LABAN Konsyumer
MAKIALAM!
18/08/2023
TILA yata nagiging insensitibo ang ilan sa ating mga opisyal sa mga panahon ngayong patuloy ang pagtaas ng mga bilihin lalo na ng bigas.
At ang pinaka ayaw marinig nating mga Konsyumer ang mga katagang, “mag iba kaya tayo ng diet?”, “kumain naman tayo ng camote o ng white corn?”.
Batid din po ng mga tunay na namamalengke kung gaano kamahal ang per kilo ng camote at mais ngayon.
Halos o kadalasan ay mas mahal pa kaysa sa bigas. Maging ang saging na makakapag palakas sana ng ating mga tuhod, ngayon ay manghihina ka na rin sa presyo.
Ang gusto po sana natin sa LKI, ay marinig ang mga ahensya ng gobyerno na;
- Sila ay nangunguna na para payapain ang umiiral na mataas na presyo ng ilang mga pangunahin bilihin para kahit papaano ay hindi sumabay sa mataas na presyo ng bigas.
- Hulihin at tunay na papapanagutin ang mga nananamantala at ‘profiteers’ (May nabalitaan na ba kayo?
- Patuloy na maghanap at tumulong sa mga raw materials producers at maipasok sila sa food supply chain na direktang bibilhin ng gobyerno para mapamura ang cost of production ng mga pagkain.
Ilan lamang po yan sa suhestiyon natin.
SANA pakinggan!
In the meantime, as of August 18, ang presyo po ng;
Camote - 60 pesos / kilo mula sa source = 70-80 pesos na sa sa pamilihan
Camoteng kahoy - 40 pesos / kilo mula sa source = 50-60pesos sa pamilihan
Puting Mais - 45 - 65pesos per kilo mula sa source = halos 80 na sa pamilihan
(As of 5:am, August 18, 2023 sa Divisoria at Polo Market LKI monitor)
25/07/2023
ILAGAY natin sa tamang konteksto.
Ang binabanggit po ng Pangulong BBM sa kanyang SONA na bumaba na ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay nakabase lamang sa mga presyo ng mga ibinebenta sa mga KADIWA stores.
Subalit ang mga Kadiwa Stores ay iilan lamang at karaniwang nakikita lamang kung saan bumibisita ang Pangulo.
Ang PAYO po ng LABAN Konsyumer, kung mapapanatili ang murang presyo sa mga Kadiwa Stores, mas maganda na tapatan ng gobyerno at magkaroon ng mas maraming Kadiwa Stores sa mga palengke at iba’t ibang pamilihan.
Sa ganitong pagkakataon, magkakaroon ng mas malawak na ‘access’ sa murang pagkain ang mga Konsyumer.
Kapag may kumpetisyon sa mga pribadong mangangalakal, mapapanatag din nito ang presyo sa pangkalahatang pamilihan sa bansa.
Subalit, maaaring KULANG pa ang ginagawang pag aaral ng administrasyon patungkol sa tunay at umiiral na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Hindi biro para sa mga Konsyumer lalo na ang mga maliliit lamang ang kinikita ang mataas pa ring presyo sa pamilihan.
Ito ang tunay na hamon at tunay estado ng bansa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Greenwoods Executive Village
Pasig
1900
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |