Dead Nails
21/05/2026
Samahan nyo kami mag chill sa The 70's Bistro sa June 13, 2026.
Sagot ng The Youth ang swabeng tugtugan kasama ang WARLAK at DEAD S***M.
Kasama din naming magchi-chill ang RUNNING FROM GODZILLA, SAGIP ADIK FOUNDATION at JEEPNEY JOYRIDE.
Tara na at magpalamig sa Halo-halong musika na inihanda ng Steevo at SGD Production. 👣
19/05/2026
No Drama. No BS. Just Real Talk.
Isang Pahayag!
Ang bandang WARLAK ay patuloy na kumikilala sa kakayahan ng aming mga kapwa musikero at laging inilalagay sa isip ang kapakanan ng mga kapwa namin banda. Sa industriya ng indie music, underground, o kung anoman ang gustong itawag ng iba, ang mga banda, tumutugtog para bigyang laya ang kanilang passion for music, madalas walang kapalit, walang bayad. Dahil dito, napakahalaga ng respeto sa bawat banda, may pangalan man o wala.
Ang mga tugtugang nagla line-up ng napakaraming banda, inaabot ng umaga, hanggang yung pinaka huli ay wala ng nanonood kundi ang sarili nila, ay isang masakit na kalakaran sa eksena. Walang ibang hangad ang mga banda sa tugtugan, lalo na yung mga baguhan, kundi ang mapanood sila, mapakinggan ang kanilang musika, tapos isasabak sa tugtugang napakahaba na hindi naman kayang panindigan ng gumawa ng programa kung yung mga taong nanonood ay kaya nilang pigilang umalis sa gitna ng tugtugan.
Malaki ang bahagi ng mga Productions sa eksena, kung wala sila, walang buhay ang industriya. Pero minsan, may mga nakakalimot sa kapakanan ng mga banda, lista ng lista sa line-up, hindi iniisip kung yung mga nahuhuli ay may manonood pa.
Aminin na natin, walang timeslot na nasusunod, walang magaling jan, mas madalas may delays kesa wala. Sa mundo ng Indie music scene, natural na yan, hindi dahil unproffesional ang mga banda, kundi dahil kailangan nilang maghanda at gawing maayos ang set nila. Pag ang banda nagmamadali, hindi nila nae enjoy ang performance. Pag tumagal sila, tatamaan ang kasunod, magagalit, ay yung huli, iniwanan na lahat ng manonoood. Minsan pa, kung sino yung nag line-up, sila pa nagbabago ng time slot, pinagbibigyan yung tropa, o yung bandang medyo sikat. Yung front act nagiging last act, kasi, sikat daw sila kuya.
Ang WARLAK, kung gusto nyo kaming makasama sa tugtugan. anytime, pwede kami. Kahit saang part nyo kami ilagay. Sa Una, sa gitna, o kahit sa huli. Pero kung ang tugtugan ay napakahaba at makakadagdag pa kami sa oras na ikaka perwisyo ng iba, huwag nyo na kaming isali. Ayaw naming maging pabigat sa iba.
Sa panahon ngayon, dapat ang pagbabanda ay isang masayang karanasan. May sapat na oras ang mga tutugtog upang ma-enjoy nila ang stage, lalo na sa mga alamat ng musika na iniidolo namin mula pa ng dekada nobenta, at sa mga nauna pa.
Pinaka huli at pinaka mahalaga sa lahat, Hindi nagkakapera ang ang INDIE bands sa eksena, kaya respeto ay mahalaga para sa kanila, sa amin.
Mabuhay at saludo sa mga kapwa alagad ng sining sa musikang malalim.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Pasig
1600