Warren Inocencio

Warren Inocencio

Share

Photos from Warren Inocencio's post 24/04/2026

April 23, 2026 | Apat na Blue Ribbon Committee Hearing.

Bilang miyembro ng Blue Ribbon Committee na pinapangunahan ni Chairperson Konsi Angelu De Leon, masusing sinusuri ang mga anggulo hindi para kumampi, kundi para sa tama at makatarungan.

May magagalit, ngunit bahagi ito ng aming tungkulin. Layunin natin ang good governance, kaya binibigyan ng pagkakataon ang magkabilang panig na marinig at makahanap ng solusyon para sa kapakanan ng mas nakararami.

Sa usapin ng transparency, hanggaโ€™t wala pang napapatunayan, mananatiling confidential ang mga detalye ng magkabilang panig para maiwasan ang panghuhusga at maling akusasyon.

Kami ay naninindigan sa tama at patuloy na nagsusulong ng maayos at makatarungang pamamahala. ๐Ÿ™๐Ÿผ

Photos from Warren Inocencio's post 22/04/2026

April 21, 2026 | Disaster Risk Reduction Management Committee Hearing: PR No. 270-2026 & PR No. 271-2026

Ang dalawang Committee Hearing na ito ay umiikot sa pag apbruba ng partnership ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa mga unibersidad para sa mas maayos na paghahanda sa sakuna (Disaster preparedness, Emergency response, Community resilience etc.). Ibig sabihin, katuwang ang Arellano University at NU East Ortigas upang makatulong ang kanilang expertise pagdating sa research, training and volunteers para mapalawak ang tulong at resources natin sa ating lungsod.

Bilang Committee Chairperson ng DRRM, kasama ang Pasig DRRMO chief Bryant Wong at suporta ni Mayor Vico Sotto, patuloy nating pinapalakas ang Disaster Management ng Pasig city. ๐Ÿ™๐Ÿผ

Photos from Warren Inocencio's post 20/04/2026

April 20, 2026 | Monday Regular Session
12th Sangguniang Panlungsod ng Pasig
Presiding Officer: Vice Mayor Robert Vincent Jude B. Jaworski Jr.

๐Ÿ’ก Matapos ang sesyon, tinalakay ng sanggunian ang mga posibleng epekto ng fuel crisis at kung paano ito tutugunan ng lungsod, partikular sa pagsuporta at pagpapanatili ng operasyon ng mga lokal na negosyo, transportasyon at iba pang posibleng maitulong sa ibat ibang sektor.

Sa inyong tulong at suporta, patuloy na naghahanap at nakakahanap ang pamahalaang lungsod ng mga konkretong hakbang upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga Pasigueรฑo at mapanatili ang sigla ng lokal na ekonomiya sa gitna ng hamon na dulot ng fuel crisis.

20/04/2026

PAKIBASA: Protocols pag may nasunugan ๐Ÿšจ Salamat sa malinaw na paliwanag Mayor Vico ๐Ÿ™๐Ÿผ

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—ข๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—ฆ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ก ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—”๐—š ๐— ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—จ๐—ก๐—จ๐—š๐—”๐—ก- Lalo na sa mga mas malaki kagaya nitong sa Brgy Bagong Ilog.

Para sa mga nagtatanong... nasa iba-ibang lugar kasi ang mga nasunugan nung dumaan ako kahapon (onsite, mga kwarto sa evac site, nasa trabaho, etc). kaya dito ko na lang po ipapaliwanag.

1. BFP handles fire site and investigation (thank you firefighters- bfp drrmo brgy ngo volunteers)

2. Open EVACUATION SITE (camp manager CSWDO)

3. HOT MEALS c/o Barangay for first 3 days (thank you Kap Bing and Bagong Ilog officials)

4. Nagbigay agad ng SLEEPING AND HYGIENE KIT (para magamit na sa unang gabi nila sa evacuation)

5. ON SITE VALIDATION BY CSWDO & PUSO (ongoing sila nung dumaan ako kahapon)

6. [AFTER VALIDATION] DISTRIBUTION OF OTHER RELIEF GOODS
- Non-Food (kitchenwares etc)
- Food Items (de lata etc)
- From others, public and private

7. FINANCIAL ASSISTANCE TO BE PROCESSED for Owners, Renters, Sharers, and Partially Damaged.

๐—ฃ๐—”๐—ž๐—œ๐—จ๐—ฆ๐—”๐—ฃ: ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฆ๐—ช๐——๐—ข ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐˜€. Wag sabihin na 2 pamilya kung 1 lang naman talaga. Wag mag-claim na total damage nung nadilaan lang ng sunog o nabasa lang ng konti.

Iilan lang naman yung ganun, pero tumatatagal ang proseso dahil sa kanila. Lalo na't medyo malaki rin ang ating financial assistance, siguraduhin natin na tama at patas ang pamamahagi nito.

Sa mga taga-Pook Maligaya (Cuevas property) Mag-iikot ang PUSO, pero pag-uusapan natin ng masinsinan ang inyong lupa kapag mas kalmado na po ang lahat. Para sa kaalaman ng lahat, nabili na po ito ng City Government.

MARAMING SALAMAT SA PAGBASA. INGAT AT GOD BLESS. ๐Ÿ™

(posted April 19, 2026)

Want your organization to be the top-listed Government Service in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Pasig
1609