TAO MSMPC

TAO MSMPC

Share

17/06/2026

Magandang araw, mga Ka-May-ari!

Kung kayo ay mayroong reklamo, katanungan, o kahilingan, maaari na po itong isumite sa pamamagitan ng ating Google Form. Makakatulong ito upang maayos na maitala at mas mabilis naming matugunan ang inyong mga concern.

Mangyaring sagutan ang form sa pamamagitan ng pag scan ng QR.

Ang inyong mga isinumiteng reklamo, katanungan, o kahilingan ay susuriin at sasagutin ng aming Consumer Assistance Team (CAT) Personnel sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta sa ating kooperatiba

15/06/2026

Good day, mga Kamay-Ari! โ˜€๏ธ
Palakasin natin ang samahan, isang imbitasyon sa bawat isa! ๐Ÿ’š

Sa One Member, One Recruit Program, bawat kasapi ay may pagkakataong makatulong sa paglago ng ating kooperatiba, simple lang, mag-imbita ng bagong miyembro at sabay-sabay tayong aangat.

Tandaan: May katumbas itong 20 points sa inyong Social Participation! ๐Ÿ˜‰ Kaya tara na, mag-recruit na at palaguin ang ating komunidad! ๐ŸŒฑ

Photos from TAO MSMPC's post 15/06/2026

๐Ÿ“ขICYMI: Noong June 13, 2026, matagumpay na isinagawa ang Pre-Membership Education Seminar (PMES) ng TAO MSMPC para sa Kapwa Ko Tulungan (KKT) Organization sa Brgy. Muzon, Taytay, Rizal.

Ang seminar ay pinangunahan ni GM Marina Padayao bilang tagapagsalita, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa pagiging bahagi ng isang kooperatiba, kahalagahan ng pagtutulungan, at responsableng pagiging miyembro nito. ๐Ÿค

Maraming salamat sa lahat ng dumalo! ๐Ÿ’š

Photos from TAO MSMPC's post 15/06/2026

ICYMI | Strengthening Our Membersโ€™ Businesses Through BCP Seminar!

Noong June 11, 2026, nagkaroon ng Business Continuity Plan (BCP) Seminar sa TAO MSMPC na handog ng Pasig City Local Economic Development and Investment Office. ๐Ÿ’ผ๐Ÿ“ˆ

Nagbahagi ng kanyang kaalaman at expertise si Ms. Allysa Anne M. De Guzman mula sa University of the Philippines Institute for Small-Scale Industries (UP ISSI), na nagbigay ng mahahalagang insights at praktikal na kaalaman para sa ating mga aspiring at existing entrepreneurs.

Layunin ng seminar na ito na tulungan ang ating mga miyembro na mas maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Business Continuity Plan โ€” isang gabay upang maging mas handa, matatag, at patuloy na mapaunlad ang kanilang negosyo kahit sa harap ng ibaโ€™t ibang hamon. ๐Ÿ’ช

Dinaluhan rin ito ng ating mga aktibong miyembro ng kooperatiba na may sariling negosyo at mga miyembrong nais magsimula ng kanilang entrepreneurial journey.

Maraming salamat sa Pasig City Local Economic Development and Investment Office at kay Ms. De Guzman sa inyong suporta at pagbabahagi ng kaalaman! โค๏ธ

Patuloy tayong magsikap, matuto, at magtulungan para sa mas matatag na kinabukasan ng ating mga negosyo at komunidad! ๐Ÿค

Want your business to be the top-listed Grocery Store in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


2nd Floor TAO MSMPC Bldg. 11-A F. Manalo Street Sto Tomas, Pasig City
Pasig
1600

Opening Hours

Monday 8am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 6pm