volunteers, at mga mamamayang nagkakaisa para sa isang tapat, mahusay, at makataong pamumuno.
Hindi lamang ito isang paglulunsad ng kilusan, isa itong panawagan sa bawat Pilipino na maging bahagi ng sama-samang pagkilos tungo sa mas maayos na kinabukasan. Sa bawat lungsod na aming napupuntahan, mas dumarami ang mga handang makiisa at kumilos para sa pagbabago.
Tuloy-tuloy ang paglalakbay. Tuloy-tuloy ang pagkilos.
CITY/AREA CHECK MUNA TAYO!
โ
Manila
โ
Bacolod
โ
Cebu
โ
Valenzuela
NEXT CITY/AREA? ABANGAN! ๐
PAGLILINAW MULA KAY SEN. RISA HONTIVEROS
Kaugnay ng mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa pagdinig ng Senado sa trahedya sa Tacloban, narito ang mga paglilinaw ni Sen. Risa Hontiveros:
1. Walang panukalang game ban.
- "Never akong nagsabi ng ganyang proposal."
2. Ang pag-ban sa GoreBox ay hindi rekomendasyon ng Senado.
- Ayon kay Sen. Risa, ang naging aksyon ng CICC ay isinagawa bago pa man ang nakatakdang pagdinig ng Senate Committee.
3. Layunin ng pagdinig na alamin ang buong katotohanan.
- Kabilang dito ang pagtiyak na makakamit ng mga pamilya ng mga biktima ang hustisya at matukoy ang mga hakbang upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya.
4. Inimbitahan ang GoreBox developer upang magpaliwanag.
- Layunin nitong talakayin ang mga safety features o safeguards ng laro at kung paano ito ipinatutupad upang maprotektahan ang mga menor de edad.
5. Ang pangunahing isyu ay ang online grooming at kaligtasan ng mga bata.
- Sinisiyasat kung paano nagagamit ng mga masasamang loob ang online platforms upang makipag-ugnayan sa mga bata at mailipat sila sa ibang apps o sites kung saan nagaganap ang umano'y grooming.
6. Ang layunin ay mas ligtas na online environment para sa mga kabataan.
- Kasama rito ang pagpapalakas ng proteksyon sa mga bata, pagbibigay ng suporta sa mga magulang at g**o, at pagsusuri kung paano mas mapapabuti ang pagpapatupad ng mga umiiral na safeguards.
Mahalagang pakinggan ang buong pahayag at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon. Ang pagdinig ay nakatuon sa paghahanap ng mga solusyon upang maprotektahan ang ating mga kabataan, hindi sa pagbabawal ng mga video game.
28/06/2026
"๐๐'๐๐ ๐๐๐๐! ๐๐'๐๐ ๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐๐ฟ & ๐๐๐๐๐๐๐๐ผ๐ฝ๐๐" - ๐๐๐๐ผ๐๐๐ ๐๐๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ โ
Nakiisa ang๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค sa ikaapat na taon ng ๐๐จ๐ฏ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐๐๐๐ sa UP Diliman, ang pinakamalaking pagdiriwang para sa Pride Month sa bansa. Sa aming unang paglahok, buong puso kaming nakikiisa sa matagal nang laban ng LGBTQIA+ community para sa pagpasa ng ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ช๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ, upang tuluyang wakasan ang diskriminasyon at matiyak ang pantay na karapatan para sa lahat.
Kasabay nito, buong suporta rin kami sa panawagan ng ๐๐ค๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐๐ซ๐ญ๐ฒ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ na maipasa ang ๐๐ก๐๐ซ๐ฆ๐๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ, na naglalayong kilalanin ang lived name ng ating mga kapatid na transgender bilang paggalang sa kanilang pagkakakilanlan at dignidad. ๐ณ๏ธโ๐
Asahan natin na si Senator Risa Hontiveros ay patuloy na magiging kakampi ng sangkabaklaan, hanggang sa mapagtagumpayan natin ang kalayaan natin sa ating kasarian at pagmamahalan nang walang diskriminasyon. ๐
Ang Pride ay hindi lamang selebrasyon bagkus ito ay patuloy na pagkilos para sa pagkakapantay-pantay, pagkilala, at katarungan. Hangga't may diskriminasyon, tuloy ang laban.
Photo Courtesy: Jarod Mancilla
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
27/06/2026
๐ซถ๐ป
Tayong lahat para sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay!
Nagpahayag ng kani-kanilang messages of support para sa sina Mayor Joy Belmonte, mga ambassador, University of the Philippines, at convenors ng Pride PH.
Nagbigay din ng suporta sina Sen. Risa Hontiversos, Usec. Jeff Ortega ng National Youth Commission, BULSU Bahaghari at Kasama BULSU, Akbayan Representatives Perci Cendeรฑa at Chel Diokno, UP Babaylan at UP ALYANSA, at Legislators for Equality.
Nag-perform naman ang VVINK, The Fluid X (TFX) Dance Group, Cast of Open Endings, Justine, Nica, at Matthew, at Maki
Link sa buong post: https://www.facebook.com/20531316728/posts/10154009990506729/
26/06/2026
Kitakits mamaya mga kasama! Tara na ๐ณ๏ธโ๐๐ค
LOVE LAB4N na! ๐ณ๏ธโ๐
๐จ TODAY IS THE DAY, MHIE! NO MORE COUNTDOWN DAHIL LIPAD NA ANG RAMPA! ๐ณ๏ธโ๐โจ
โMga accla! Kung kahapon ay nag-aabang pa tayo, NGAYONG ARAW ay tuluyan na nating ibababa ang ganda at tapang sa kalsada dahil na! Oras na para magkasama-sama, magbunyi, at lalong magka-boses sa ating paninindigan! โ๐ฅ
Mag-alarm na, mag-buo, mag-ayos ng outfit, at gora na sa U.P. Diliman dahil maaga tayong magkikita-kita ! ๐ช๐
โก
โ๐ Today | U.P. Diliman
๐๏ธ ADMISSION IS ABSOLUTELY FREE!
โWala nang bukas-bukas, NGAYON NA ANG LABAN! I-call at i-gising mo na ang buong squad sa GC dahil hinihintay na kayo ng rampa. See you on the field, mga siszt! ๐ซถ๐๐ณ๏ธโโง๏ธ
โ
24/06/2026
Happy Pride Month mga mahal! ๐ณ๏ธโ๐๐ค
RISAng bonggang pagbati ng Happy Pride Month, mga Mahal! ๐ณ๏ธโ๐
Ngayong Pride Month, alalahanin natin ang ating iisang layuninโang kilalanin at tanggapin ng ating lipunan. Malayo pa, pero malayo na ang ating nalilipad, kaya konting kembot pa mga mhie!
Kasama ng isa sa ating mga Equality Champion na si Senator Risa Hontiveros, sama-sama tayo tungo sa isang Pilipinas na malaya at mapagpalaya!
Salamat, Senator Risa Hontiveros sa pagbibigay ng pansin sa isyung ito! โ๐ป
22/06/2026
[HAHA REACT, FOR RISA NA!] ๐ฅฐ๐ฅณ๐ซก
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ร๐๐! ๐ต๐ญ
Matagumpay na inilunsad ang Risa Na 2028 Movement sa Barangay 105, Tondo Manila City, kasama ang iba't ibang sektor ng lipunan; mga kabataan, kababaihan, manggagawa, LGBTQIA+ community, senior citizens, at mga community leaders, na nagkaisa para sa adhikaing mabuting pamamahala, malasakit sa mamamayan, at tunay na pagbabago.
Ang pagtitipong ito ay patunay na mas lumalakas ang panawagan para sa lideratong may integridad, pananagutan, at malasakit sa bawat Pilipino. Sa sama-samang pagkilos ng iba't ibang sektor, mas napapalapit tayo sa pagbuo ng isang lipunang makatarungan, inklusibo, at may pag-asa.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng paglulunsad ng kilusang ito. Tuloy ang pagkilos, tuloy ang pakikilahok, at tuloy ang laban para sa mas maayos na kinabukasan.
Nakikiisa. Nanawagan. Naninindigan.
Nakikiisa ang Youth with Risa Network sa komunidad ng Ateneo de Manila University at sa pamunuan ng Sanggunian ng mga Mag-aaral ng mga Paaralang Loyola ng Ateneo de Manila sa kanilang Community Walkout bilang panawagan para sa pananagutan, transparency, at agarang pagkilos kaugnay ng mga pangyayaring nagdulot ng pagkawala ng buhay at nakaapekto sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Bilang mga kabataang naninindigan para sa ligtas at makataong mga espasyo sa edukasyon, sinusuportahan namin ang panawagang tiyakin ang buong paglalabas ng katotohanan, pagpapatupad ng mga konkretong hakbang para sa kaligtasan ng mga estudyante, at pagpapanagot sa mga may pananagutan.
Naniniwala kami na ang bawat pamantasan ay may tungkuling pangalagaan ang kapakanan ng mga estudyante at tiyaking may mga sistemang nagtataguyod ng kanilang kaligtasan at dignidad.
Sa panahong ito, higit sa mga pahayag, kinakailangan ang malinaw at agarang aksyon.
Nakikiisa ang Youth with Risa Network sa . Para sa pananagutan. Para sa kaligtasan. Para sa hustisya.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Quezon City
1109