Oranbo Security Force
15/02/2026
Anti-Drug Operation | February 14, 2026
Na-aktuhan ng ating BSF personnel ang isang lalaki na gumagamit ng ilegal na droga sa Sto. Niño street extension.
Nahulihan ang lalaki ng paraphernalia na may lamang Ma*****na. Agad na ni-report at dinala ng BSF sa PNP Sub-station 1 ang lalaki. Ang tatlong kasama naman nito ay binigyan ng OVR dahil sa anti-smoking violation.
Maraming salamat at good job sa ating BSF personnel (Team Charlie) sa maagap na aksyon at sa PNP Sub-station 1 upang mai-proseso ang arresting nito.
11/02/2026
Tuloy-tuloy ang ating Oranbo BSF sa pagpapatupad ng City Ordinance No. 18-2018 na nagbabawal ng paninigarilyo sa pampublikong lugar.
Sa kasalukuyan, walang official designated smoking areas ang ating barangay at ayon sa City Environment and Natural Resources Office o CENRO, hindi pwedeng mag-designate ang barangay ng DSAs para sa publiko alinsunod sa direktiba ng lokal at nasyonal na ahensya.
Kaya't inaabisuhan ang mga nagbebenta at mga naninigarilyo na maging responsable at sumunod sa itinakda ng mga batas para maiwasan ang abala.
30/12/2025
BASAHIN: List of Prohibited Firecrackers and Designated Firecraker Zone
Narito ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok na inilabas ng Pasig PIO ayon sa PNP.
Kasama naman ang Oranbo Drive (mula Barangay Hall hanggang Capt. Henry Javier) bilang "firecracker and pyrotechnic zone". Ibig sabihin, sa lugar na ito lamang pwedeng magsagawa ng pailaw o paputok na pwedeng gamitin ng publiko.
Pinaaalahan ang lahat, lalo na ang mga kabataan, na sumunod sa mga patakarang itinakda ng lungsod upang maiwasan ang disgrasya o sakuna.
Nawa'y maging ligtas at masaya ang pagsalubong natin sa darating na bagong taon.
17/12/2025
Paalala po sa ating mga ka-barangay at sa mga madalas na mag-abang ng sasakyan sa Capitol Commons - Shaw Blvd. area:
Laganap na naman ang mga grupo na namamalimos sa kalsada. Kaya naman ang payo namin, mag-ingat at gawin ang mga sumusunod:
• Huwag magbibigay ng kahit anong limos.
• Kung kayo ay naka-sasakyan, i-lock ang inyong mga bintana at pinto. May mga insidente na namamato sila ng mga sasakyan kapag hindi sila binibigyan kaya't pag-isipan ng mabuti ang gagawin.
• Ingatan ang mga dalang gamit at itago ang mga mahahalagang bagay, lalo na sa mga nasa open space at Jeepneys.
• Maging mapag-matyag at alerto sa paligid. Ang ilan sa kanila, may posibilidad na manakit kaya't maging maingat.
Nakatutok ang Oranbo BSF sa mga areas na ito at patuloy ang koordinasyon nito sa Peace and Order Department ng Pasig City upang makatuwang sa pagpapa-alis ng mga ito at matiyak ang seguridad sa ating lugar.
Kung may mga insidenteng may kaugnayan sa kanila, magtungo sa Oranbo Barangay Hall o tumawag sa numerong 8-631-0254.
11/12/2025
Oranbo BSF in Action | December 1 - 10, 2025
Patrol posting and roving within Oranbo A.O.R:
• Capitol Commons
• Shaw Boulevard
• Nice Hotel
• PhilSports Arena
• Oranbo Elem. School
• Hillcrest Circle
• Oranbo Drive
Conducted by all 3 BSF teams lead by Ex-O Vic Pereda, Team Leaders Daniel Corsino, Brett Nathaniel Formilleza Otis and Raquel Tala under the supervision of Kgd. Paulo Tumlos, and leadership of Brgy. Captain Richard Pua.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Oranbo Barangay Hall, Oranbo
Pasig
1600