Onward Dominicans
24/12/2025
Merry Christmas, Dominicans! 🎄
May we all see the Joy in the birth of our Savior, Jesus Christ. May we always be reminded that it is never the size of the feast that we measure but the abundance of so many other gifts with which we are blessed! 🤍
17/12/2025
𝗚𝗥𝗔𝗗𝗘 𝟭𝟭 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧𝗦' 𝗖𝗟/𝗩𝗘 𝗣𝗘𝗥𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗡𝗖𝗘
IN PHOTOS: Snapshots of the performance task of Grade 11 students in their subject Christian Living/Values Education.
via Ahlliah Alexandrea Lazaro, Senior Photojournalist
04/12/2025
𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗣𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗟𝗢 | Matapos ang ginanap na Provincial Secondary Schools Press Conference nitong Nob. 28, 2025 sa Bunsuran National High School, nananatiling buhay at nag-aalab ang sulo ng ating Onward Dominicans matapos magtala ng apat na panalo sa iba't ibang kategorya. Kabilang sa mga nagwagi sina:
RAFAEL JUSTIN MUTUC
6th Place News Writing Filipino
AVA URIEL GUANGCO
9th Place Photojournalism - English
Samantala, tila "déjà vu" naman ng nakaraang taon para sa OD matapos na dalawa sa mga mamamahayag nito ang lusot sa final round ng PSSPC. Sila ay sina:
ANIKA FAYE ERIVE
2nd Place News Writing Filipino
SAIF GADDIEL MEDINA -
4th Place Copy Reading and Headline Writing English
Kaugnay pa rin nito, tinanghal ang OD bilang ang 10TH SCHOOL PAPER HIGHEST POINTER sa FILIPINO sa BULACAN. (pinagsamang public and private schools).
Samantala, pormal ding iginawad sa nasabing paligsahan ang nakamit ng tagumpay ng OD sa nagdaang Division Secondary Schools Press Conference kung saan nakamit ng OD ang PINAKAMATAAS NA PUWESTO para sa ENGLISH at FILIPINO. Dito rin iginawad sa St. Dominic Academy of Pulilan, Inc. - Onward Dominicans ang titulo bilang ang SCHOOL HIGHEST POINTER sa buong distrito uno!
Nasa pagkakandili ng tagapayo ng publikasyon ang mga nagwagi.
larawang kuha nina
Veejhay San Antonio at Gabriel Antonio Tangi, Senior Staffers
Andrei Alejandro at Jose Mari Angeles, Junior Photojournalists
04/12/2025
: Sa isang chance encounter, habang nasa Provincial Secondary Schools Press Conference nitong Nobyembre 28, 2025, nagkaroon ng pagkakataon ang mga illustrator ng ating Onward Dominicans na makausap at makapagpakuha ng larawan kay G. Chico David, isang tanyag na editorial cartoonist.
Bukod sa pagpapakuha ng larawan, nagbigay rin siya ng input sa mga dibuhista ng OD kung saan inilawaran nya ang pinakahinahanap niya sa mga kartun sa ngayon.
---
larawang kuha nina
Veejhay San Antonio at Gabriel Antonio Tangi, Senior Staffers
Jose Mari Angeles at Andrei Alejandro, Junior Photojournalists
04/12/2025
𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗞𝗜𝗡𝗔 "𝗥𝗢𝗖𝗞𝗬" 𝗔𝗧 "𝗟𝗔𝗕𝗨𝗕𝗨" | Isang simpleng bato at tanyag na manilka ang ilan sa mga nabuong karakter habang naghihintay ng resulta ang mga kalahok at tagapag-ulat ng ating Onward Dominicans sa natapos na Provincial Secondary Schools Press Conference nitong Nobyembre 28.
Masasabing batbat ng lahat ng pagsubok at samu't saring emosyon ang bawat paglalakbay bilang isang campus journalist. Hangad man ng lahat ng kalahok ang manalo, ang bawat mamamahayag ay may kapalarang nakaukit na sa kanilang mga palad.
Sa simula ng landasing ito, at sa layo ng inabot ng ating mga mamahayag, para kina "rocky" at "labubu", sa mga umaasa at sa mga naging likha habang buntong-hiningang naghihintay, ang laban - nanalo man o natuto - ay para sa inyo.
---
larawang kuha nina
Veejhay San Antonio at Gabriel Antonio Tangi, Senior Staffers
Jose Mari Angeles at Andrei Alejandro, Junior Photojournalists
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Pulilan
3005
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |
| Saturday | 9am - 5pm |
| Sunday | 9am - 5pm |