YoungGar
October 27, 2024
It's Sunday Thank you God for the Gift of Life.
Thank you for keeping my family safe and healthy always.
𝓐𝓶𝓮𝓷!
08/10/2024
napakarami kong pangarap na nais abutin. noong bata ako, ang tanong na “ano ang gusto mong maging?” ang pinakaayaw kong sagutin. sa t'wing ibinabato kasi sa’kin ang tanong na iyan, nalilito ang aking musmos na isipan. paano kasi, gusto kong maging beterenaryo, manunulat, mang-aawit, doktor, abugado, at kung ano-ano pa man.
pero ngayong tumanda na ako, marami nang nagbago sa akin. kumupas ang inakala nilang taglay kong galing. napundi ang dati kong kinang, at ang nag-aalab kong potensiyal sa maraming bagay, nakuha ring namatay. hindi ko na alam.
pero sa kabila ng napakaraming pagbabago, may nanatili pa rin naman. dahil hanggang ngayon, ang tanong na “ano ang gusto mong maging?” pa rin ang pinakaayaw kong sagutin. ka*o ngayon, dahil wala na akong alam na sabihin. hindi ko kasi alam kung saan ako magaling. hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong marating.
parang nilalaro-laro na lang natin mga pagsubok natin sa buhay, ano? parang wala na lang sa atin. pero ang totoo pasimple rin natin itong iniiyakan kapag walang nakakita. kapag tayo na lang mag-isa, saka tayo inuulan ng pagdududa. nangangamba tayo sa mga susunod na umaga—kung kakayanin pa ba. ginagambala rin tayo ng mga pagkukulang natin, kasama ng mga sinayang nating tiyansa.
mukha lang madali sa atin ang lahat kasi magaling tayong magdala. ginagawa nating komedya ang ating trahedya. wala naman ding problema. pero sana, dumating ang araw at maging tunay rin ang iyong mga tawa. gusto kong makita kang nakangiti pati ang iyong mga mata.
08/10/2024
hindi na ako nanabik sa t’wing sasapit ang aking kaarawan. marami na kasing bagay ang nagbago. sa bahay, parang bisita na lang ako. halos hindi na nga ako makilala ng aming a*o. sa paaralan, iyon—bilanggo pa rin ng mga numero. pinarurusahan ko pa rin ang aking sarili sa t’wing nakakukuha ako ng mababang grado. sa mga kaibigan, bibihira na rin lang kaming magkita. parang unti-unti na nga lang kaming nagiging magkakilala. sa buhay ko naman, hindi ko na alam—huwag na lang natin pag-usapan. ah basta, hindi na ako natutuwa sa aking karawan.
kasi, alam kong hindi lang edad ko ang nagbabago, kung hindi lahat ng mga bagay na paligid ko. habang tumatanda, mas lumulungkot para sa akin ang mundo.
Stop, Overthinking my loyalty is always yours!🫶🏻❤️
Kung negative yung sinasabi nila gawin mong inspirasyun yun.
Wala tong inggit sa katawan puro pagmamahal lamang🙌🏻🫶🏻
Salamat at nandito pa buhay at malakas. Patuloy umuusad kahit minsan tag-malas.🫂
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Hulo Pilillia Rizal
Pililla