2nd CD Cluster Pavia NHS
04/07/2015
Pangarap na Nagkatotoo
Ni: Iznaira Danice Tanes
====================
Munting pangarap para sa iba, kahulugan naman nito’y tagumpay sa isang batang mamamahayag.
Isang batang lalake ang nag-aasam magtagumpay at abutin ang kanyang pangarap. Isang pangarap na minamaliit ng taong mapanghusga. Sa layuning mapagtagumpayan ang kanyang pangarap, determinado at buo ang kanyang puso upang harapin ang balakid na nakaakibat sa pag-tupad nito. Siya si Victor Philip Humadas na isang simple at mapagkumbabang mag-aaral. Hindi inaakala ni Victor na ang magandang pangyayari sa buhay niya ay hudyat ng PAGBABAGO!
Hulyo 4 ay nagsagawa ng Division Cluster Training in Journalism sa Pavia National High School. Naroon ang mga natatanging personalidad sa larangan ng pamamahayag upang ibahagi ang kanilang kaalaman sa humigit-kumulang 2,000 manlalahok na nanggaling sa iba’t-ibang bayan ng ikalawang distrito ng Iloilo.
Isa si Victor sa nakilahok sa programa at nanggaling sa paaralan ng Pavia National High School. Matagal na nang pinapangarap ni Victor ang makasali sa Division Cluster Training at maging isang batang mamamahayag. Nasa Grade 10 na si Victor ngunit ngayon pa lamang siya nakasali sa programa dahil sa takot na husgahan ng mga taong laging nagmamaliit sa kaniyang pagkatao.
Hinarap ni Victor ang kanyang takot. Nilakasan ni Victor ang kanyang loob at nagbingibingihan sa mga puna ng kanyang mga kaibigan at ng ibang tao.
Tinawanan siya ng mga kakilala niya nang nalaman na siya ay sasali. Subalit, pinagtanggol si Victor ng isang g**o na mas lalong nagpalakas ng kanyang loob.
Nasiyahan si Victor sa araw ng programa. Nakinig si Victor nang mabuti at bakas sa kanyang mukha ang kagalakan. “Nagpapasalamat ako dahil my journalism training na naganap, nabigyan ako ng oportunidad para ipakita sa ibang tao na may talento rin ako kagaya nila,”masayang-masayang sinabi ni Victor.
Naramdam ni Victor ang pagbabago sa kanyang pagkatao na natupad na ang kaniyang inaasam-asam na pangarap. “Itong programa ang nagbigay daan upang mapa-unlad ang aking talento at nagbigay sa akin ng oportunidad upang ipakita ang aking kakayahan”, dagdag pa niya ng may kagalakan.
Hindi importante kung ano ka sa tingin ng iba upang maging matagumpay. Ang pagiging isang batang mamamahayag ay walang pinipiling personalidad, dahil ang pagiging batang mamamahayag ay may natatanging puso upang ipahayag ang nararapat na impormasyon para imulat ang ating lipunan sa katotohanan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Evangelista Street
Pavia
5001