Pilar Rural High School-Supreme Student Government

Pilar Rural High School-Supreme Student Government

Share

15/09/2021

Batay sa huling datos ng enrollment ngayong araw, Setyembre 15, 2021, 2:00 AM, umabot na sa kabuuang bilang na 26,308,875 ang mga nakapagpatalang mag-aaral na papasok sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region 4-A (3,440,205), na sinusundan ng Region 3 (2,579,984), at NCR (2,415,663).

May kabuuang bilang na 20,029,767 na mag-aaral ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan; 1,668,489 sa mga pribadong paaralan; 53,292 sa SUCs/LUCs; at 4,557,327 naman sa ginanap na early registration.

Atin na ring nahigitan ang 100% na enrollment mula sa nakaraang taong-panuruan at inaasahan pang tumaas ang bilang ngayong taon para sa mga late enrollees.

Ang enrollment ay magpapatuloy hanggang Setyembre 30, 2021.

12/09/2021

OBE 2021: Bayanihan para sa Ligtas na Balik-Eskwela! 💪🇵🇭

Tunghayan ang National School Opening Day Program para sa SY 2021-2022 ngayong Lunes, Setyembre 13, 7:30 AM sa opisyal na page ng DepEd Philippines at sa lahat ng DepEd regional pages.

Makakasama natin sa programa sina DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones upang pormal na ideklara ang pagbubukas ng klase, at Presidente Rodrigo Roa Duterte upang magbigay ng kanyang mensahe.

Kitakits sa Lunes para sa panibagong simula ng isang yugto ng paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa lahat ng Pilipinong mag-aaral!

[I-click ang larawan para sa buong programa]

Want your school to be the top-listed School/college in Pilar?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Poblacion, Abra
Pilar
2812

Opening Hours

Monday 7:30am - 5pm
Tuesday 7:30am - 5pm
Wednesday 7:30am - 5pm
Thursday 7:30am - 5pm
Friday 7:30am - 5pm