SILP YOUTH Ministry
25/03/2026
Maligayang ika-27 anibersaryo ng iyong pagpapari, Fr. Arnold Magboo!
Salamat sa iyong walang sawang paglilingkod, gabay, at pagmamahal sa aming mga kabataan. Ikaw ay tunay na inspirasyon sa amin na magpatuloy sa pananampalataya.
Dalangin namin ang patuloy na lakas, kalusugan, at biyaya ng Diyos sa iyong buhay at misyon.
12/03/2026
✨ Mga Batang SILC, Kayo ay Inaanyayahan! ✨
Halina at makiisa sa isang gabi ng pagmumuni-muni, musika, at paglapit sa Diyos sa ating Lenten Concert–Recollection na may temang:
💛 “Magmahalan Kayo…” (Juan 13:34)
Unang minahal. Handang magmahal.
Sama-sama nating pagnilayan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal na nagmumula sa Diyos habang tayo ay nagkakaisa bilang isang komunidad ng mga kabataan sa pananampalataya.
📅 March 14, 2026 (Saturday)
⏰ 6:30 PM
Inaanyayahan namin ang lahat ng kabataan ng SILC na makiisa, magdala ng kaibigan, at maranasan ang isang gabi ng inspirasyon, pag-asa, at pagmamahal ng Diyos. 🙏✨
06/03/2026
Mapagpalang Araw Batang SILC!🤗
𝐊𝐮𝐦𝐮𝐬𝐭𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐚?
“Ayos lang.”
“Kaya pa naman.”
“Okay lang.”
‘Yong totoo? Kung may bigat man o saya na nasa iyong kalooban, halina at muli kaming samahan sa isa na namang makabuluhang KAMUSTAHAN.🫂✨
🗓️When: MARCH 8 (1:00 pm)
📍Where: San Isidro Labrador Chaplaincy (SILC)
👥Who: All Youths of All Pamayanan
Kabataan, ito ay para ihanda ang inyong sarili sa mga paparating na Youth activities ng ating Simbahan.
Hinihintay ka ni Hesus—na muling buksan ang iyong puso at isipan sa kaniyang natatanging kaharian.
Ano pang hinihintay mo? ARAT NAAA🤗
01/03/2026
Maligayang Kaarawan, Kane!🤗💙
Tunay na ikaw ay isang pagpapala at biyaya sa mga kabataan ng San Isidro Labrador Chaplaincy.
Ang iyong talento at oras ay tunay na mahalaga sa loob ng ministeryo.
Dalangin namin ang patuloy mong paglilingkod at katuparan ng iyong mithiin sa buhay.
Muli, Maligayang Kaarawan, Kane!
23/02/2026
𝐉𝐨𝐡𝐧 3:16
“ For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. ”✝️❤️🩹
Tunay nga na ang pag-ibig ay mula sa Diyos at bilang paggunita sa araw ng mga puso, nakiisa ang buong sambayanan ni San Isidro Labrador sa Valentine’s Day celebration.
Sa mumunting pagbati ay tunay na kita ang tuwa at ngiti sa mga labi.
Nawa, patuloy nating ipadama ang pagmamahal sa iba, gaya ng pagmamahal ng Diyos sa tanan.
Muli, mula sa sambayanan ni San Isidro Labrador, Maligayang Araw ng mga Puso!🤗🫶
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Nabuslot, Oriental Mindoro
Pinamalayan
5208