BTS Planet

BTS Planet

Share

13/06/2026

πŸ“’ LAST SHIPOUT FOR TODAY

Magkakaroon po muna tayo ng last shipout today. Wala na pong Lalamove muna sa ngayon.

Pasensya na po sa abala, pero kailangan ko po munang umuwi sa province dahil pumanaw ang tatay namin. Sana po ay maunawaan ninyo ang sitwasyon.

Sa mga may orders, don’t worry po, lahat ng parcels ay maasikaso at maipapadala pa rin. Expected delivery pa naman ay sa 28, kaya baka nakabalik na rin po ako by that time.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pasensya. πŸ’›

Sa mga may mga taong kung may oras po ako sasagutin ko pero sa ngayon please po kailangan ko nag pag unawa niyo maraming salamat po

12/06/2026

Matagal ko nang naririnig ang BTS, siguro pa noong 2018 pa. Pero hindi ko pa sila lubusang kilala noon.

Dumating ang panahon na sobrang gulo ng buhay ko. Ako yung taong pinangakuang pakakasalan. Isang taon pa lang ako noon sa Maynila nang mangyari ang hindi ko inaasahan.

Tandang-tanda ko pa ang December 31, 2020. Nabalitaan kong may kasama siyang iba. May nakakita sa kanila at tinanong kung break na kami. Ang sagot niya, β€œYes.”

Pero ang totoo? Hindi naman kami naghiwalay.

Napansin ko na noon na unti-unting nagbago siya. Mula sa araw-araw na pagme-message, naging paminsan-minsan na lang. Inisip ko na lang na baka busy dahil nagtatrabaho siya.

Umuwi ako para itanong kung totoo ang lahat. Ang dami kong gustong sabihin at itanong, pero nang magkaharap na kami, bigla na lang nabura lahat sa isip ko. Doon ko napagtanto na hindi ko pala kayang harapin ang taong nanakit sa akin nang ganoon kasakit.

Hanggang ngayon, wala pa rin kaming naging totoong pag-uusap tungkol doon. Sa tuwing susubukan kong harapin ang nakaraan, laging may nangyayaring dahilan para hindi matuloy.

At sa panahong iyon ko nakilala nang lubusan ang BTS.

Noong pakiramdam ko ay nawawala ako, noong hindi ko alam kung paano magsisimulang muli, may isang linyang tumatak sa akin:

β€œI’m lost, can I come over?”

Parang ako iyon.

At habang unti-unti kong pinakikinggan ang kanilang musika, para bang may humawak sa akin sa mga panahong hindi ko na alam kung paano tatayo ulit.

Kaya kapag may nagtatanong kung paano ako naging ARMY, ito ang sagot ko.

Hindi lang dahil sa musika.

Kundi dahil noong panahong nawawala ako, natagpuan ko ang BTS. πŸ’œ

Ikaw pano ka maging Army?

Photos from BTS Planet's post 12/06/2026

BTS v OREO pre order

300g

β‚±799 50%Dp
β‚±699 Payo (Pay as your order)

Payments Options:
πŸ’΅ G-Cash

Shipping Couriers:
πŸš– J&T Every (Sunday Only)
πŸ›΅ SDD (Any Day)

Location:
πŸ“ Pasig City

‼️ PLEASE READ BEFORE ORDERING ‼️

πŸ“Œ PRE-ORDER POLICY
Strictly no cancellation once order is confirmed. No refund unless item becomes unavailable.

πŸ’³ PAYMENT TERMS
Full payment required upon order para secured agad ang slot and mas mabilis ang processing.

Ctto

Want your business to be the top-listed Clothing Store in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Pasig