BHS Kalubakis

BHS Kalubakis

Share

12/09/2025

Ngayong unang linggo ng Setyembre, ating ipinagdiriwang ang National Epilepsy Awareness Week, alinsunod sa Presidential Proclamation Blg. 230, s. 2002.

Ang epilepsy ay isang kondisyon sa utak na nagdudulot ng paulit-ulit at biglaang seizure o pagbabago sa kilos.

Ano ang Epilepsy?
Ang epilepsy ay isang kondisyon sa utak kung saan may abnormal na aktibidad ng kuryente sa utak na nagdudulot ng paulit-ulit at biglaang seizure.

👉 Mga Sanhi o Panganib:
âš¡ Pinsala sa utak mula sa aksidente o trauma
âš¡ Stroke o impeksyon sa utak (hal. meningitis, encephalitis)
âš¡ Genetic o namamana
âš¡ Mga abnormalidad sa pagbuo ng utak

👉 Iba’t ibang Uri ng Seizure:
🔹 Generalized seizure – sabay na naaapektuhan ang buong utak; maaaring mawalan ng malay, manigas o mangisay
🔹 Focal seizure – nagsisimula sa isang bahagi ng utak; maaaring magdulot ng kakaibang pakiramdam, kilos, o sensasyon

👉 Mga Dapat Tandaan:
✔ Ang taong may epilepsy ay maaaring mamuhay nang normal kung may tamang gamutan at suporta.
✔ Hindi lahat ng nagkaka-seizure ay may epilepsy, kaya mahalaga ang tamang diagnosis mula sa doktor.
✔ May mga gamot na epektibo para makontrol ang seizure.

Kung ang seizure ay lumagpas ng 5 minuto, dalhin agad sa pinakamalapit na ospital.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Polillo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Polillo
4339

Opening Hours

Monday 9am - 4pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm