Cawayanin Child Development Center

Cawayanin Child Development Center

Share

Photos from Cawayanin Child Development Center's post 26/06/2026

PARENT EFFECTIVENESS SERVICE 2026
Module 1- Session 1 done.βœ…

"Anong Pillar ang pinaka tumatak sa'yo, Nanay/Tatay?"

Snap during Parents Effectiveness Service kanina, June 26, 2026. Pinag-usapan natin ang 5 Pillars of Parenting - mula sa Pagkilala sa Sarili hanggang sa Commitment.

Grabe yung focus niyo habang ginagawa ang Personal Identity Wheel activity! Nakaka-proud makita na seryoso kayo sa pag-aaral kung paano maging mas epektibong magulang para kay anak.

Comment down below: Alin sa 5 Pillars ang #1 goal mo i-improve ngayong taon?
1. Pagkilala sa Sarili
2. Mga Pagpapahalaga ng Pamilya
3. Mga Layunin sa Pagiging Magulang
4. Komunikasyon
5. Commitment

Salamat sa oras, sa pag-share, at sa commitment niyo sa mga bata! Tuloy-tuloy lang tayo sa pag-aaral πŸ’› See you pa po sa mga susunod nating Topic. πŸ˜‡

Photos from Cawayanin Child Development Center's post 08/06/2026

PARENTS ORIENTATION 2026 πŸ“Έ

Isang magandang umaga po sa lahat ng mga Nanay at Tatay na dumalo ngayong araw, June 8, 2026.

Maraming salamat po sa paglalaan ng oras at pagdalo sa Parents Orientation. Alam ko po na busy kayo sa trabaho, sa bahay, at sa pag-aalaga ng pamilya - pero pinili niyo pa rin pumunta para sa mga anak natin.

Sa orientation po natin ngayon, napag-usapan natin ang mga mahahalagang bagay:
ang pag-aalaga sa mga bata, at kung paano tayo magtutulungan - Day Care at Magulang - para sa ikabubuti at ikauunlad ng mga chikiting.

Tandaan po natin: Ang eskwela ay tahanan ng mga bata sa umaga, pero kayo pa rin ang unang g**o nila.
Ang pagtuturo natin ngayon, ang paggabay natin ngayon - yan ang pundasyon ng kinabukasan nila.

Sa ngalan ng buong Day Care Parents, maraming salamat po sa tiwala at suporta.
Hindi kami titigil sa paggabay at pagmamahal sa mga bata. At alam ko po, hindi rin kayo titigil sa pag-aalaga sa kanila.

Sama-sama tayo para sa mga pangarap ng mga bagets.πŸ’›

DAY CARE PARENTS ASSOCIATION S.Y.2026-2027. πŸ˜‡

02/06/2026

Para sa Bulilit, Para sa Kinabukasan ✨❀️

Magandang araw mga magulang ng Cawayanin CDC! πŸ’›

Inaanyayahan po namin kayong lahat sa ating Parents Orientation S.Y. 2026-2027.
Dito po natin pag-uusapan ang plano, activities, at kung paano tayo magtutulungan para sa masaya at ligtas na pagkatuto ng mga anak natin.

Kasi alam naman natin... ang edukasyon, team effort yan!
Kayo ang unang teacher, kami ang katuwang niyo πŸ’ͺ

πŸ“… Kailan: JUNE 8, 2026
⏰ Oras: 9:30 ng Umaga
πŸ“ Saan: Cawayanin Child Development Center

Comment "PUPUNTA AKO" kung sasama ka para ma-count ka namin sa upuanπŸ˜‚
Share niyo na rin sa mga co-parents niyo!

Photos from Cawayanin Child Development Center's post 12/05/2026

PABATID πŸ“’
CALENDAR OF ACTIVITIES S.Y. 2026-2027

Alinsunod sa ECCD Council Advisory No. 2, Series of 2026, ipinababatid po sa lahat ng magulang at tagapag-alaga ang opisyal na talaan ng mga gawain para sa School Year 2026-2027.

Mahahalagang Petsa:
- Parent Orientation: Mayo 11-15, 2026
- Bayanihang Bulilit: Mayo 25-29, 2026
- Simula ng Klase: Hunyo 15, 2026
- Pagtatapos ng Klase: Marso 19, 2027
- Moving-Up Ceremonies: Abril 5-9, 2027

Ang lahat ng pambansa at lokal na holiday ay obserbahan. Ang mga regular na klase ay magpapatuloy sa susunod na araw matapos ang idineklarang walang pasok.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang po kay JAYA S. CONTRERAS, Child Development Worker sa numerong 09935783867

12/05/2026

Hello, MOMMIES AT DADDIES ng Barangay Cawayanin! πŸ‘‹πŸ’•

Ready na ba si bulilit mag-school?
Dito sa Cawayanin Child Development Center, hindi lang laro ang matututunan ni bagets!
Magkakaroon siya ng new friends, matututo sumulat, kumanta, sumayaw, at higit sa lahat, maging independent! πŸ₯Ή

ENROLLMENT IS NOW OPEN!
βœ… Edad: 3-4 taong gulang
βœ… Program: Play-based Learning para sa holistic development ng bata

Katuwang niyo po si Teacher Jaya, sa pag-gabay sa first school journey ni baby.πŸ«‚

Requirements? Simple lang:
πŸ“„ Birth Certificate photocopy
πŸ’‰ Immunization Record photocopy
πŸ“Έ 2x2 pics (3 pcs) at 1x1 pic (1 pc)

Para sa iba pang katanungan, maaari po kayong makipag-ugnayan kay:
JAYA S. CONTRERAS
Child Development Worker
Contact No.: 09935783867
Facebook: Jaya Sampayo-Contreras

Maraming Salamat po at magkita-kita tayo!

Let's Play, Learn, and Grow Together!

02/05/2026

Graduates of S.Y. 2025-2026. ❀️✨

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Pitogo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Cawayanin
Pitogo