NeroDaze

NeroDaze

Share

04/11/2021

There'll be a time when reload will not be an option.

01/12/2019

Patawad, pero aalis na muna ako. Hindi ko maipapangako ang eksaktong araw ng aking pagbalik, o kung babalik pa ako. Marahil ay oo, baka magbago ang isip ko. Maaaring bumalik ako, pero hindi ko maipapangakong para sa iyo.

Hindi kita masisisi kung ikaw ay mangangamba na baka piliin kong bumalik para sa iba sa halip na manatili sa iyo. Patawad kung hindi ako naging sapat. Patawad kung hindi ko naramdaman ang halaga ko sa'yo kaya kinailangan kong umalis. Baka nga ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Masyado kong sinanay ang aking sarili sa mga away na iyong sinisimulan araw-araw. Oo, natatakot akong dumating ang araw na ito, pero nandito na tayo.

Huwag na nating pahirapan pa ang ating mga sarili. Hindi lahat ng nagmamahal ay nananatili. Dahil ang mga totoong umiibig ay marunong magparaya. Marunong yumakap sa sakit, makipaglaplapan sa kirot hanggang sa magmanhid na ang kanilang mga labi. Hindi ako lumayo para sumuko, dahil lumayo ako para maging lubusan kang masaya. Mahal kita, pero paalam na muna.

18/05/2019

Wala na tayong panahon para unawain ang damdamin ng isa't-isa
Ni hindi na natin mabigyang pansin ang pag-ibig na dahan-dahang nawawala
Baka nga sadyang dapat na nating tanggapin
Na kung anuman ang ating nasimulan ay kailangan na nating tapusin

Want your business to be the top-listed Media Company in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Pasig