Pasig CSWDO

Pasig CSWDO

Share

Photos from Pasig City Public Information Office's post 25/02/2026

๐”๐ ๐ง๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ข๐  ๐š๐ญ ๐“๐š๐ก๐š๐ง๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ, ๐Œ๐š๐ฌ ๐๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐›๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐š ๐š๐ญ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐ข๐ ๐ฎ๐ž๐งฬƒ๐จ

Ginanap ang awarding ng Certificate of Recognition para sa Tahanan ng Pagmamahal Childrenโ€™s Home Inc.โ€” isang Pasig-based non-government organization (NGO) na nagbibigay ng pansamantalang tirahan, pangunahing pangangailangan, at karagdagang case management para sa mga children at risk at children in need of special protection sa Lungsod ng Pasigโ€” kahapon, February 23, 2026, bilang parte ng programa ng flag-raising ceremony sa Temporary Pasig City Hall.

Ang pagkilalang ito ay bunga ng isinagawang certification assessment ng National Authority for Child Care sa pamamagitan ng Regional Alternative Child Care Officeโ€“NCR (NACC RACCO NCR) noong November 17, 2025, kung saan nakamit ng institusyon ang 92.77% compliance rating.

Dahil dito, pormal itong nabigyan ng Full Certification at Certificate of Recognition na may bisa sa loob ng tatlong taon. Nagpapatunay ito ng tuloy-tuloy at mataas na antas ng pangangalaga at serbisyong ibinibigay nito sa mga batang nangangailangan ng adoption at alternative child care.

Pinangunahan ang awarding ni Ms. Maria Charisma Cid, Division Chief ng Standards, Accreditation and Monitoring Division ng NACC, kasama sina Mayor Vico Sotto, Vice Mayor Dodot Jaworski, at mga miyembro ng ika-12 Sangguniang Panlungsod, na tinanggap ni Ms. Ernila Valdez, Director ng Tahanan ng Pagmamahal.

Sa maikling seremonya, binigyang-diin nito ang naging papel ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa patuloy na operasyon at pag-unlad ng nasabing NGO. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Lungsod, na pinagtibay ng bisa ng Pasig City Resolution No. 86-11, s. 2024, aktibong tinutulungan ng lungsod ang Tahanan ng Pagmamahal sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (Pasig CSWDO).

Dito, ang mga kliyente mula sa Kanlungan ng Pasig ay nire-refer sa institusyon, kalakip ang pinansyal na tulong na PHP 300.00 kada bata bawat araw habang nasa kustodiya ng NGO. Tinatayang halos 50% ng mga batang nasa pangangalaga ng Tahanan ng Pagmamahal ay mula sa mga referral ng CSWDO.

Ang Certificate of Recognition ay isang mahalagang milestone para sa Tahanan ng Pagmamahal, hindi lamang bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa kapakanan at proteksyon ng bawat batang Pilipino, kundi bilang patunay rin ng matatag na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa adbokasiya para sa adoption at alternative child care.

Sa patuloy na ugnayan ng lokal na pamahalaan at civil society organizations tulad ng Tahanan ng Pagmamahal, mas pinag-iigting ang sama-samang layunin na mabigyan ng ligtas, mapag-aruga, at mapagmahal na tahanan ang bawat batang nangangailangan.

Photos from Pasig City Public Information Office's post 23/01/2026

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐๐€๐–๐€๐†๐€๐ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐’๐ˆ๐† ๐‚๐ˆ๐“๐˜ ๐’๐Ž๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐–๐„๐‹๐…๐€๐‘๐„ ๐€๐๐ƒ ๐ƒ๐„๐•๐„๐‹๐Ž๐๐Œ๐„๐๐“ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„

Kung mayroong nakakakilala sa mga indibidwal na nasa panawagan o anumang impormasyon patungkol sa kanila, inaanyayahan po kayong makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office (Pasig CSWDO) upang makatulong sa kanilang ligtas na pagbabalik sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.

Maaaring magtungo sa tanggapan ng CSWDO sa Bahay Aruga, Caruncho Ave., Brgy. San Nicolas, Pasig City at hanapin ang nakatalagang social worker.

Kung kayo po ay may anumang impormasyon na maaaring makatulong, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa CSWDO sa mga numerong 09205629364 o 09604586814. Maaari rin pong magpadala ng e-mail sa [email protected] o [email protected].

Sa pamamagitan ng simpleng pagbabahagi ng impormasyong ito, maaaring maging bahagi ng muling pagtatagpo ng mga indibidwal at ng kanilang pamilya.

Maraming salamat po sa inyong malasakit at pakikiisa.

Photos from Pasig City Public Information Office's post 04/12/2025

๐๐€๐†๐“๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐๐† ๐’๐„๐‹๐„๐๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ‘๐Ÿ‘ ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐‚๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ๐‘๐„๐โ€™๐’ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡, ๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐๐€๐Ž๐’ ๐’๐€ ๐‹๐”๐๐†๐’๐Ž๐ƒ ๐๐† ๐๐€๐’๐ˆ๐†

Matagumpay na nagtapos ang ika-33 National Childrenโ€™s Month sa Lungsod ng Pasig sa pamamagitan ng State of the Childrenโ€™s Address (SoChA) at Childrenโ€™s Summit na isinagawa noong Biyernes, November 28, 2025, sa Kapitolyo Amphitheater, Brgy. Kapitolyo, Pasig City.

Umikot ang isang buwan na selebrasyon ngayong taon sa temang โ€œOSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!โ€ Ito ay isang panawagan upang wakasan ang online at offline na karahasan laban sa mga bata at tiyakin ang kanilang kaligtasan at karapatan.

Sa buong buwan ng Nobyembre, naghanda ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng Pasig City Social Welfare and Development Office (Pasig CSWDO), ng mga programang naka-angkla sa nasabing tema.

Bilang pagtatapos ng selebrasyon, ang culminating activity na dinaluhan ng mga kabataang Pasigueรฑo, kasama ang kanilang mga magulang, guardian, at ilang g**o, ay nahati sa dalawang bahagi. Una rito ang SoChA, na sinimulan sa pamamagitan ng pagbigkas ng Panatang Makabata na pinangunahan ni Councilor Angelu De Leon, Chairperson of the Committee on Children's Welfare, Family Empowerment, and Spiritual Affairs.

Highlight ng unang bahagi ang SoChA ni Mayor Vico Sotto, kung saan inilahad niya ang mga programa at polisiya ng lokal na pamahalaan na naglalayong patuloy na protektahan ang karapatan ng bawat kabataang Pasigueรฑo. Tinalakay niya ang apat na pangunahing karapatan ng kabataan: Right to Survival, Right to Development, Right to Protection, at Right to Participation, at ipinakita kung paano tinutugunan ng ibaโ€™t ibang programa at inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang bawat isa upang matiyak ang kanilang patuloy na pag-unlad at kapakanan.

Matapos ang talumpati ni Mayor Sotto, lumagda sa Pledge of Commitment on Child Rights ang Pasig City Council for the Protection of Children bilang pagpapatibay ng pangako ng lokal na pamahalaan sa paglikha ng mga programang kapaki-pakinabang para sa lahat, lalo na para sa kabataan.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang, nagpaabot din ng kanilang mga mensahe sina Congressman Roman Romulo, Vice Mayor Dodot Jaworski, at ilang miyembro ng 12th Sangguniang Panlungsod, kabilang sina Councilor Boyie Raymundo at Councilor Simon Tantoco.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Vice Mayor Jaworski na ang bawat kabataan ay may responsibilidad ding protektahan ang kanilang mga sarili mula sa banta ng online at offline na karahasan. Ipinaalala rin niya na mahalagang maging responsable sila sa paggamit ng teknolohiya.

Para naman sa ikalawang bahagi ng selebrasyon, ang Childrenโ€™s Summit, itinampok ang ibaโ€™t ibang entertainment activities, kabilang ang espesyal na performances mula sa mga natatanging kalahok sa month-long activities.

Parte rin ng programa ang pagbibigay ng inspirational messages nina Police Captain Mary Grace M. Pagtacunan, Chief ng Women and Children Protection Desk ng Philippine National Police-Pasig, at Mr. Gilbert Inocencio, School Principal ng Eusebio High School. Bukod sa mga mensahe, bahagi rin ng programa ang pagbibigay-parangal sa mga nagwagi sa ibaโ€™t ibang kompetisyong isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 33rd National Childrenโ€™s Month.

โ€”
Lubos ang pagpapasalamat ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa lahat ng indibidwal at sektor na nakiisa upang maging matagumpay ang selebrasyon ng ika-33 National Childrenโ€™s Month sa ating lungsod. Makakaasa po kayo na patuloy na magpapatupad ang lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Pasig CSWDO, ng mga programa at proyektong tutugon sa kapakanan, proteksyon, at patuloy na pag-unlad ng mga kabataang Pasigueรฑo.

โ€”
Nais balikan ang mga kaganapan mula sa SoChA? Panoorin ang Facebook Live sa pamamagitan ng link na ito: https://bit.ly/33rdNCMStateoftheChildrensAddress

Photos 27/11/2025

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Caruncho Avenue
Pasig
1600

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm