DMS - Datu Masla

DMS - Datu Masla

Share

17/11/2025

🫡

29/10/2025

Sa BASKETBALL ??? Wala ba ???

COACH HULI MATAPOS GINAPANG UMANO ANG ISANG MENOR DE EDAD NA MANLALARO SA BATANG PINOY

Arestado ang isang coach matapos mahuling nangmolestiya umano ng 17-anyos na lalaki, miyembro ng volleyball team, sa loob mismo ng billeting area ng mga atleta pasado ala-una ng madaling-araw kamakalawa.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek sa alyas “Roger,” 43-anyos, isang g**o at head coach ng women’s volleyball team. Ayon sa salaysay ng biktima, habang mahimbing itong natutulog, bigla umano siyang nilapitan ng coach, hinubaran ng boxer shorts, at ginawan ng kahalayan.

Isang kasamahan ng biktima ang nakasaksi sa insidente at sinubukang pagalitan ang coach, ngunit sa halip na tumigil, ngumiti lamang ito at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Agad na nagsumbong sa pulisya ang biktima matapos ang pangyayari, dahilan upang magsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip ng coach.

Mahaharap ang suspek sa kasong Act of Lasciviousness in relation to RA 7610 o ang batas laban sa pang-aabuso sa mga kabataan.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung may iba pang biktima ang suspek.

CTTO

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Poblacion?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Telephone

Address


Poblacion