Angat Pateros
31/08/2025
🌸 SINE-ISTORYA sa BARANGAY SAN ROQUE 🌸
Ang paghubog sa kabataan ay hakbang patungo sa magandang kinabukasan.
Muling ginanap ang Sine-Istorya ng Angat Pateros sa munting barangay ng San Roque, Pateros kaagapay ang mga opisyal ng Barangay San Roque at ng Sangguniang Kabataan San Roque.
Sa linggong ito, nagbahagi ng magandang kwento patungkol sa pagkakaibigan, pagiging matapat, at pagiging matapang sa pagharap ng mga pagkakamali. Kasama nito ang munting pagsasalu-salo at kaunting kasiyahan para sa mga kabataan ng San Roque.
Hindi rito nagtatapos ang Sine-Istorya ng Angat Pateros. Abangan ang susunod naming pagbisita! 👋🏼🩷
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Pateros