Zentra

Zentra

Share

10/07/2026

🚨 TOP 3 THINGS TO CHECK PARA HINDI MABIKTIMA NG SCAM, “SCAMPANIES,” O ILLEGAL INVESTMENT SCHEMES SA PILIPINAS!

Hindi porket malaki ang kita, maraming members, at maganda ang presentation ay legitimate na agad. Bago maglabas ng pera, gawin ang tatlong ito:

1️⃣ Mag-ingat sa sobrang taas at guaranteed na returns.
Kung nangangako ng 50%–75% income yield o mabilisang balik ng puhunan na halos walang risk, malaking red flag ito. Walang legitimate investment ang makakapag-garantiya ng napakataas na returns nang walang kaakibat na risk.

2️⃣ Alamin kung may totoong produkto o serbisyo.
Kung ang pangunahing pinagkukunan ng pera ay recruitment at pagpasok ng bagong capital, pero walang genuine product, service, o sustainable business activity, magduda ka.

3️⃣ ALWAYS DO YOUR DUE DILIGENCE.
I-check kung SEC-registered ang kumpanya at kung may kinakailangang authority o permit para mag-solicit ng investments.

Tandaan: Hindi sapat ang hype, testimonials, screenshots ng earnings, at lifestyle flex. VERIFY BEFORE YOU TRUST. RESEARCH BEFORE YOU INVEST.

I-share ito. Baka makatulong kang makapagligtas ng isang tao mula sa scam.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


ORTIGAS BUSINESS CENTER
Pasig
1600