Polillo Rural Health Unit

Polillo Rural Health Unit

Share

30/05/2026
Photos from Polillo Rural Health Unit's post 29/05/2026

๐—˜๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด & ๐—ฅ๐—ฒ-๐—˜๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐—ป ๐—ก๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ผ๐—น๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ

๐™๐™„๐™‰๐™‚๐™‰๐˜ผ๐™‰ | Sa patuloy na pagsisikap na mapalakas ang kamalayan ng komunidad laban sa mga nakahahawang sakit, matagumpay na isinagawa ang Emerging & Re-Emerging Disease Awareness Campaign na may temang โ€œKalusugan ng Komunidad, Ating Pananagutanโ€ mula Mayo 25 hanggang Mayo 29, 2026 sa mga Barangay Bislian, Canicanian, at Taluong.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa mga sakit na patuloy na banta sa kalusugan ng publiko at ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng mga ito. Tinalakay sa kampanya ang mahahalagang paksa tungkol sa Malaria, Dengue, Tuberculosis (TB), at Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD), kabilang ang mga sintomas, paraan ng pag-iwas, maagang pagpapasuri, at tamang paggamot.

Pinangunahan ang mga talakayan nina Nurse Ryan Jay Pumarada, Midwife Analyn Wasigan, at Nurse Marie Jo April Huerto, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon at sumagot sa mga katanungan ng mga residente upang higit na mapalawak ang kanilang kaalaman sa pangangalaga ng kalusugan.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, higit na napalakas ang kamalayan at pakikilahok ng komunidad sa pagpigil at pagkontrol ng mga emerging at re-emerging diseases. Patuloy na hinihikayat ang bawat mamamayan na maging aktibong katuwang sa pagpapanatili ng isang malusog at ligtas na komunidad.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Polillo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


San Jose Street Barangay Poblacion
Polillo
4339

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm