PLEASE Inc.

PLEASE Inc.

Share

05/10/2025

Nagising na po muli ang PLEASE Inc. at muling magiging tulay ito ng ating Kalikasan para magsilbi muling TINIG ng Kapaligiran!

Padayon po sa ating lahat, para sa ating nalalabing MUNDO na kailangatan ingatan, protektahan, at pangalagaan na tanging alay natin sa mga susunod na bata, bata, at bata ng DAIGDIG.🌍

20/09/2025

ALAMIN ANG DOKUMENTASYON UKOL SA KALIKASAN NG PALAWAN SA DELIKADO.

PALAWAN, DELIKADO film. In case you missed it, here's a link to watch it for free! But you have to be among the 1st 1,000 registrants, so please register asap. When we were filming this documentary, the common theme's that emerged were injustice and impunity, but on watching it, the concepts of betrayal and pride become more evident. If you've seen it already, and delighted yourself with the hope it exudes as an environmental film, then it demands a second viewing to reveal it being deeply spiritual. For to separate conservation efforts from meaningful recourse to the divine diminishes our hope at preserving the resource, because prayer not only sustains, it emboldens. And what better way to protect it, than by invoking the One who created it in the first place. To save it, we need to be led, be sent, and be Christ. - atty. bobby chan
http://bit.ly/delikadokinema

Photos from PLEASE Inc.'s post 03/08/2025

TINIG NG KALIKASAN:

Ating Mahalin at Pangalagaan ang ating Yamang Kagubatan (PUNO), dahil ito ay Itinuturuing na napakahalaga at mayroong MAHALAGANG LIMANG B ANG KAGUBATAN:

1. BAGA ng Mundo;
2. BANGA ng Daigdig;
3. BENTILADOR ng Lipunan; at
4. BAHAY o TAHANAN ng Sanlaksang Buhay ng Sansinukob; at
5. BAGSAKAN NG DUMI "LABABO" ng Mundo

Isinulat ni: EdongDugong SaDagat Magpayo

(ang Larawang ito ay Nagmula sa FB Account ni Kapatid na Evageline Aquino)

Photos from PLEASE Inc.'s post 01/03/2025

TINIG NG KALIKASAN:
Ni: Edilberto Magpayo a.k.a EdongDugong SaDagat Magpayo

Bilang isang mamamayan ni Princesa malaking Karangalan ang manomina at mabigyan ng isang pagkilala at maging bahagi ng Mayor's Award for Environment Protection ngayong March 3. 2025 na gagawin sa City Coliseum para sa aking naging inisyatiba na Lingkod at Serbisyong Kalikasan ang "Ayaw ni Princesa ng Single Use Plastic".

Maraming Salamat po aming Kagalang-galang Mayor Lucilo R. Bayron sa Pagkilalang ito para sa Pangagalaga at Pagprotekta ng ating Kalikasan gayundin po ang "Information Education and Communication (IEC) campaign para sa pagpapataas ng Kamalayan ng ating mga Kababayan sa usapin ng pa-iwas, at pagbawas sa paggamit ng Single Use Plastic (SUP) sa Mahal nating Puerto Princesa City. Gabay ang City Ordinance Number 993 on Single-Use-Plastic and Styrofoam Regulation in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines.

Maraming Salamat po sa nagnomina sa akin, ang Tanggapan ng City ENRO Puerto Princesa wagas na pasasalamat sa kapwa natin Tinig, Mata at Kamay ng Kalikasan!

DENR Mimaropa Philippines Biodiversity Conservation Foundation, Inc. (PBCFI) Biodiversity Conservation Society of the Philippines Denr Cenro Taytay Palawan Palawan Council for Sustainable Development Palawan NGO Network Inc. Palawan News Renato Lopez Marlene Jagmis Niña Tolentino Santos

22/02/2025

Tumpak Kapatid at aming FUTURE Kagawad Joaquin Philippe Ortega at yan ang madalas ko ding marinig sa kaniya o sa iyong Ama noong nasa Kolehiyo ako at kapag nagiging bisita ako sa kanilang "Radio Program" sa DYPR.

tunay na DAPAT talagang Ingatan at Pahalagahan ang Kalikasan para SAPAT sa ating lahat sa Panghinaharap.

Sapagkat tayo ay lubos na nilikhang MAGKAKAUGNAY, isang parteng kasiraan apektado ang sangkatauhan!

Mahalin at Pakaingatan ating LUNTIGHAW (Luntian at Bughaw) na Daigdig! 💚🌎💙

Ni: Edilberto Magpayo a.k.a EdongDugong SaDagat Magpayo at TaongKahoy SaGubat

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Puerto Princesa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Puerto Princesa
#5300