Team Forward Bagumbayan
27/10/2023
Katuwang ng Team Forward Bagumbayan na magpapatuloy sa pagbibigay ng Dekalidad, Mahusay at Tapat na Serbisyo sa ating Barangay.
Suportahan natin at ihalal!
Team Trixie Mae Masinsin sa pangunguna ng kanilang magiging SK Chairwoman Ma. Trixie Mae Alcantara Masinsin at mga SK Kagawad.
Sama sama nating bigyan ng pagtitiwala!
Itutuloy ang MASINSINang Paglilingkod para sa kabataan ng Barangay Bagumbayan!
Team TrixieMaeMasinsin💜
Team ForwardBagumbayan💙
27/10/2023
Angelita "Lita" Sioson Pillas
7️⃣ Pang pito at kukumpleto sa mga Bagong Kagawad mula Team ForwardBagumbayan💙
Ang nag iisang rosas sa hanay ng mga Kagawad ng Team Forward Bagumbayan, aktibo at masipag na Barangay Health Worker, huwarang ina at ngayon ay kakatawan at magiging sandigan ng mga kakabaihan sa ating Barangay.
Isa sa bago at wala pang karanasan sa panunungkulan, ngunit hindi ito dahilan para mapigil ang pagnanais na makapag lingkod sa ating Barangay, subok ang abilidad at tibay ng loob, naninindigan para sa kababaihan, kabataan at Pamilya.
Kagawad Lita Pillas, ang Kagawad na manunungkulan at magtataguyod sa komite ng Serbisyong Panlipunan, Pangkalusugan at Nutrisyon at magiging kasangga at ipaglalaban ang karapatan ng Pamilya at Kababaihan.
Sapagkat kay Kagawad Lita Pillas, sa malusog na pamilya nagsisimula ang pag unlad, mahalaga na alam at may kaalaman kung paano ito mapoprotektahan.
Hangad ko na maging boses ng kakabaihan sa ating Barangay, kaisa sa pagtataguyod ng kanilang karapatan, makakaasa sa serbisyo ng isang Tunay at Tapat na Public Servant.
Kaya't ating suportahan at bigyan ng pagtitiwala!
Ihalal.. Lita Pillas!
handang iukol ang sarili sa maayos, matapat at mahusay na paglilingkod💙
Team ForwardBagumbayan - Maglilingkod ng Tapat at buong Husay para sa Barangay.
22/10/2023
May bago sa Barangay Bagumbayan!
Narito ang mga Bagong Kagawad na bumubuo sa Team Forward Bagumbayan na handang baguhin at mas itaas pa ang antas ng paglilingkuran upang mas mapaunlad at mas maramdaman ng tao ang serbisyo ng isang tunay na Public Servant.
Sama sama nating pagkatiwalaan at bigyan ng pagkakataon na mahalal sa ating minamahal na Barangay Bagumbayan.
Sa mga Bagong Kagawad ng Team Forward Bagumbayan, makakaasa tayo ng pag asa at paglilingkuran na nararapat na ibinibigay sa mga kabarangay!
Ihalal natin sila!
Kagawad Rolland Velasco
Kagawad Bato Ramos
Kagawad Franz Patrick De Guzman
Kagawad Lita Pillas
Kagawad Edgar Gabiana
Kagawad Noli Delos Santos
Kagawad Loven Ramos
Kaisa natin sila sa pag angat at pagsusulong ng mas maunlad na Barangay Bagumbayan!
"Maglilingkod ng Tapat at buong Husay para sa Barangay" - Team ForwardBagumbayan💙
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Barangay Bagumbayan
Pililla
1910