Qwertyu
09/05/2026
𝟕 𝐏𝐈𝐍𝐎𝐘 𝐒𝐄𝐀𝐅𝐀𝐑𝐄𝐑𝐒 𝐍𝐀 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐓𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐑𝐀𝐍𝐈𝐀𝐍 𝐃𝐑𝐎𝐍𝐄 𝐀𝐓𝐓𝐀𝐂𝐊, 𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐍𝐀 𝐈𝐍𝐎𝐎𝐁𝐒𝐄𝐑𝐁𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍!
May 8, 2026 — Labis na ikinabahala ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Sen. Raffy Tulfo ang iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na pitong Pinoy seafarers ang nasugatan matapos ang isang Iranian drone attack sa Maltese-flagged container ship na MV CMA CGM San Antonio habang naglalayag sa Strait of Hormuz noong Martes.
Kaya agad na nakipag-ugnayan si Sen. Raffy sa DMW sa pamamagitan ni Assistant Secretary for Sea-based Services Jerome Pampolina upang kumuha ng pinakasariwang updates ukol sa kalagayan ng ating mga seafarers, gayundin ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para sa kanila.
Ayon kay Asec. Pampolina, matapos ang drone strike ay napadpad sa Omani waters ang barko kung saan ineskortan ito ng mga tug-boats papunta sa ligtas na lugar, at dinala agad ng helicopter ang mga crew kabilang ang ating pitong kababayan sa Khasab Government Hospital sa Oman para mabigyan ng kaukulang medical attention.
Bagamat walang nasawi, tatlong Filipino seafarers ang nagtamo ng severe injuries at kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) at mahigpit na minomonitor ang kalagayan habang apat naman ang nagtamo ng minor injuries at sumasailalim pa sa medical observation.
Dagdag ni Pampolina, agad nagsagawa ng virtual coordination meeting ang DMW Central Office kasama ang ating Migrant Workers Office (MWO) sa Oman, kanilang Licensed Manning Agency (LMA) na Albireo Maritime People and Performance Inc. at ng mga pamilya ng mga marinong Pinoy kung saan natalakay na may risk assessment na umanong nagawa bago pa maglayag ang barko sa Strait of Hormuz at may mga kasamahan na rin silang Pinoy na ginamit ang kanilang right to refuse sailing at narepatriate bago pa mangyari ang insidente.
Bilang Principal Author ng Magna Carta of Filipino Seafarers, nangako si Sen. Tulfo na maghahain agad siya ng Senate Resolution in aid of legislation para makapagsagawa agad siya ng pagdinig sa Senado sa mga susunod na araw nang sa gayon ay mapag-usapan ang implementasyon ng naturang batas, kung anong klaseng monitoring ang ginagawa ng ating mga ahensiya, at importante sa lahat, alamin ang kalagayan at mga hinaing ng lahat ng Pinoy seafarers sa mundo, upang laging matiyak ang kanilang kaligtasan.
Kasabay nito ay nangako rin si Sen. Raffy na patuloy niyang tututukan ang kalagayan ng pitong marino at bukas din ang kanyang tanggapan sa anumang tulong ang kailanganin nila at ng kanilang pamilya.
Hinimok din ni Sen. Tulfo, bilang Chairman ng Migrant Workers Committee, ang lahat ng kinauukulang ahensya, lalong-lalo na ang DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na ihanda at ibigay sa lalong madaling panahon ang lahat ng karampatang tulong sa mga pamilya ng seafarers at maging handa sa pag-repatriate sa kanila kung itoy kanilang naisin matapos nilang maka-recover.
27/04/2026
25/04/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Sampaguita Baybayin Los Sur Brgy 678
Pili
4578