SLP President Roxas
14/02/2026
๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ผ๐-๐ฝ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐๐๐ฎ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ ๐๐ถ๐๐ฒ๐น๐ถ๐ต๐ผ๐ผ๐ฑ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ (๐ฆ๐๐ฃ) ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐๐ถ๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐ฅ๐ผ๐
๐ฎ๐, ๐๐ผ๐ป. ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ข. ๐ ๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ฝ๐ถ๐
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programa ng DSWDโSLP para sa kapakanan at kabuhayan ng ating mga kababayan. Ang inyong malasakit at dedikasyon sa paglilingkod ay nagsisilbing inspirasyon sa komunidad at sa mga benepisyaryo ng programa.
Nawaโy patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong adbokasiya para sa kaunlaran ng bayan ng President Roxas.
๐ ๐๐น๐ถ, ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ผ, ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ผ๐ป๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ข. ๐ ๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ฝ๐ถ๐!
08/02/2026
"SA INAHING ALAGA, MALAKI ANG KITA"
Isang Kwento ng Tagumpay: Ritchel Batucan ng Barangay Batobato, President Roxas, Cotabato
Si Ritchel Batucan ay isang masipag at determinadong single mom at residente ng Barangay Batobato, President Roxas, Cotabato. Siya ay may isang anak na lalaki na siyang naging inspirasyon nito upang magpursigi sa buhay. Walang regular na kita at nahihirapang makapagbigay ng pangangailangan ng kanyang anak. Sa tulong ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD, nakatanggap siya ng โฑ15,000 na panimulang puhunan upang magsimula ng maliit na kabuhayan.
Ginamit ni Ritchel ang kanyang puhunan sa pagbili ng isang inahing baboy (sow). Sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga, sipag, at tiyaga, nagbunga ang kanyang pagsisikap. Makalipas ang ilang buwan, ang kanyang inahin ay nanganak ng siyam (9) na biik.
Ang bawat biik ay maaring naibenta niya sa halagang โฑ4,500, na nagbigay sa kanya ng kabuuang kita na โฑ40,500. Higit pa sa puhunan ang kanyang kinitaโisang malinaw na patunay na ang maliit na oportunidad, kapag sinabayan ng pagsusumikap at dedikasyon, ay maaaring humantong sa malaking tagumpay.
Ang kwento ni Ritchel Batucan ay nagsisilbing inspirasyon sa kanyang komunidad. Ipinapakita nito na ang tulong ng gobyerno, kapag ginamit nang wasto, ay maaaring maging daan sa pag-unlad ng kabuhayan at mas maayos na kinabukasan para sa pamilya.
Malaki naman ang pasalamat niyo sa pamahalaan, sa DSWD XII sa pamumuno ni RD Loreto Jr. V. Cabaya at sa Lokal na Pamahalaan ng President Roxas sa patuloy na pagbibigat ng isang magandang opportunity sa mga taong nangangailangan.
05/02/2026
โ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐โ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐
Si ๐๐ซ. ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ฅ๐จ๐ง ๐๐๐ง๐ฌ๐ข๐ ๐ฐ๐๐ฒ ๐๐๐๐ฅ๐ข๐ ay isang masipag at dedikadong myembro ng Barangay Peace Keeping Action Team (BPAT), na tumatanggap ng buwanang allowance na Tatlong Daang Peso (P300.00) na matagal nang nagsisilbi sa kanyang komunidad. Maliban sa pagiging BPAT siya din ay nagtatrabaho bilang karpentero at farm laborer. Bilang isang ama at lingkod-barangay, hindi naging madali ang pagsasabay ng responsibilidad sa pamilya at sa serbisyo publiko. Gayunpaman, siya ay may isa pa natatanging kakayahan ang pagtatahi, isang kaalamang matagal na niyang taglay kasama ang kanyang asawa na si Medelita ngunit noon ay pang-personal na gamit lamang.
Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanilang ang hangaring magnegosyo upang magkaroon ng karagdagang kita para sa kanilang pamilya. Dahil sa kanilang determinasyon at kasanayan, sinimulan nilang gamitin ang kanilang talento sa pagtatahi bilang kabuhayan. Mula sa simpleng mga patahi at pag-aayos ng damit, unti-unti niyang napaunlad ang kanyang gawain.
Dahil sa kanyang kaalaman at kakayahan sa pananahi, siya ay naging kabilang sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na in-endorso ng Local Government Unit (LGU) President Roxas noong taong 2025. Sa pamamagitan ng programang ito, nagkaroon siya ng pagkakataong makabili ng isa pang makinang nagpaunald sa kanyang kasanayan at maisakatuparan ang kanilang plano sa pagnenegosyo.
Sa kasalukuyan, sina Mr. Villalon at Medelita Taalic ay aktibo nang nagtatahi ng mga uniporme ng paaralan, kurtina, ponda at doormat, na malaking tulong hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa mga magulang sa kanilang barangay na naghahanap ng abot-kayang school uniform at iba pa. Ang kanyang maliit na gawain ay patuloy na lumalago at nagbibigay inspirasyon sa kapwa niya na gamitin ang sariling kakayahan bilang puhunan sa pagnenegosyo.
Ang kuwento ng pamilya Taalic ay patunay na ang serbisyo, kasanayan, at pangarap ay maaaring magsama upang makabuo ng mas maayos na kabuhayan. Isa silang huwaran ng sipag at pag-asa sa komunidad.
05/02/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Mula sa simpleng paglalako ng kakakin, unti-unting binago ng sipag, tiyaga, at tamang tulong ang takbo ng buhay ni ๐๐ซ. ๐๐จ๐ง๐ข๐๐๐๐ข๐จ ๐๐๐ ๐ฅ๐๐ฌ๐๐ง๐ , isang residente ng Barangay Datu Sundungan, President Roxas, Cotabato. Sa loob ng maraming taon, ang maliit na kita mula sa paglalako ng kakanin ng kanyang asawang si Trinidad ang nagsilbing pangunahing kabuhayan ng kanilang pamilya, sapat lamang para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Noong taong 2025, nagbukas ang isang bagong oportunidad para kay Ginoong Bonifacio Wamilda Maglasang nang siya ay makatanggap ng โฑ๐๐,๐๐๐.๐๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ข๐ง๐๐๐ฅ๐ ๐๐ข๐ฏ๐๐ฅ๐ข๐ก๐จ๐จ๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ (๐๐๐) ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ (๐๐๐๐) sa pamamagitan ng special referral ng Local Government Unit (LGU) ng President Roxas na nooโy sa ilalim ng pamumuno ni dating ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ง๐๐ญ๐ก๐๐ง ๐. ๐๐๐ก๐ข๐ฆ๐ฉ๐ข๐ญ. Ang nasabing tulong-pinansyal ang nagsilbing puhunan upang maisakatuparan ang matagal na niyang pangarap ang pagpapatayo ng isang sari-sari store sa kanilang komunidad.
Sa tulong ng programang ito, hindi lamang nadagdagan ang kanyang pinagkakakitaan kundi naging mas matatag din ang kabuhayan ng kanyang pamilya. Ang kanyang sari-sari store ay nagsilbi ring dagdag-serbisyo sa mga kabarangay, lalo na sa mga pangunahing bilihin na mas madali nang mabili sa kanilang lugar.
Ayon sa kanya ang tulong pinansyal mula sa DSWD-SLP ay siyang naging simula upang may mapagkukunan na ang kanyang pamilya ng makakain. Wala mang mga anak sa inaaruga ngunit marami namang apong tinutulugan kahit na sa kunting paraan.โ๐ฃ๐๐๐๐-๐ค ๐๐ฎ๐ช๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ข๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐๐ช๐๐๐๐ฃ, ๐ ๐๐ฎ ๐จ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ง๐ค๐ก๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ข๐ค ๐จ๐ ๐๐ข๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ก ๐ข๐๐ ๐๐ฉ๐ ๐ฃ๐๐ ๐ช ๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐ฎ๐ช๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐จ๐๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐๐ ๐๐ช๐๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐ข๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐ช๐๐ก๐๐ฃ๐๐ฃ. ๐๐ช๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐ฅ๐ช๐ ๐ฃ๐๐ ๐ช ๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐ค๐ฃ๐ ๐จ๐ค๐๐๐๐ก ๐ฅ๐๐ฃ๐จ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ช๐ ๐ฃ๐๐ ๐ช ๐ ๐๐ฎ ๐จ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ ๐๐๐๐ ๐ฃ๐๐ ๐ช ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ช๐๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐ข๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ก๐ฎ๐ ๐๐๐ ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐ช๐๐๐จ, ๐จ๐ช๐-๐๐ฃ ๐ช๐ ๐ช๐๐๐ฃ ๐ฅ๐. ๐๐๐๐๐ฅ๐๐จ๐๐ก๐๐ข๐๐ฉ ๐๐ฎ๐ช๐ ๐ ๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ ๐จ๐ ๐ฟ๐๐๐ฟ ๐จ๐ ๐๐ข๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฟ๐ ๐ฃ๐๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฃ ๐๐๐๐๐ก๐, ๐จ๐ ๐๐๐ ๐ช๐ ๐ ๐๐ฎ ๐๐ฟ ๐พ๐๐๐๐ฎ๐ ๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐ก ๐ ๐ค ๐จ๐ ๐ข๐๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐ง๐ค๐๐ง๐๐ข๐ ๐ฃ๐๐ ๐จ๐ช๐๐ช๐ ๐๐๐ฉ๐ค ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐ช ๐ข๐๐ ๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฌ ๐๐ง๐ค๐ฃ ๐ก๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ ๐๐ค๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐ค๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ข๐๐ก๐ฎ๐โ.
Ang kuwento ni Mr. Bonifacio Maglasang ay patunay na sa pamamagitan ng ๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ๐, ๐ ๐๐๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง, ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ข๐๐ฐ๐๐ฅ, posibleng makamit ang mas maayos at masaganang pamumuhay. Isa itong inspirasyon sa marami pang pamilyang nangangarap na makaahon sa kahirapan.
05/02/2026
30/01/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
Nakiisa ang ๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ข๐ง๐๐๐ฅ๐ ๐๐ข๐ฏ๐๐ฅ๐ข๐ก๐จ๐จ๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ (๐๐๐) ๐๐จ๐ญ๐๐๐๐ญ๐จ ๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐ sa makasaysayang pagdiriwang ng ika-75 Founding Anniversary ng ๐๐๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐จ๐ ๐๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ (๐๐๐๐) bilang pagkilala sa pitumpuโt limang taon ng tapat na paglilingkod ng ahensya sa sambayanang Pilipino.
Pinangunahan ang selebrasyon ng mga opisyal at kawani ng DSWD, kasama ang mga katuwang na institusyon at programang patuloy na nagbibigay-suporta sa mga mahihirap at bulnerableng sektor ng lipunan. Lalong naging makabuluhan ang okasyon sa presensya nina ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐๐ฆ๐ฆ๐ฒ๐ฅ๐จ๐ฎ โ๐๐๐ฅ๐โ ๐๐๐ฅ๐ขรฑ๐จ ๐๐๐ง๐๐จ๐ณ๐, ๐๐๐๐, ๐๐ญ ๐๐ข๐๐ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐๐ฅ๐ฅ๐ ๐๐๐ฅ๐ขรฑ๐จ ๐๐๐ซ๐๐ฒ, na parehong nagpaabot ng kanilang suporta at pagkilala sa mahalagang papel ng DSWD sa pagpapaunlad ng lalawigan ng Cotabato.
Ipinakita ng SLP Cotabato Cluster II ang patuloy nitong adhikain na itaguyod ang pangkabuhayang programa, palakasin ang kakayahan ng mga benepisyaryo, at isulong ang inklusibong kaunlaran sa pamamagitan ng mga proyektong nagbibigay ng pangmatagalang hanapbuhay sa mga komunidad.
ipinagdiriwang ang ika-75 Founding Anniversary ng DSWD sa pamamagitan ng isang virtual celebration sa pamumuno ni ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ญ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ซ๐๐ญ๐จ ๐๐ซ ๐๐จ๐ง๐จ๐ฒ ๐๐๐๐๐ฒ๐, ๐๐ง๐ฉ, ๐๐๐, kung saan ang mga kawani ng ahensya ay nanatiling naka-base sa kani-kanilang mga lalawigan. Sa kabila ng pisikal na pagkakahiwalay, naging matagumpay ang pagdiriwang sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya na nagbigay-daan sa sama-samang pagkilala sa mga tagumpay, sakripisyo, at patuloy na serbisyo ng DSWD para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.
26/01/2026
Angel in Red Vest lagi ninyong kaagapay tungo sa pag-unlad ng inyong magandang buhay.
26/01/2026
This is the Official page of SLP President Roxas. All monitoring and implementation will be posted on this page for transparency.
If you have any concern and clarification you may visit our office at the Convergence Office (4P's), Poblacion, President Roxas, Cotabato or contact your Project Development Officer assigned.
๐ฏ๐ฐ๐ณ๐ฐ๐ผ๐ฎ๐๐ถ๐ต ๐บ๐ณ๐ท ๐จ๐บ๐บ๐ถ๐ช๐ฐ๐จ๐ป๐ฐ๐ถ๐ต, ๐ด๐จ๐ณ๐จ๐บ ๐ด๐จ๐ต ๐บ๐จ ๐ญ๐ฐ๐บ๐ฏ๐ท๐ถ๐ต๐ซ ๐ซ๐จ๐ฏ๐ฐ๐ณ ๐บ๐จ ๐ฉ๐จ๐ฏ๐จ ๐จ๐ ๐บ๐พ๐ฌ๐น๐ป๐ฌ ๐ต๐จ๐ด๐จ๐ต ๐บ๐จ ๐บ๐พ๐ฐ๐ต๐ฌ ๐ญ๐จ๐ป๐ป๐ฌ๐ต๐ฐ๐ต๐ฎ
Poblacion, President Roxas โ January 24, 2026
Sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng baha na nakaapekto sa kanilang fishpond project, nananatiling matatag at positibo ang Hiliugyon SLP Association ng Poblacion, President Roxas, matapos magtagumpay ang kanilang swine fattening project sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Sa pamumuno ni ๐๐ซ. ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ ๐๐๐ฅ๐๐๐ฏ๐ข๐, Pangulo ng asosasyon, matagumpay na naisagawa ang ikalawang cycle ng swine fattening matapos ang pormal na turnover ng proyekto noong Oktubre 29, 2025. Ang proyekto ay nagsilbing alternatibong kabuhayan ng mga miyembro matapos ang pagkalugi ng kanilang fishpond dahil sa matinding pagbaha.
Noong Disyembre 2025, nakapagbenta ang asosasyon ng siyam (9) ulo ng baboy, na nagbigay ng karagdagang kita at pag-asa sa mga kasapi. Ayon sa pamunuan, ang tagumpay ng swine fattening ay bunga ng tamang pangangalaga, disiplina ng mga miyembro, at patuloy na paggabay ng SLP.
โ๐ฝ๐๐๐๐ข๐โ๐ฉ ๐จ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐๐ฅ๐ค๐ฃ๐, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐๐ข๐ ๐จ๐ช๐ข๐ช๐ ๐ค. ๐ผ๐ฃ๐ ๐จ๐ฌ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฃ ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐ค๐ฃ ๐ข๐ช๐ก๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐ค๐จ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ,โ pahayag ni Pangulong Baldevia.
Ang karanasan ng Hiliugyon SLP Association ay patunay na sa kabila ng mga hamon at sakuna, ang pagkakaroon ng angkop na kabuhayan, pagtutulungan, at suporta ng pamahalaan ay susi sa patuloy na pagbangon at pagpapatatag ng kabuhayan ng mga komunidad.
Malaki naman ang pasasalamat ng Hiliugyon SLP Association sa DSWD-SLP sa pamumuno ni ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ญ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ซ๐๐ญ๐จ ๐๐ซ. ๐. ๐๐๐๐๐ฒ๐, ๐๐ง๐, ๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐จ๐ญ๐๐๐๐ญ๐จ ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐๐ฆ๐ฆ๐ฒ๐ฅ๐จ๐ฎ โ๐ฅ๐๐ฅ๐โ ๐๐๐ฅ๐ขรฑ๐จ ๐๐๐ง๐๐จ๐ณ๐, ๐๐๐๐ sa walang humpay na pagbibigay ng mapagkaligang serbisyo sa mga mamamayang Cotabateรฑo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Address
President Roxas, Cotabato
President Roxas
9405