Komunida Initiative

Komunida Initiative

Share

21/07/2026

HUNTAHAN TA NGAYONG HULYO! 🎨

Bilang bahagi ng KlimaLikha Creative Climate Fellowship, inihahandog ng Komunida Initiative ang HUNTAHAN: Usapang Klima, Kuwentong Likha, isang serye ng learning sessions sa malikhaing pagkukuwento para sa klima at kalikasan.

Samahan ang walong KlimaLikha artist fellows at ang ating learning at creative mentors sa anim na sesyon na magdadala sa atin mula sa mga pundasyong teoretikal at teknikal hanggang sa praktikal na paglikha ng mga obrang nagtataguyod ng pagkilos para sa klima at kalikasan.

Hulyo 20 | 6:00–8:00 PM
Pagpapahayag at Komunikasyon sa Pagbabago ng Klima
Mentors: Casey Cruz & Jax Bongon

Hulyo 23 | 6:00–8:00 PM
Pakikisalamuha at Pakikipamuhay sa Pamayanan para sa Edukasyong Pangklima
Mentor: Lao Castillo

Hulyo 25 | 4:00–6:00 PM
Sining at Estetika bilang Porma ng Pakikibaka
Mentor: Rica Palis

Hulyo 27 | 6:00–8:00 PM
Paglikha ng Komiks at Zine para sa Klima at Kalikasan
Mentor: Dale Magsino

Hulyo 29 | 6:00–8:00 PM
Pagkukuwento at Pagkilos para sa Kalikasan sa Pamamagitan ng Maikling Pelikula
Mentor: Joanne Cesario

Hulyo 31 | 6:00–8:00 PM
Teatrong Pagtatanghal para sa Katarungang Pangklima
Mentor: Faye Aldefolio

BUKAS ANG HUNTAHAN PARA SA LAHAT! ✨ Kung nais mong matuto tungkol sa climate storytelling, malikhaing komunikasyon, at sining para sa pagbabago -- Tara na't sumama sa huntahan! Mag-register sa bit.ly/huntahansession.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.komunida.org.

Komunida Initiative 19/07/2026

HUNTAHAN: Pagpapahayag at Komunikasyon sa Pagbabago ng Klima

🗓 Hulyo 20, 2026 | ⏰ 6:00–7:00 PM

🌸 Magrehistro ngayon: bit.ly/4waXmdJ
🌸 Magrehistro ngayon: bit.ly/4waXmdJ
🌸 Magrehistro ngayon: bit.ly/4waXmdJ

Communicating Climate Change: Who gets heard in the climate crisis? Whose stories are we telling?

🌱 Hindi lang tungkol sa kalikasan ang usapin ng pagbabago ng klima—tungkol din ito sa mga tao at sa kanilang mga kuwento. Sa likod ng bawat datos ay may mga komunidad na patuloy na humaharap sa mga hamon at nagpapakita ng katatagan. Kaya mahalaga ang komunikasyon tungkol sa klima na hindi lamang nakabatay sa mga siyentipikong impormasyon, kundi nagbibigay-puwang din sa mga kuwentong nagpapalalim ng ating pag-unawa, nagpapalakas ng malasakit, at naghihikayat ng sama-samang pagkilos.

🌿 Inaanyayahan ang mga mag-aaral, g**o, mamamahayag, artista, kuwentista, content creators, at mga tagapagtaguyod ng adbokasiya na makiisa sa online na talakayang ito. Sama-sama nating pag-usapan kung paano nagiging mas makabuluhan at mas madaling maunawaan ang usapin ng pagbabago ng klima sa pamamagitan ng malikhaing komunikasyon at pagkukuwento—habang binibigyang-pansin ang mga karanasan, hamon, at katatagan ng mga komunidad na nasa unahan ng krisis sa klima.

🔗 For more information, visit: www.komunida.org

Komunida Initiative

06/07/2026

KLIMALIKHA 2026 🎨

⏳ Malapit nang matapos ang paghihintay!

Kasalukuyan nang isinasagawa ang pagpili sa mga magiging fellows ng ating walong linggong Climate Arts Residency. Maraming salamat sa lahat ng nag-apply at nagbahagi ng kanilang mga kuwento at adhikain.

Abangan ang opisyal na anunsyo ng ating bagong batch ng fellows. Malapit na! 🌿🎨

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Pasig
1600

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm